Chapter 3

316 13 4
                                    

"We're already processing your papers Mrs. Santos.. I'll call you back.. okay. Thank you for trusting us," sabi ni Ree at saka niya binaba ang telepono. Bukod sa isang architecture firm, ay isang travel agency rin ang pinapatakbo nila na pagmamay-ari naman ng lolo niya. "What do you want?" tumingin siya sa lalaking nakatayo sa harapan niya.

"Madami ka palang kliyente ngayon."

"What do you want?" pag-uulit ni Ree.

"Namiss kita."

"Axel, please. Madami akong kailangan asikasuhin. Wala akong time makipaglokohan sayo," iritang sabi ni Ree habang nakatingin sa laptop niya.

Umupo si Axel sa isang upuan na nandoon at saka siya nagsalita. "I just want us to talk."

Sinara ni Ree ang laptop niya at tiningnan niya si Axel. "Talk about what?" she said coldly.

"Us."

Ree chuckled at lumipat siya sa couch na nandoon. "Us?"

Tiningnan niya si Ree na nasa likuran niya. Tumayo siya at umupo sa tapat ng dalaga. Matagal silang nanatili sa ganoong posisyon. Nagkatinginan lang sila at nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"You can leave now," sabi ni Ree at bumalik na ito sa table niya.

Sinundan ng tingin ni Axel ang dalaga at saka ito tumayo. "Ree.."

Bago pa man umupo si Ree ay nilingon niya si Axel. "Oh.. dad already knew about us. Don't worry, hindi ko naman sinabi na tanggalin ka niya. Hindi ko na karapatan 'yon. It's dad's choice if he will fire you or not," binuksan niya ulit ang laptop niya at nagpatuloy sa pagtatrabaho. "You can leave now," she said without looking at him.

Tuluyan na nga niyang nilisan ang opisina ng dati niyang kasintahan. Sumakay siya sa sasakyan niya pero bago pa man siya umalis ay tiningnan niya muna mula sa labas ang bintana ng opisina ni Ree at saka siya nagmaneho palayo.

Sa halip na dumiretso sa firm, ay sa condo unit niya siya dumiretso upang magpahinga. Hindi pa man nagsisimula ang araw ay pakiramdam niya ay pagod na pagod na agad siya. Pagod ang utak niya pati na rin ang puso niya.

Pabagsak siyang humiga sa kama niya at tumingin siya sa kisame. Nagriring ang phone niya pero wala siya sa sarili niya upang sagutin iyon. Alam naman niyang si Fifth iyon at sigurado siya hinahanap siya ng kaibigan niya ngayon. Marami rin kasi sila kailangang tatrabahuhin at nandito siya ngayon, nakahiga.

Patuloy pa rin tumutunog ang phone niya. Ayaw niya munang makipag-usap kahit kanino. Masakit ang ulo niya.. pati ang puso niya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang luha niya. Agad niya itong pinunasan gamit ang kanyang kamay at saka siya pumikit.

"Psst!"

Lumingon si Axel pero walang tao na nandoon.

"Psst!"

Lumingon siya pero wala ulit tao. Dire-diretso lang siya sa paglalakad habang nakatingin sa likuran niya. Napakunot siya ng noo at pagharap niya ay bigla siyang nagulat.

"Boo!"

Napahawak siya sa kanyang dibdib habang ang babae naman ay walang tigil sa pagtawa. Nainis siya sa babae kaya naman nilampasan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Napasimangot naman ang babae kaya sinundan niya ito nang hindi alam ng binata. She giggled at narinig iyon ni Axel. Lumingon siya at nakita niyang nakatakip ang bibig nito gamit ang kanyang kamay. "What now?" tanong ni Axel at tuluyan niyang hinarap ang dalaga.

Nginitian lang siya ng dalaga at tumawa ito ng mahina. Napako ang mga mata niya sa babaeng nasa harapan niya. Nakabestida na naman itong puti at nakalugay ang mahaba nitong buhok. Hindi niya inalis ang paningin niya sa mata ng dalaga. Mapungay ito at napakagandang tingnan. At sa pagkakataong iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Bigla siyang natauhan at inalis ang tingin sa mga mata ng dalaga.

Brighter Than Sunshine (JaXel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon