Chapter 7

254 14 4
                                    

"Nasaan ka na Gesty?" sabi ni Alex kay Michele na kanina pa nakatulala.

"Huh?"

"Layo ng tingin mo eh. I wonder kung saan ka na napunta."

Napatawa nang bahagya si Michele at saka nito hinalo ang kape niya. "Naniniwala ka ba sa magic?" tanong niya sa kaibigan.

"Magic? Yung sa mga birthday parties ganon?"

Tumawa nang malakas si Michele at saka ito napailing. "Hindi," tumingin siya kay Alex. "Naniniwala ka ba na pwedeng mangyari in real life yung mga bagay na hindi naman talaga pwedeng mangyari sa totoong buhay?"

"Ano?" tanong ni Alex. "Isara mo na nga yang shop mo at bawas-bawasan mo pagkakape mo. Kung anu-ano pumapasok sa utak mo eh."

"Gesty naman ehhhhh."

"Bakit ba?!" sabi ni Alex na natatawa kay Michele.

"Ehhhhh kasi.."

Tinitigan niyang mabuti si Michele. "Realtalk?"

"Realtalk."

Umayos ng upo si Alex at saka ulit nito tiningnan ang kaibigan niya. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung maniniwala ako or hindi. Ang labo naman kasi ng tanong mo eh. Nakakagago."

Napatawa si Michele sa kaibigan at saka ulit nito pinagpatuloy ang sinasabi niya. "Pero sabi nila, kapag naniwala ka daw sa isang bagay pwede itong magkatotoo."

"Kaya pala.."

"Kaya pala ano?" tanong ni Alex kay Michele na tumatango habang natatawa.

"Kaya pala hindi ka gumanda sa paningin ko."

"What?!" sigaw ni Alex.

"Kasi hindi ako naniwala."

"Bwisit. One point ka dun ah!" sabi ni Alex at tumawa sila pareho. "Bakit mo ba kasi tinatanong? Hay nako ha.. nahahawa ka na dun sa bestfriend mong baliw."

"Siraulo!" napatingin ulit si Michele sa kaibigan niya. "Hay nako Cathy malalaman mo rin. At kapag nalaman mo, for sure mababaliw ka rin."

"Bakit? Ano ba yun?"

"Basta!"

Sinamaan lang nang tingin ni Alex si Michele. "Ganyan kayo eh. Naglilihim na kayo sakin."

Tumawa naman si Michele habang si Alex nakasimangot pa rin. "Ano nagtatampo ka?!"

"Hindi! Slight lang," at napatawa silang dalawa. "By the way, next week na ang kasal ni ate. Punta kayo ha!"

"Talaga? Teka nga lang ha, sino ba ang ikakasal? Ikaw o ate mo? Makapang-invite ah!"

"Ayaw mo ba?"

"Wala akong sinabi."

"Aasahan ko kayo ah? Una na pala ako. Nagtext si ate eh. May inuutos na naman."

Nagpaalam na si Alex kay Michele at tuluyan na itong lumabas sa shop ng kaibigan.

-

"Oh, try mo to," inabot ni Axel ang isang puting shirt at isang shorts kay Jane. "Sa cr ka na magbihis."

Pumunta si Jane sa banyo upang magpalit ng damit. Pagkatapos noon ay lumabas na siya at nakita niya si Axel na nag-aayos ng papel sa table nito. Tumayo lang siya di kalayuan kay Axel at di nagtagal ay humarap na rin ito sa kanya.

"Bagay naman pala sayo eh," sabi ni Axel at tiningnan niya si Jane na tila nahihiya sa suot niya. Simula kasi nung dumating ang dalaga sa pad niya ay puro damit na niya ang suot nito.

"Sayo ba to?"

Napatawa si Axel at saka siya umupo sa kama niya. "No, no, no. Pambabae yan eh."

"Bakit may pambabae kang damit?"

Biglang nagseryoso ang mukha ni Axel. Napayuko lang siya at tiningnan niya ulit si Jane. "That was Ree's."

"Ahh," sabi ni Jane at tumango tango ito. Nagpunta siya sa may side table ng binata at kinuha niya ang isang maliit na picture frame na nandoon. "Siya ba to?"

Nilingon siya ni Axel mula sa kabilang dulo ng kama at nang magtama ang mga paningin nila ay saka siya tumango.

"Ang ganda naman niya," sabi ni Jane habang tinitignan pa rin ang picture frame na hawak nito.

Tinabihan niya ang dalaga at saka siya ngumiti. "She's the most beautiful girl in the world. Well next to my mom of course."

Napangiti si Jane at saka niya ulit pinatong ang picture sa side table na nandoon. "Mahal mo talaga siya no?"

Axel nodded. "Since highschool kasi magkasama na kami. She changed my life. In a good way and somehow in a bad way."

Napatitig lang si Jane sa binata at hinayaan lang niya itong magsalita.

"I sacrificed everything for her. My dream job, basketball and my life. I did everything just to please her and her family. Ganon pala siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kaya mong gawin ang lahat para sa kanya. Kahit ang kapalit nito ay iyong.. pangarap mo."

Napailing lang si Axel at saka siya nagbuntong-hininga. "Akala ko okay na ang lahat. Akala ko sapat na lahat ng bagay na ginawa ko para sa kanya. Pero siguro it's not enough. Not even enough to make her happy. Iyon lang naman ang gusto ko eh, ang makita siyang masaya. Gusto ko palagi siyang nakangiti. I think that's the only thing that makes me go on with my life."

"Kung ako si Ree, hindi kita papakawalan."

"Sinasabi mo lang yan kasi kailangan mong pagaanin ang loob ko."

"Hindi ah. Totoo yun."

Umayos si Axel ng upo at saka siya humarap kay Jane. "Okay. Tell me. I falied most of my subjects back in college. I don't do well at work. And now may malaking project akong gagawin and I don't even know kung magagawa ko siya nang maayos."

"Ewan."

"What?!"

"Sapat na siguro na dahilan iyong sakripisyo na ginawa mo. Yun nga lang hindi ako si Ree."

Napatawa nang mahina si Axel at saka ito nagsalita. "Three weeks ko na rin siyang hindi nakikita. I want to talk to her but when I try, she's just pushing me away. It's killing me. I miss her."

Napansin ni Jane ang pagtulo ng luha ni Axel kaya naman agad niya itong niyakap. "Wag ka nang umiyak.." sabi ni Jane as she pats his back.

Kumalas si Axel sa yakap ng dalaga at saka niya ito tinignan. "Better."

Nginitian lang siya ni Jane. "Buti naman kung ganon."

"You know what?"

"Hm?"

"I don't know where you came from and we just met like what, weeks ago? Pero feeling ko matagal na tayong magkakilala."

"Talaga?"

Tumango si Axel.

"It somehow lessens the pain while you're around," sabi ni Axel. "Can you please stay until.. the pain is gone?"

"Oo naman. Kaya nga ako nandito eh. Basta ba ano eh.."

"Basta ba ano?" sabi ni Axel at saka ito napakunot ng noo.

Ngumiti si Jane. "Basta ba wag kang maiinlove ka sa akin."

-

Short update. Hahahaha. Sorry naman. Sinusulit ko bakasyon ko eh. Hope you liked it! Pagbalik ko, mahaba na yung update ko. Hahahahaha

Im seeing lots of hate tweets about Michele, Jayme and Aina. Please people, stop bashing them. Walang magagawang maganda kung patuloy lang kayong mambabash. And besides, hindi niyo pangalan ang dala dala niyo, pangalan ni Jane and Axel. So, stop the hate and just focus on supporting Jaxel! Thats all

Brighter Than Sunshine (JaXel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon