Maliwanag ang sikat ng araw at malamig rin ang simoy ng hangin. Kasabay rin noon ang pagsayaw ng mga dahon at paghuni ng mga ibon. Isang napakagandang araw. Pero hindi para kay Axel.
Nakaupo siya ngayon sa isang bench na matatagpuan sa ilalim ng isang malaking puno. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang buong paligid. Kung gaano kaaliwalas at kaayos ang kapaligiran ay siya naman ginulo ng kanyang utak. Gusto niyang mailabas ang sama ng loob sa katawan niya pero hindi niya alam kung paano gagawin iyon.
Bumuntong-hininga siya at saka niya nilagay ang ulo niya sa pagitan ng kanyang mga tuhod. Nanatili siya sa ganoong posisyon at pinikit niya ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya at pagmulat niya ng kanyang mga mata ay tumulo bigla ang kanyang mga luha.
Naramdam niyang may umupo sa tabi niya kaya naman umayos siya ng upo at pinunasan niya agad ang kanyang mga luha gamit ang kamay niya. Dumiretso lang siya ng tingin at hinayaan lang ang tao na nasa katabi lang niya. Ilang minuto na rin ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ito tumatayo. Sinulyapan niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa kanya.
"Why are you looking at me?" tanong niya sa dalagang nakatingin sa kanya. Nakasuot ito ng puting bestida at mahaba ang itim nitong buhok. Hinahangin ang buhok nito kaya hindi niya masyadong makita ang mukha nito.
"Ikaw, bakit ka umiiyak?" sagot nito at sa pagkakataong iyon ay hinawi nito ang kanyang buhok na nakaharang sa mukha niya.
Napansin naman agad ni Axel kung gaano kaganda ang dalaga at napatitig siya dito ng matagal. Maputi rin ito at kulay brown ang mata. "It's none of your business," sabi niya at saka siya umiwas ng tingin sa dalaga.
"Ang ganda ganda ng panahon tapos nakasimangot ka," sabi ng dalaga. "Gwapo ka pa naman."
Napatawa ng bahagya si Axel at saka niya ulit nilingon ang dalaga. "Really."
"Oo, kaso nakasimangot ka lang," at saka nito tiningnan si Axel. "Ngumiti ka na," tapos ngumiti ang dalaga.
"Don't tell me what I need to do."
"Alam ko," mabilis nitong sagot. "Binibigyan lang kita ng choice. Nasa sa iyo yun kung susundin mo o hindi. Pero kung ako sayo, ngingiti ako. Kahit na gaano kabigat iyong dinadala ko, ngingiti pa rin ako. Alam mo kung bakit?"
"Why?"
"Kasi doon gagaan ang pakiramdam ko."
Natigilan bigla si Axel at saka niya tiningnan ang dalaga na kanina pa nakatingin sa kanya. Sinunod niya ang sinabi nito at tama nga ito, gumaan ang pakiramdam niya.
"Okay ba?" tanong ng dalaga.
"Yeah.. somehow," napatawa siya ng mahina. "Thanks."
Nakita niyang pumikit ang dalaga at saka ito ngumiti. Pinagmasdan lang ni Axel ang maganda mukha nito. Mula sa kilay nito, hanggang sa mga mata, sa matangos nitong ilong at pagdating ng mga mata niya sa labi nito ay bigla siyang napatitig dito.
"Ako naman ngayon ang tinitingnan mo."
Agad na iniwas ni Axel ang titig niya sa dalaga. "No, i'm not."
"Bakit ka ba malungkot?"
"Huh?"
Tiningnan niya ulit ang dalaga at seryoso itong nakatingin sa kanya. "Why'd you want to know?"
"Malay mo matulungan kita," at saka ito ngumiti.
"Really."
Walang ibang sinabi ang dalaga at ngumiti lang ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Brighter Than Sunshine (JaXel)
Romance"Love will remain a mystery, But give me your hand, and you will see. Your heart is keeping time with me." JaXel fanfiction.