Nagdaan ang ilang araw at nagawa na rin masanay ni Axel sa presensya ni Jane kahit na minsan ay may pagkaweirdo ito. Day-off niya ngayon kaya naisipan niyang isama si Jane sa isang mall. Kasalukuyang tumitingin si Axel ng tux nang bigla siyang kuhitin ni Jane.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Bibili ako ng susuotin for tomorrow," he said without looking her.
"Para saan?"
"Wedding," matipid niyang sagot at nag-ikot-ikot pa siya para tumitingin ng magandang tux. Si Jane naman walang nagawa at sumunod lang ito kay Axel.
"Bakit sinama mo pa ako? Pwede naman akong-"
Pinutol ni Axel ang sinasabi niya at itinaas niya ang dalawang tux na hawak niya. "This or this?"
"Huh.."
"But I think ill look good in black. What do you think?" sabi ni Axel. Humarap siya sa malaking salamin na nandoon at tinapat niya ang black tux sa katawan niya. Tiningnan ni Axel si Jane mula sa reflection ng salamin at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. "Huh what do you think?"
"Ha eh.. try mo to.." sabi ni Jane at inabot nito ang gray na tux kay Axel.
"Gray?" sabi niya at kinuha niya ang tux kay Jane. Tiningnan niya ito at tumingin ulit siya sa dalaga. "You think ill look so freaking handsome on this?"
Ngumiti si Jane at saka siya tumango. Axel shrugged at saka niya sinuot ang tux. "Hmm.. not bad. You have a good taste huh."
Pumunta na sila sa cashier at saka nila binayaran ang binili nila. Pagkaabot ni Axel ng pera ay nilingon niya si Jane na nakatingin sa kabilang parte ng department store. Sinundan niya ng tingin ito at napansin niyang tinitingnan nito ang isang dress na nandoon.
"Uh.. Jane?" sabi ni Axel at lumingon naman agad ang dalaga. "Let's go."
Sinundan naman agad siya ni Jane palabas ng department store. Napansin ni Axel na tahimik ang dalaga kaya naman hinila niya ulit ito pabalik ng department store.
"Aray ko. Huy bakit ba?!" sabi ni Jane habang hinahawakan ang braso niya.
"Miss," tawag ni Axel sa isang saleslady na nandoon. "For her please.." at saka niya tinuro si Jane.
"Ha? Ano?"
"I don't want you to wear her clothes again," turo ni Axel sa suot ni Jane which is Ree's.
"Eeeeh wag naaa.." sabi ni Jane. Papalabas na sana siya ng store nang bigla siyang binuhat ni Axel mula sa likuran niya.
"Wag kang makulit!" sabi ni Axel at saka niya binaba si Jane at pinaupo niya ito sa upuan na nandoon.
Napalingon silang dalawa nang biglang dumating ang saleslady at marami itong dalang damit. Tiningnan ni Jane si Axel at nginitian naman siya nito. "Go on.. Ill wait here," sabi ni Axel at saka sinundan ni Jane ang saleslady papunta sa fitting room.
Habang nagsusukat si Jane ng damit ay naisipan ni Axel na maglibot-libot muna sa department store. Makalipas ang limang minuto ay bumalik na siya at napatigil siya nang makita niya si Jane na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanya. Nakablack sleeveless shirt ito with a longsleeve denim polo on top na nakatupi hanggang siko nito. She also wears a black short and a pair of sneakers.
"Okay lang ba? Ayoko kasing magsuot ng ano eh.."
"It's okay. You look good," Great indeed. Sabi ni Axel habang nakatingin lang kay Jane.
Marami-rami rin nasukat na damit si Jane. Si Axel naman walang nagawa kundi purihin nang purihin si Jane sa suot nito.
Pagkatapos nilang mamili ay kumain muna sila sa isang pizza parlor. Napansin naman ni Axel na masaya ang dalaga at talagang nag-eenjoy ito sa kinakain niya.
BINABASA MO ANG
Brighter Than Sunshine (JaXel)
Romance"Love will remain a mystery, But give me your hand, and you will see. Your heart is keeping time with me." JaXel fanfiction.