Chapter 4

299 17 5
                                    

"Ano 'yan?" tanong ni Fifth kay Axel. Sinilip niya kung anong ginagawa nito mula sa kanyang table. "Oras ng trabaho kung anu-ano dino-drawing mo."

Tinigil ni Axel ang kanyang ginagawa at tiningnan niya si Fifth na nasa katapat lang niyang table. Nakita niyang umiling ito. Muli niyang tiningnan ang sketch pad niya at tumingin ulit siya sa kaibigan niya. "Tapos na ko dun sa mga designs ko."

"Yeah. But it doesn't mean na dapat gumawa ka nang hindi related sa trabaho." Tumayo si Fifth at pumunta sa table ni Axel. Kinuha niya ang sketch pad nito at saka niya ito binuklat. "Who's this? Ang ganda ah," tukoy niya sa babaeng nakadrawing.

Biglang namula si Axel at inagaw nito ang sketch pad niya. "Give me that!" sabi niya habang inaagaw ang sketch pad niya kay Fifth. Dahil mas matangkad si Axel, ay walang kahirap-hirap sa kanya na agawin ito. "Akala mo naman matangkad siya."

Napatawa silang parehas at bumalik na si Fifth sa table niya. "Gago ka rin ah. Sino ba kasi yan?" pangungulit nito.

"Wala," sabi ni Axel at tinabi niya ang sketch pad niya sa sulong ng table niya. "Chismoso."

"At least hindi na si Ree ang dino-drawing mo."

Napatingin si Axel kay Fifth. Oo nga, si Ree nga pala lagi ang dino-drawing niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas noong huli silang nakapag-usap. At simula noong araw na iyon ay wala na siyang naging balita dito.

Muli niyang naalala ang babaeng nasa panaginip niya. Si Jane. He doesn't know how will he tell to Fifth that the girl he drew a while ago is the girl in his dreams. Baka naman kasi isipin nito na in love siya sa babaeng hindi naman totoo. Which is not true. He guess.

"Tulala ka na naman," pambabasag ni Fifth sa katahimikan nila.

"May kilala ka bang Jane?" tanong nito.

Napakunot ng noo si Fifth. "Bakit ang random mo ngayon?"

"Just answer me."

Fifth tap his fingers on the table. "Hmm.. Jane?"

"Yes, Jane." Tiningnan lang siya ni Axel.

"Wala eh."

"Wala ka talagang kwenta," sabi ni Axel at saka niya chineck ang mga designs niya.

Umiling si Fifth at saka ito tumawa nang mahina. Tiningnan niya ulit ang kaibigan niya at saka ulit ito nagsalita. "Did you know already?"

Lumingon si Axel pero halata sa mukha nito ang pagkaasar. "Know what?"

"Michele's here."

Nanlaki bigla ang mata ni Axel sa narinig niya. "What?! Kailan pa? Why she didn't call me?"

"Busy ka kasi kay Ree."

"Shut up. Kailan pa siya dito?" tanong niya.

"Last week," tugon ni Fifth.

Michele is Axel's bestfriend when they were in college. He treats her as his sister dahil hindi naman siya close sa mga kapatid niya. Kaya kapag may problema siya sa pamilya, studies at kay Ree, kay Michele siya humihingi ng tulong.

One year after they graduated college ay pumunta ito ng Madrid upang magsimula ng business which is naging successful naman. Hindi nagtagal ay nagtayo ito ng branch sa Pilipinas at naging isa ito sa mga sikat na coffee at pastry shop sa bansa, ang Arrows.

Pagkatapos ng trabaho nila ay agad na pumunta si Axel at Fifth sa shop ng kaibigan nila upang surpresahin ito. Pagkadating nila doon ay nakita nilang kausap nito ang isa sa mga barista doon.

Brighter Than Sunshine (JaXel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon