Chapter 5

275 13 11
                                    

Pagkadating ni Axel sa Arrows ay agad niyang hinanap si Michele. Nakita niya ito sa may counter at inaayos ang mga cake na nakadisplay.

"Che," sabi ni Axel.

Agad na tumayo si Michele at humarap ito sa kaibigan niya. "Oh, nandyan ka na pala," sabi nito at tinawag niya ang isa sa crew na nandoon. "Ikaw na bahala dito ah."

"Sigurado ka ba dito? Baka naman.."

"Niloloko kita?" sabi ni Michele habang nakaakbay siya kay Axel. "Kailan ba kita niloko?"

Tiningnan ni Axel ang kaibigan niya. Napatawa naman si Michele dahil dito.

"Yeah, yeah i know. Bumabagyo noon and you asked me kung may pasok and I told you meron. Gosh that's so long ago!"

Napatawa silang dalawa. "Bumabaha noon Che! I walked to a freaking flood just to go to school!" sabi ni Axel. Si Michele naman natatawa pa rin sa katangahan ng kaibigan niya.

"Is it my fault kung hindi ka nanonood ng news?" sabi ni Michele.

"Because I trust you.."

Natigilan si Michele at saka siya tumingin kay Axel. Nakatayo pa rin sila ngayon malapit sa may counter ng shop. "Do you trust me right now?" tanong ni Michele.

"50 percent no, 50 percent yes."

"Asshole," sabi ni Michele at pinalo niya ang tiyan ni Axel.

"Aww that hurts!"

"Kita mo 'yon?" turo ni Michele sa may table na nasa may sulok ng shop. Si Axel hawak hawak pa rin ang tiyan niya. Tiningnan niya ang table na tinuturo ni Michele at nakita niyang may nakaupong babae roon. Nakatalikod ito sa kanila at hindi gaanong mahaba ang buhok nito. "That's Jane," sabi ni Michele.

Napatingin si Axel sa kaibigan at sa babaeng nakaupo at kay Michele.

"Titingnan mo na lang ba ako?" sabi ni Michele and he snapped on his bubble. "I'm going to kill you if you do something ridiculous to my friend."

Tinulak ni Michele si Axel para pumunta na sa table kung saan nandoon si Jane. Muling tiningnan ni Axel ang kaibigan niya at nakita niya itong nagthumbs-up sa kanya. Inayos na ang damit niya at saka sa naglakad papunta sa babae. Habang papalapit siya nang papalapit ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Nang makarating siya sa table ay agad tiningnan niya muna ang babae. Napalunok siya at saka siya nagsalita.

"J-jane?"

Agad na lumingon ang babae. Inalok nito ang kamay niya at kinuha naman ni Axel ito. "Hello," bati nito.

Umupo si Axel sa may tapat ng babae. "So you must be Axel," sabi ng babae. Si Axel nakatulala pa rin. "Hey!"

"Uh.. yeah. Sorry. I'm just thinking about something," depensa ni Axel. Tumingin siya sa may counter pero wala na si Michele doon. Nakita niya itong lumabas ng kitchen. Gustong gusto niyang lapitan ito pero hindi pwede. Mababastos niya si Jane.

"Is there something wrong?" tanong ni Jane.

Napalingon si Axel sa babaeng kaharap niya. "Uh nothing. I just.. you know.. finding someone else."

Tumango-tango naman si Jane. "Are you kind of.. disappointed?"

Nagulat si Axel sa tanong ng babae. "Huh? Uhm.. ah.. kind of. I-I didn't mean to be rude or what. You're beautiful and.. and.. sexy but i'm looking for someone else. Sorry. But it was a pleasure to meet you, Jane."

Tinaasan lang siya ng kilay ng babae at napatawa ito nang mahina. "It's okay Axel. You didn't need to say sorry. Hindi rin naman kita type," sabi ni Jane at kinuha nito ang pouch nito at saka siya tumayo.

Brighter Than Sunshine (JaXel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon