Chapter 6

283 19 5
                                    

Nakaupo si Axel sa kama habang pinagmamasdan pa rin si Jane na nag-aayos ngayon ng mga kalat sa kanyang kwarto. Tatlong araw na rin niya itong nakakasama pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit at paano napapunta ang babae sa pad niya.

"Bakit ka nakatingin?" sabi ni Jane at ibinaba nito ang walis na hawak niya.

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"Huh?"

Bumuntong-hininga si Axel. "Nothing."

"Malungkot ka na naman."

Napatingin si Axel sa dalaga at saka ito ngumiti.

"Ayan. Nakangiti ka na ulit," sabi ni Jane at saka ito lumabas ng kwarto.

Nag-ayos agad si Axel at naghanda na para pumasok sa trabaho. Pagkalabas niya ng kwarto niya ay nakita niya si Jane sa kusina.

"Papasok ka na?" sabi nito habang nilalagay ay dalawang plasticwares sa isang maliit na bag. "Ayan baon mo."

Kinuha ni Axel ang bag at saka siya ngumiti. "Are you going to do this for me everyday?"

"Kung magiging masaya ka, oo naman," sabi ni Jane at ngumiti ito.

Napailing si Axel at saka ito tuluyang umalis. Pagkadating niya sa opisina ay agad siyang sinalubong ni Fifth.

"Wow, buhay ka pa pala?" tanong ni Fifth at tumawa ito.

"Gago!" sabi ni Axel at ibinagsak niya ang mga gamit niya sa table. "Si boss?"

"Sa office niya. Sana nakaready na yung speech mo."

Hindi na sumagot si Axel at dumiretso kaagad ito sa opisina ni Mr. Afdal. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang may kausap sa telepono. Patay. Pagkababa ng telepono ni Mr. Afdal ay tiningnan niya si Axel na nakatayo malapit sa may pinto.

"Mr. Torres, sit down," kalmadong sabi nito.

Shit, shit, shit. He's calm. Does it mean he's going to fire me?! Shit.

"I said sit down."

Napalunok si Axel at umupo siya. Tiningnan niya ang boss niya at may kinuha itong yellow folder. He suppose to shout at me?! What the hell. Is this a kind of trick or what?!

"Mr. Sy and I have a deal. He's planning to expand his business and I want you, Axel, to design Synergy."

Nanlaki ang mga mata si Axel. "Wait,what?! But sir, Synergy is a big company and.. and it is too big for me. This is too big for me. I can't.. I might disappoint you."

"This is what you need! A big break!" sabi ni Mr. Afdal at inabot nito ang yellow folder na hawak niya. "Mr. Torres, I trust you."

"You what?"

"You can leave now. Work on that project and make sure you'll give your best shot."

Nakanganga pa rin lumabas si Axel sa opisina ng presidente. Pagkadating niya sa table niya ay tinitigan pa rin niya ang folder na naglalaman ng mga plano sa bagong project na gagawin niya.

"Oh, tulala ka na naman," sabi ni Fifth at tumawa ito. "Kamusta ang sermon ni boss? Solid ba?" Napansin niyang nakatulala pa rin si Axel. Tiningnan niya ang hawak nitong folder at nanlaki ang mata niya sa nakita niya. "Synergy?! What the fuck bro!"

"I can't believe it."

"Bro! Dream project! Bro! Axel huy!"

"Damn. Is this real?"

Agad na tumayo si Fifth at binatukan si Axel. "Shit bro anong pinakain mo kay boss?!"

"Damn it is real! Woooo!!!" sigaw nito at nagtinginan sa kanya ang iba nilang mga kasamahan sa trabaho.

Brighter Than Sunshine (JaXel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon