September 3. Saturday
WALA akong plano na maging close sa kahit na sino pagpasok ko ng college. Umpisa pa lang, hindi ko na ine-expect na mag-e-enjoy ako. Because being in college means I still have four years before I can finally work for Lolo's company. Inip na inip na ang mga magulang ko. Mas lalo na ako. Kasi gusto ko na bumukod ng bahay.
But then that semester of my first year, I met Danica. Magkatabi ang seat namin sa isang subject. Isang buwan na ni hindi kami tumitingin sa isa't isa. Pareho kaming hindi interesado sa mga tao sa paligid namin. Hanggang maging partner kami sa isang project. The moment our eyes met, I felt as if I saw myself. Ang mga mata kasi niya kapareho ng mga mata ko kapag nakatingin ako sa salamin. I knew then that we are kindred souls.
Pero hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit lumalim ang feelings ko sa kaniya. It just... happened. Siguro kasi palagi kami ang magkasama. Siguro kasi siya lang ang unang babae na naging open talaga ako sa lahat ng tungkol sa buhay ko. Siguro kasi na-trigger niya ang protective instinct ko. Marami ang pwedeng naging dahilan kung paanong nauwi sa ganito ang nararamdaman ko para kay Danica. I never dared to analyze my feelings. Ngayon lang na may nag-point out sa akin ng tungkol dito.
Besides, gusto kong maniwala na nang sandaling nakita kong masaya siya sa piling ni Thorne makaka-move on na ako. Hindi ba 'yon kasing dali at simple na gaya ng iniisip ko?
BINABASA MO ANG
LOST STARS
RomantikMy name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she...