DAY 67

2.3K 87 0
                                    

October 13. Thursday

GUSTO ko na talagang makita si Kira. Siguro nga tama si Mama. Nagiging clingy boyfriend ako. Kahit ako nagugulat na ganito ako pagdating kay Kira. Medyo naiinis na rin ako sa sarili ko. I know I should give her space to breathe. Kaya para madistract ako at mabawasan ang pagka-miss ko sa kaniya nag-review na lang ako ng lessons. Nang matapos binasa ko lahat ng articles sa business corner ng broadsheet na regular dinedeliver sa bahay.

Lahat na ng pwedeng distraction ginawa ko. Huwag lang ako ma-tempt na puntahan si Kira.

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon