August 17. Wednesday
PAGBALIK ko sa Richdale University campus nalaman ko na kahit sa mga teachers at staff nakarating na ang tsismis na may relasyon kami ni Kira. It was weird to be asked by professors about it.
Hindi na ako nagugulat na kilala nila ako kasi isa akong Alonso. Overachiever din ako at active sa academics and extracurricular activies. Bukod sa matagal na akong estudyante sa school. What surprised me is that they know Kira too. At katulad ni Prof. Victoria naramdaman ko ang concern at worry nila para sa kaniya. Na para bang malapit nilang kapamilya ang babae.
Hindi ako nakatiis at nagtanong sa mga professor na nakausap ko kung paano nila nakilala si Kira. Sa tuwing ginagawa ko 'yon halatang iiwas sa tanong ang kausap ko at parang biglang may gagawin o kaya pupuntahan. Tapos aalis na.
Lalo lang ako na-curious. And to be honest, kinabahan. Kasi pakiramdam ko napapasubo talaga ako sa isang bagay na mahihirapan akong lusutan.
Sino ba kasi talaga si Kira?
BINABASA MO ANG
LOST STARS
Roman d'amourMy name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she...