DAY 5

4.6K 150 3
                                    

August 12. Friday

MASAMA pa rin ang mood ko today. Alam ko nakasimangot ako kasi takot lumapit ang mga tao sa akin habang nasa campus ako. Nararamdaman ko ang tingin nila sa akin. Nararamdaman ko ang hesitation at second thoughts nila kung babatiin ba ako o hindi. Pero sa huli, katulad ng nangyayari mula pa noong first year College ako, hanggang tingin lang sila.

I don't really care. Through the years natutunan kong magkunwari na walang napapansin sa paligid ko. Kapag kasi may pinansin akong isa sa kanila, magiging sunod-sunod na 'yon hanggang sa ako na ang mapapagod sa kababati sa mga taong hindi ko naman personal na kilala. When it comes to socializing, mas magaling ang pinsan kong si Thorne. As for me, I'm fine with my small circle of friends.

Anyway, mas ilag ang mga tao sa akin ngayon kaysa normal. Hindi ako galit. Frustrated ako. Iniisip ko pa rin ang mga napag-usapan namin ni Lolo. Kasi ngayong hindi na ako pwedeng magpunta sa kompanya ni Lolo, hindi ko na alam ang gagawin sa mga araw na wala akong klase.

Find something I really want to do. Parang ang dali lang nang sabihin sa akin ni Lolo. Pero buong buhay ko sumusunod ako sa kung ano ang gusto ng parents ko. Madali siguro para sa iba ang gawin ang kahit anong magustuhan at magpakasaya. Pero sa akin mahirap 'yon. I'm clueless where to start.

Bumuntong hininga ako. Ano ba kasi talagang nangyayari kay Lolo at bigla siyang naging concern kung masaya ba ako o hindi?

"Gin!"

Huminto ako sa paglalakad at lumingon agad. Nawala ang frustration ko at napangiti ako nang makita ko si Danica. My bestfriend. Ang nag-iisang taong nakakaintindi sa akin kasi marami kaming pagkakapareho. For example, pareho kaming malas sa parents na meron kami.

Nakangiti siya nang makalapit sa akin. "Long time no see! Ang hirap na magkaiba tayo ng schedule at Friday lang ang parehong araw na may class tayo."

"You're right. Kamusta si Louise? Hindi ko na nadadalaw ang inaanak ko. Sorry ha?"

Kuminang ang mga mata ni Danica at tumamis ang ngiti. Palaging ganoon ang nagiging expression niya kapag napag-uusapan ang anak nila ng pinsan kong si Thorne. Teenage parents sila kaya naging malaking issue 'yon sa pamilya namin at sa buong campus last year. Pero fortunately, naging maayos na ang situation nila. Nagtatrabaho na sa kompanya ni Lolo si Thorne at si Danica naman tinatapos ang pag-aaral. Kapag nakikita ko sila na magkasama obvious na masaya at kuntento sila. As if all the hardships they faced last year were all worth it.

Siguro 'yon ang wala ako. That happiness and contentment. That something na afterwards masasabi kong worth it ang sakit at hirap na na-experience ko para sa bagay na 'yon.

Hindi ko na naman tuloy maiwasan mainggit sa pinsan ko. Noon naiingit ako sa kaniya kasi nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Na spoiled siya ng parents niya. Na mahal na mahal siya ng nanay niya. Alam ko hindi maganda mainggit sa iba. But I just can't help it. Lalo at lumaki kami na palagi kaming pinagtatapat ng parents namin. Ngayon mas okay na ang relasyon namin. Hindi kami close pero at least hindi na rin umiinit ang mga ulo namin kapag nagkikita. Besides, he makes my bestfriend happy. Sino ako para magreklamo?

"Okay ka lang ba, Gin? Parang namumutla ka at mukhang galit na ewan."

Kumurap ako, bumuntong hininga at pilit na ngumiti. "I'm fine. Medyo frustrated lang kasi sinabihan ako ni Lolo na huwag muna papasok sa trabaho ngayong semester. Gusto niyang mag relax ako at humanap ng mapagkakaabalahan. Kaso hindi ko naman alam kung paano 'yon gagawin."

Nagulat ako nang halatang natuwa si Danica sa sinabi ko. "Aba, it's about time na bigyan ka nila ng freedom! That's good Gin."

Umiling ako. Medyo may pait na nakapa sa dibdib pero hindi na lang kumibo. Naglakad na kami. Alam ko along the way maghihiwalay kami kasi nasa magkabilang direksiyon ang building kung saan kami pupunta. But it feels good to walk with her. It gives me an illusion na katulad pa rin kami ng dati. Na kami pa rin ang pinakamalapit na tao sa isa't isa. Na hindi pa siya kasal sa pinsan ko.

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon