DAY 42

2.7K 105 10
                                    

September 18. Sunday

PUMAYAG ang Mommy ni Kira na ako na lang ang sasama sa kaniya sa ospital. Darating daw kasi ang Daddy niya ngayong araw galing sa isang out of town trip kaya kung pwede lang gusto ng Mommy niyang maiwan para may maabutang tao sa bahay ang Daddy niya.

At first nagreklamo si Kira. Nagkatinginan silang mag-ina at parang nag-uusap ang mga palitan ng tingin. Pero mukhang sa huli nanalo sa silent argument nila ang Mommy niya. Bumaling na kasi sa akin si Kira at inaya na akong umalis.

Sa ospital kung saan na-confine si baby Louise kami nagpunta. Sabi ni Kira doon daw kasi nag-du-duty ang family doctor nila. Naningkit ang mga mata ko habang naglalakad kami papasok sa ospital. "Si doc pogi mo ba ang pupuntahan natin dito?"

Napalingon siya sa akin. Umangat ang mga kilay at nanunuksong ngumiti. "Bakit bigla mo naman nabanggit si doc pogi?"

Iniwas ko ang tingin ko at namulsa. "Ang close niyo masyado eh." Nakapasok na kami sa loob ng ospital at umakyat ng hagdan.

"Sinabi ko na sa'yo. Kakilala ko siya noong bata pa ako. I was ten years old then. Siya naman unang taon as intern sa ospital na 'to."

Natigilan ako at napatitig sa mukha ni Kira. Tiningala niya ako at ngumiti. "Sakitin kasi ako noong bata pa ako. Palagi ako nako-confine sa ospital na 'to. That time, si doc pogi ang palaging tumitingin kung okay lang ako. Siyempre bata pa ako 'non at siya ang pinaka-pogi at mabait na lalaking nakilala ko. Kaya crush na crush ko siya dati at araw-araw binibigyan ng love letter."

Sumimangot ako.

Natawa siya at umiling. "Pero hindi siya ang doktor ko. Tara na."

Isang matandang lalaki na may mabait at palangiting mga mata ang doktor na pinuntahan namin. Obvious na matagal nang magkakilala ang dalawa kasi niyakap pa ng doktor si Kira at affectionate na ginulo ang buhok niya. Then pinakilala niya ako bilang schoolmate at kaibigan niya. Napunta sa akin ang buong atensiyon ng doktor. Malawak siyang ngumiti at nakipag-shake hands sa akin.

"I'm glad to meet you, Eugine. Ngayon lang ako may nakilalang kaibigan ni Kira. You must be really special to her."

"Doc naman," reklamo ni Kira. Ngumiti ako. Tumawa ang doktor at hinaplos ang buhok niya.

Tapos tumingin sa akin ang matandang lalaki. "Be good to this girl. Ang tagal ko na sinasabi sa kaniya na walang masama makipagkaibigan. Ngayon lang yata sinunod ang payo ko."

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Narealize ko na maraming hindi sinasabi sa akin si Kira. Nararamdaman ko na lahat ng mga taong related sa kaniya na nakikilala ko, may hindi rin sinasabi dahil ayaw nilang malaman ko. Just what is she hiding from me?

Bago magsimula ang check-up ni Kira kinailangan ko lumabas. Sa lobby na lang daw ako maghintay. So 'yon ang ginawa ko. Thirty minutes lang naman ako naghintay. Lumabas na rin agad si Kira. Hindi siya agad lumingon sa kinatatayuan ko. Nakita kong natulala muna siya ng ilang sandali bago huminga ng malalim at iginala ang tingin para siguro hanapin ako. She smiled happily when she saw me. Tapos lumapit na siya sa akin at ipinakita ang medical certificate. "Magaling na ako! Pwede na akong pumasok sa Monday. Nanghingi ako ng certificate para ipakita sa parents ko."

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Then, ihahatid na ba kita pauwi?"

Tumaas ang kilay ni Kira. "Hindi mo man lang ako aayain magkape?"

Natawa ako. "I'm just kidding. May nadaanan tayong coffee shop kanina eh. Doon na lang tayo."

Habang naglalakad kami papunta sa entrada ng ospital nagulat kami kasi pumasok naman sa loo bang doktor na tinatawag ni Kira na 'doc pogi'. Napatingin siya sa amin at mukhang nagulat din bago malawak na ngumiti. "Hey there, Kira."

"Doc, we must hurry," sabi ng nurse na kasama ng lalaki.

"May emergency patient ka, doc?" worried na tanong ni Kira.

Apologetic na ngumiti ang doktor. "Yeah. A twelve year old girl. She had a seizure. Let's talk next time, okay?" Tinapik ng lalaki sa balikat si Kira na mukhang worried na worried na talaga bago mabilis na naglakad palayo, paakyat sa hagdan hanggang mawala sa paningin namin. Pero bago makalayo, sa maiksing sandali nabasa ko ang nametag na naka-pin sa breast pocket ng white coat ng lalaki. Drew Lorenzo ang pangalan niya.

Tiningnan ko si Kira na nakatitig pa rin sa pinuntahan ng doktor. "He's an Oncology specialist?"

Kumurap si Kira at mabilis na lumingon sa akin. "Ha? Paano mo nalaman?"

"His nametag."

"Ah. Oo. Sa Oncology Department siya. Ang sabi niya noon kaya siya naging doktor kasi gusto niyang maging specialist sa paggamot ng mga cancer patients. Hanggang ngayon patuloy siyang nag-aaral at nagsisikap para makatulong mabigyan ng mas mabisang lunas ang cancer." Naging affectionate ang expression ni Kira at may dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya. "He's really amazing. Palagi kong wish na matupad niya lahat ng pangarap niya. Kasi sigurado akong marami siyang matutulungan kapag naging successful siya."

Napatitig ako sa kaniya. Bigla akong kinabahan. Though hindi ko alam kung bakit. Huminga siya ng malalim at nakangiting tumingala sa akin. "Tara na at mag kape." Hinawakan pa niya ako sa braso at hinila na ako palabas ng ospital.

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon