DAY 49

2.4K 98 1
                                    

September 25. Sunday

MAY dumating na staff si Papa para kunin ang mga gamit niya. Kahapon pa siya umalis kasabay ng abogado niya at hindi na bumalik. Hindi ko alam kung saan siya tumuloy at kung saan siya titira from now on. Baka sa mistress niya o baka sa hotel. Sabi ni Lolo, huwag ko raw intindihin si Papa. He said that my father does not deserve sympathy. Kasi si Papa raw ang mali. Mag focus na lang daw ako kay Mama na mukhang matapang sa labas pero siguradong umiiyak kapag hindi kami nakatingin. Alam ko 'yon kasi namamaga ang mga mata niya paglabas ng master's bedroom.

Ayokong magmukmok si Mama sa bahay. Ayokong magsisi siya sa desisyon niyang makipaghiwalay na talaga kay Papa. Kaya inaya ko siyang lumabas. Noong una tumatanggi siya pero nadaan ko sa pilitan at napasakay ko rin ng kotse.

"Wala ako sa mood magpakita sa mga kakilala ko. Kapag nag-mall tayo, imposibleng wala akong makasalubong na kakilala ko."

"Then hindi tayo papasok ng mall. We'll just go for a ride around the metro. Iiwas ako sa traffic, promise. I just want you to get out."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sa akin si Mama. "Thank you, Eugine. You're really a grown man now."

Sinulyapan ko siya. Ngumiti ako. "I know."

Nag drive lang talaga ako na walang specific destination. Nang makaramdam kami ng gutom huminto ako sa tapat ng unang restaurant na nakita ko. Natuwa ako kasi nakakangiti na si Mama habang kumakain kami. By the time na makapag-bill out kami at naglalakad na palabas ng restaurant nagagawa na niyang tumawa habang nakakapit sa braso ko.

Masaya rin akong napangiti. Kasi sa loob ng twenty years, ngayon lang kami lumabas at nag-bonding ni Mama.

Maraming taon ang nasayang para maging malapit kami sa isa't isa. Maraming taon na puro resentment at pain lang ang naramdaman namin. Kung masakit sa akin ang pagkasira ng pamilya namin, I'm sure triple ng sakit na nararamdaman ko ang nararamdaman ngayon ni Mama. She loved my father so much after all. Hindi madali ang pakawalan ang isang taong minahal niya ng todo kahit pa hindi na katulad ng dati ang relasyon nila.

I'm sure na katulad ko, kung isa ring star si Mama, isa na lang rin siyang maliit na neutron star na natira nang maging Supernova siya. Someday, tuluyan din maghihilom ang sugat na nakuha niya from her failed relationship with my father. Someday, we will begin to build our layers by accumulating particles and celestial dusts throughout the coming years. Until we become bright and huge stars again.

"Mula ngayon dapat dalasan na natin lumabas at mag-bonding ng ganito," nakangiting sabi niya sa akin nang makasakay na kami sa kotse ko.

Ngumiti rin ako. "We will, Mama. We will."

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon