DAY 44

2.6K 108 4
                                    

September 20. Tuesday

HINDI UMUWI si Papa kagabi. Galit na galit ako. Ngayon alam ko na kung bakit madalas nagbabasag ng gamit si Mama kapag nag-aaway sila. Kasi kapag sobrang frustrated at galit ka pero wala kang magawa, nangangati ang mga kamay mong may gawin para kahit papaano kumalma ang mga emosyong nagwawala sa dibdib mo. Kasi kapag hindi ka nakakuha ng way para mailabas ang nararamdaman mo parang sasabog ang puso mo.

My mother has been experiencing these emotions for the past twenty years. No wonder palaging nagpupunta sa kung saan-saang party at sa kung saan-saang bansa si Mama. It's her escape. Though pareho silang may kasalanan kung bakit ganito ang sitwasyon ng pamilya namin. Ayaw kasi nilang maghiwalay kasi mawawalan sila ng sustento mula kay Lolo. Between money and peace of mind they chose money.

Lumabas ako ng kuwarto ko para bumaba sa dining room at kumain. Napadaan ako sa master's bedroom. Bigla ko lang naisip ayain si Mama na sabay na kami mag breakfast. It has been forever since we last had a meal together. Kakatok sana ako pero hindi nakasara ng maayos ang pinto. Kaya dahan-dahan ko na lang itinulak para lakihan ang bukas.

Nakatalikod sa pinto si Mama. Mukhang hindi napansin ang pagdating ko kasi hindi lumilingon. Parang busy siya sa kung anong nakapatong sa lamesa na nakadikit sa floor to ceiling window. Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa kaniya. Tatawagin ko pa lang sana siya nang marinig kong humikbi siya. Ilang hakbang pa nakita ko na ang mukha ni Mama.

Umiiyak siya habang nakatitig sa nakabukas na lumang photo album sa lamesa. Wala ang tapang at kasungitan na nakalakihan kong nakikita sa mukha niya. Right now she looks vulnerable and awfully sad. Parang nilalamutak ang puso ko habang nakatingin sa kaniya.

Sinulyapan ko ang laman ng photo album. Mga picture ni Mama at Papa noong bata-bata pa sila. Maybe noong panahon na hindi pa sila kasal at wala pa ako sa mundo. Mukha kasing nasa twenties lang sila sa mga picture. Pero ang mas nagregister sa akin habang nakatingin sa pictures ay ang mga ngiti sa mukha nila. Mukhang ang saya-saya nila. Mukhang in love na in love sa isa't isa.

Saan na napunta ang pagmamahal na nararamdaman nila dati?

"Bakit hinahayaan mong nasasaktan ka ng ganito Mama?"

Dumeretso ang upo niya, marahas na pinunasan ng mga kamay ang luha sa mukha at nilingon ako. Nagmukha na naman siyang masungit. "Bakit ka nandito?"

Tinitigan ko siya. "Aayain kita mag breakfast."

Inalis niya ang tingin sa akin at isinara ang photo album. "Mauna ka na kumain. Hindi pa ako nagugutom."

Dati sumasama rin ang loob ko kay Mama kasi malamig at halos pagalit ang pakitungo niya sa akin. Pero ngayon hindi na ako maloloko ng panlabas na attitude niya. Now I know she's been suffering alone.

Ginala ko ang tingin sa loob ng master's bedroom. May nakita akong isa pang upuan sa harap ng vanity table ni Mama. Kinuha ko 'yon at inilapit sa tabi niya. Umupo ako.

Gulat na napatingin siya sa akin. I met her gaze. "Kung nahihirapan ka na, bakit ayaw mo pa siya hiwalayan? Gusto mo bang habambuhay na masaktan?"

Nanginig ang mga labi niya. Huminga ako ng malalim. "Mama, hindi na ako bata na walang muwang sa mundo. I am old enough to know that your relationship with him is no longer working. Na nasasaktan niyo lang ang isa't isa tuwing nagkikita kayo. Na..." May bumara sa lalamunan ko. Hindi ako komportable maging honest sa sarili ko pero alam ko na kung gusto ko maging honest sa akin si Mama, dapat ganoon din ang gawin ko. "Na nasasaktan niyo rin akong anak niyo."

Nanlaki ang mga mata niya. Malungkot akong ngumiti. "Ano sa tingin niyo ang nararamdaman ko na lumaki ako na ang parents ko hindi magawang tingnan sa mga mata ang isa't isa? Na bawat araw kayong nag-aaway? Na napabayaan niyo ako kasi masyado kayong naka-focus sa resentment niyo para sa isa't isa? Are you even aware that you have a son? That I'm already a grown up?"

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon