Chapter 1

4.4K 56 0
                                    

                                               TROUBLE

Cleo POV.

Waaaaaaaaa! Hindi ako makapaniwala sa nasa harap ko. Ang gandaaa! Sobra! Parang nasa-isang pelikula lang, mataas, malinis, at sobrang garbong skwelahan na nakita ko sa tanang buhay ko. Tumakbo ako at inilahad ang kamay ko at sinalo ang nalalag-lag na mga dahon. Wow! Napahinto lang ako nang maramdamang nagtitinginan na pala sakin yung mga tao. Nakalimutan ko na mayayaman pala ang mga tao dito. Baka kung anong isipin nila. Baka isipin nila na baliw ako, sayang lang yung scholar ko. Hahahahaha.

"Who is she?" narinig kong tanong ng babae. Hindi ko napigilan na tumingin sakanila at inirapan lang nila ako, ngumiti nalang ako. Ok Cleo! nandito ka para makahanap ng lalaki- este nandito ako para hindi masayang yung scholar ko. Aaminin ko, matalino ako, maganda sabi ng iba. Pero hindi mawawala sa akin ang pagiging masayahin ko. Ewan ko ba? sa bahay palang kasi hindi mo na mapipigilang ngumiti. Kaso, wala na ako sa bahay nag-boarding house ako para malapit sa school. Anyways, nasa Brizzard Academy ako. Isang skwelahan na mayayaman at deserving scholar lang ang pwede. Kaya ang laki ng pasasalamat ko kasi napunta ako dito pangarap ko kasing mag-aral sa isang magandang skwelahan. Napatigil ako sa mga teacher na nag-uusapan.

"excuse me, san po dito yung room A?" tanong ko nagtinginan silang apat.

"Ahh! so, ikaw si Cleo Mendoza? Oh my- come with me, matagal ka na namin hinihintay why you took so long? anyways, ako si Ma'am Cruz. " sabi n'ya ngumiti naman ako sakanya at sinamahan ko syang pumunta sa isang office. Nang makarating halos manlaki mata ko sa nakita, it was huge~ parang hindi pa kasing laki ng boarding house ko. Sinenyasan nya akong umupo kaya naman sinunod ko. 


"Miss Mendoza. It was a blessing that you came, lalo na't kailangan namin ang mga kagaya mong taong matalino at handa sa anumang bagay." sabi n'ya. Matalino ako pero hindi ko alam kung handa ako sa mga ganong bagay. Woo!~

"It was my pleasure ma'am." sabi ko, nagtuloy-tuloy na ang pag-uusap namin. Matapos nun tinuro nya saken kung saan ako magro-room. Pag pasok na pagpasok ko mismo lahat sila nakatingin sakin. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao at ganyan sila makatingin? Ewan, umupo nalang ako sa bandang dulo

"Who is she?"
tanong ng isang babae, kanina pa ako nakakarinig ng ganyang klaseng tanong. Nakakasawa na. Mamaya may lumapit na teacher sa'ken.


"Miss Mendoza, you need to introduce yourself to us. Please?" tanong nya.

"P-po? kailangan pa po?" tanong ko. 

"Of course! duh!?" rinig kong sabi nang babaeng nasa harapan. Nakita ko rin na umirap s'ya. 

Tumayo ako at nagtungo sa harapan. 

"Uhh, Magandang umaga sainyong lahat, ako si Cleo Mendoza 17 years old. Mahilig akong mag-basa ng lecture at kasalukuyang nagbo-boarding house-" 

"OH MY GOD! really? so your poor, i can't believe na nagpapasok sila ng kagaya mo. Ew!" Sabi ulit ng babaeng nagsalita kanina. Problema n'ya?! Kanina pa s'ya ah!


Napatingin naman ako sa teacher namin. 


"That's enough! Thank you for your cooperation Ms. Mendoza." sabi nya, ngumiti naman ako at umupo sa dulo. 


Hanggang sa dulo ako lang ang nag tataas ng kamay. Ewan ang expectation ko panaman sa mga tao dito eh yung pala-taas ng kamay at mga matatalino,pero hindi puro ganda at yaman lang ang meron sila, yung iba naiinis sa'kin kasi daw ang bida-bida ko daw wala naman akong pake sakanila basta ako nag-aaral ako ng maayos. 

[CANTEEN]

Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon