Chapter 10

1.1K 25 1
                                    

~FIREWORKS

 CLEO POV.

Naglakad kami ni Gray, kanina pa kami nagpaparamdaman kung sino yung unang magsasalita.

Mukhang nainis sya saken kanina. Kasalanan ko ba na makakita ng kababata ko?

"May naisip ako!" sabi ko sabay hila sakanya. Malapit lang naman yun eh kaya maabutan pa namin yun. Madalas kong gawin yun kapag mag-isa lang ako, pero dahil may kasama ako mas masasayahan akong panoorin yun. Bago kami pumasok dun nagdala muna kami ng mga pagkain. Nakarating naman kami nang maaga sa taas. Eto ang pinakamagandang view na nakita ko. 


"Bakit nandito tayo?" tanong nya, napatingin ako sa mga bituin, madami sila ngayon  kumapara sa mga araw na nagpunta ako dito. 


"Mamaya mo malalaman. Hintayin mo lang. Eto kain muna tayo." sabi ko sakanya sabay abot ng popcorn, kinuha naman nya. Hindi ko talaga maalis yung mata ko sa mga bituin.


"Ang ganda!" sabi ko sabay ngiti, naalala ko nung araw na nabubuhay pa si papa. Sabi nya para daw sumaya ako, tignan ko lang mga bituin kasi may mararamdaman ka daw na kakaibang pakiramdam kapag tinignan mo sila. Totoo nga. Hay pa, miss na miss na kita. Sana bumalik kana kung nasan ka man. 

"That boy, sino yun?" tanong nya. Natigilan ako sa tanong nya. Si Nial ba tinutukoy nya? 


"Ah, si Nial? ah, sya yung kababata ko slash, ex crush ko. Dati kasi nung mga bata kami, lagi ko syang nakikitang nabubully kaya naman minsan pinagtatanggol ko sya, hanggang sa naging magkaibigan kami, nagustuhan ko sakanya eh, pareho kasi kami ng ugali. Kaya simula nun naging mag-kaibigan na kami. Nawala lang sya kasi nagpasya mga magulang nya na ipadala sya sa States, hindi ko nga maasahan na makikita ko ulit yun." sabi ko, sarap balikan ng mga pangyayare dati. 


"Wag kana makipagkita dun." sabi nya, napatingin ako sakanya at napataas ang kilay ko.


"At bakit?" tanong ko.


"I just... don't like him." sabi nya.


"Suus, sabihin mo nag-seselos kalang, psh." sabi ko sabay inom ng softdrinks.

Narinig ko syang tumawa ng malakas. 

"Me? Jealous? No way!" sabi nya sabay kain ng popcorn, ang gwapo nya kapag nagseselos hahaha.


Lumapit ako sakanya, as in malapit yung magkakadikit yung mukha namin, halata naman na nagulat sya sa ginawa ko. 

"See? nakikita ko sa mga mata mo na nagseselos ka, kunware kapa." sabi ko, hindi naman sya makapagsalita at makagalaw. Bumalik ako sa pwesto ko at nagpatuloy sa pagtingin sa mga bituin. 


Nagulat ako nang hawakan nya kamay ko, hindi naman as in hawak pero pinatong nya dun yung kamay nya sa kamay ko. Hindi ko napigilang mapangiti sa ginawa nya. Tumingin ako sa kanya. 

"At para san yan?" masungit kong tanong sakanya. 

"Para yan sa pagmamahal ko sayo." Nanlaki ang mata ko, totoo ba narinig ko? hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nya. Napaka heartless kaya nya masungit, bipolar hindi mo alam kung galit ba sya minsan o ano. 

Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon