Chapter 6

1.1K 53 3
                                    

TO MADETTE FROM ALFREDO.

CLEO POV. 

Naglalakad ako papuntang school nang makaramdam ako ng hilo. Napahawak rin ako sa ilong ko at may nakita akong dugo. 

Iling.

Nagsimula na kong maglakad papuntang gate. Napakunot-noo naman ako nang makita ko si Gray na naka-sandal sa pader at diretsong nakatingin sakin. Good mood na ba sya? 

Lumapit ako sakanya at ngumiti. 

"Hinahantay mo ba 'ko?" tanong ko sakanya. He chuckles. Nakitawa narin ako. 

"Let's go." Sabi nya sabay hila sa kamay ko. Napangiti ako at hinawakan yun, inilagay ko yung daliri ko sa pagitan ng kanyang kamay. Hinawak ko kamay nya sobrang lambot. 

San naman kaya nya ako dadalhin?

"San tayo pupunta?" tanong ko sakanya. 

"Sa room mo, ihahatid kita." Hindi ko napigilang mamula sa sinabi nya. Boyfriend ko na ba sya? eh! naguguluhan pako! bahala na nga. 

Nang makarating sa room, halatang gulat na gulat yung mga epal kong kaklase. Tumingin ako sakanya kasi kanina parin sya nakatingin saakin. 

"Mag-ingat ka dyan ah, pag may problema sabihan mo 'ko. Ok?" tanong nya. Biglang nang-init mukha ko sa sinabi nya, grabe! 

"Anong nakain mo?" tanong ko. 

"Yung pagkain na iniwan mo sakin kahapon, i want you to cook that for me. Its delicious. " sabi nya. Hindi pa ako nakaka-Oo bigla nya akong niyakap. Napapikit ako nang maamoy ko yung pabango nya. Grabeee nakaka-adik! 

Nang matapos nya akong mayakap binitawan nya kamay ko at ngumiti. Tulala naman akong nakatingin sakanya. Hanggang sa hindi ko namalayan na malayo na pala sya sakin. Gusto ko sanang habulin sya kaso hindi ko magaw dumating na kasi yung prof namin. Nang humarap ako sa room nagulat ako nang lahat sila nakatingin sakin. Nakayuko akong pumasok sa loob ng room. Mainggit kayo ngayon! 

"Another toy of Gray Smith." Rinig kong sabi ni Marian. Nang umupo ako bigla akong kinalabit ni Madette. 

"Anong ibig sabihin nun? Cleo." Sabi nya. Sa tono ng boses nya para syang galit. 

"Ng alin?" tanong ko. 

"Yung pagyakap nya sayo? kayo na ba?" tanong nya, 

"Hay nako wag mo nang pansin yang si Madette may gusto lang yan kay Gray." Sabat ni Rhen. Sabi ko na nga ba eh! matagal ko na yang naamoy pero binabaliwala ko lang. 

"Stop!" nagulat lahat kami ng sumigaw sya. Problema nito? 

"what's happening, Ms Rivera?" tanong ni prof, napatingin ako kay Madtte na mukhang hindi alam ang sasabihin. 

"I-i need to go in the bathroom, sir." Sabi nya. 

"Sure." Sabi hi prof, nagtaka ako nang bigla syang tumingin ng masama sakin. Yung tingin na parng ang laki ng ginawa kong kasalanan sakanya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang babaeng yun.

Napatingin ako kay Rhen na halatang nagulat kay Madette. 

"Hay, ang babaeng yun talaga. Masyadong obsess kay Gray." Parang nabingi ako sa sinabi nya. 

"Teka ano?" tanong ko kay Rhen. 

"Wala, don't mind her. Makinig nalang tayo." Sabat ni Ryu. Sinunod ko nalang ang sinabi nya, pero hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Rhen. Obsess si Madette kay Gray? 

Hanggang sa nag-break na at hindi parin bumabalik si Madtte sa room. Kahit si Gray hindi ko makita. Habang naglalakad nakita ko si Marian. 

"Your looking for Gray? i bet he's there. I saw him kasi na may kausap na girl pero hindi ko makita yung face," kahit papaano may silbe tong babaeng to eh. Nagtungo ako dun sa tinuro nya, 

Nagulat ako ung makota kong kausap ni Madette si Gray. Ang kapal! 

"Gray, i-i'm begging you. Please comeback to me." Umiiyak na sabi ni Madette. Aba! malandi ka palang babae ka! 

"No." Sagot ni Gray, aw, kung ako si Madette. Masasaktan ako sa sinabi ni Gray. 

"No, no, i-i can give you everything. Money, me, even my virginity." Nanlaki mata ko sa sinabi nya, ganyan ba talaga syang ka desperadang tao? Kahit ano ibibigay? Lalabas na sana ako nang biglang isinandal ni Gray si Madette sa pader. Walang hiyang lalaki to! nakita ko rin na inilagay ni Gray yung kamay nya sa hita ni Madette. Paangat, tinignan ko naman si Madette na halatang gulat na gulat sa ginawa nya.  Akmang hahalikan ni Gray si Madette ng bigla akong lumapit sakamya at hinila sya palayo. Sinuntok ko mukha ni Gray. At nagulat alang ako sa nakita. 

"I-isa kang.. lalake?!" Tanong ko, napatingin ako kay Gray na nakahawak sa panga nya. Napatingin ako sa hawak ni Gray sa isa nyang kamay. WIG!?

"Oh nandyan lang pa- WHAT THE F*CK!" rinig kong sigaw ni Ryu. Kasama nya si Ken at Rhen na mukhang walang kaalam-alam sa tunay na Madette. 

"Madette... isa kang?" tanong ni Rhen. 

"Oo. Tama kayo, isa nga akong lalaki. Pero puso ko, babae. Natatakot lang akong umamin sainyo sa tunay kong pagkatao na baka, iwasan nyo ko at ipagtabuyan nyo ko. Pasensya na kung nagsinungaling ako sinyo, una palang." Mangiyak-iyak na sabi ni Madette. 

"K-kaya pala nung araw na hinawakan ko boobs mo nung natutulog ka, bigla lang lumubog kamay ko." Pinigilan kong hindi matawa sa sinabi ni Ken. 

"Oo, simula palang nung bata ako, ginugusto kong maging babae. Pero parang lahat nalang ng tao sa paligid ko iniiwasan ako. Ayoko nang magpanggap na lalaki ako kaya simula palang jung araw na pumasok ako sa elementary at hanggang high school. Iniba ko na pangalan ko. Pati kasarian ko sa card, birthcertificate ko iniba ko narin. Gusto kong mamuhay na parang totoong babae. Kaya nung nalaman ko na nagkikita kayo ni Gray, Cleo. Sobra akong nainggit. Akala ko magiging akin ulit si Gray." Paliwanag nya. Napatingin ako kay Gray na kasalukuyang nasa tabi ko. Bigla kong siniko yung tagiliran nya. 

"Aray! masakit!" sabi nya sabay inda. 

"Ikaw naman! kung hindi ko pa pinigilan na halikan sya, hahalikan mo! Alam mo bang lalaki sya ha?!" galot kong tanong. 

"Oo." Nanlaki mata ko sa sinabi nya. 

"Alam mo pala eh, bakit hindi mo agad sinabi sakin?!" tanong ko. 

"Gusto ko ako mismo ang maka-alam." Sagot nya. 

"Gray, Cleo, Rhen, Ryu at Ken. Pasensa na kung nagsinungaling ako sainyo. Sana satin lang to. Sana saatin lang ang lihim ko. Please?" umiiyak na sabi ni Madette. 

"Kung hindi Madtte pangalan mo, ano ang tunay mong pangalan?" tanong ni Rhen. 

"Alfredo." Nagulat ako nung malakas na tumawa si Ken at Ryu. 

"From Alfredo to Madette? Pftt! HAHAHAHAHAHA!" Asar ni Ryu. Bigla namang binatukan sya ni Rhen. 

"Dahil nagsinungaling ka samin, ikaw ang maglilibre samin ngayon. Saming lahat, bago ka namin mapatawad. " kundisyon ni Rhen. 

"Sige." Sagot ni Madette na nakangiti na, sana lahat ganyan ang pagkakaibigan. Na kahit malaking kasinungalingan ang ginagawa ng isa, anda parin silang magpatawad. Napatingin si Madette kay Gray. Itnaas naman ni Gray yung kilay nya. Wow! sungit ah. 

"Y-yung wig k-ko." Nahihiyang sabi ni Madette. 

Kinuha ko yung wig mula sa kamay ni Gray at inabot kay Madette. 

"Tara na Alfredo este Madette." Asar ni Ryu. 

Isinuto nya yung wig at naglakad na parang babae, sa una hindi mo talaga mapapansin na lalaki si Madette o Alfredo. Kasi mukha talaga syang babae. 

"Manahimik ka Crisostomo, Ryu." Bwelta ni Madette. Tumawa lang sila. Maglalakad na sana ako nang hilahin ni Gray kamay ko, nang mahawakan nya yun tsaka lang kaming naglakad paalis.  


Note: Welcome Alfredo. Hahahaha. Marami pang aabangan sa story ko. Kaya naman i-vote na dis at wag na mahiyang mag comment. 

Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon