~Party
CLEO POV.
Maaga palang ay nagising na'ko, hindi ako makatulog kasi ang hirap, pumapasok sa isipan ko si Papa, ano kayang magiging reaksyon ni mama kung sakaling makita nya si papa?
Calling: Blake♥"Hello?" tanong ko, ang aga naman yata nyang magising.
"Good Morning, are you ready?" tanong nya, nagtaka naman ako sa tanong nya.
"Teka, para san?" tanong ko.
"For Harry's Party? nakalimutan mo na agad?, anyways darating si Mom and Dad. Kaya ipapakilala na kita, ok?" bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib, ipapakilala nya ako sa mga magulang nya? diba yung mayayaman gusto nila mapangasawa ay mayaman rin? pano kung hindi mag-work out yung samin ni Gray? pano na kami?
"Hey, honey? still there?" tanong nya, nakalimutan kong kausap ko papala si Gray sa telepono. kakaisip kasi.
"Ah, k-kailangan pa ba yun?" tanong ko, narinig kong tumawa sya.
"Of course, pano nila malalaman kung sino ang taong nagpapasaya sakin?" tanong nya, kinilig ako. Pero still, kinabahan ako sa mga posibleng mangyayare sakin mamaya.
"Don't worry, ako ang bahala sayo." Sabi nya, tama sya ang bahala sakin, sya ang may tiwala sakin kaya sya ang dapat nandun para ipagtanggol ako.
"Salamat Gray, I love you." Sabi ko sakanya.
"I love you too. Magbihis kana may gagawin pa tayo." sabi nya, after nyang ibaba ang phone nagbihis na agad ako,
~PARTY.
Lumabas ako sa kwarto, pagkalabas ko bigla akong nahiya sa suot ko, tinignan kasi ako ni Gray mula ulo hanggang paa. Pilit ko naman binaba yung laylayan ng suot ko, masyadong mataas eh. Hindi ako sanay. Napatingin naman ako kay Gray, ang gwapo nya sa suot nya.
"You look beautiful." sabi nya sabay halik sa pisngi ko. Nailang ako nang tignan nya ako mula ulo hanggang paa habang nakahawak sa baba nya."may kulang.. let's go." sabi nya, hinila nya ako palabas, sumakay kami sa kotse nya, hindi na ako nagtanong at hinantay nalang kung anong gagawin nya.
Inihinto nya yung kotse sa harap ng isang boutique, hinawakan nya kamay ko at pumasok kami sa loob. Ang ganda dito, pang-mayaman, base nga sa nakikita ko isa itong make-up boutique. nakita ko kasi dun sa naka-sulat, maya-maya ay dumating ang isang lalaki.
"Mr. Smith! how are you? who is this lovely lady?" tanong nya sabay tingin sakin. Ngumiti lang ako.
"She's my girlfriend, Cleo." sabi nya, ngumiti ako at pareho kaming nakipagkamay sa isa't isa.
Sinabi nya na GIRLFRIEND nya ko. Yieee, kinikilig ako!
"You pick a right girl, what should i do?" tanong nya.
"Make her more beautiful." sabi nya. Maganda na ako hindi na nya kailangan pagandahin ako. Hays.
"Sure! Let's go, honey." sabi nya sabay hila sakin napatingin ako kay Gray na naka-upo lang at nakatingin sakin, sinenyasan nya ako na sumunod nalang, pumasok kami sa isang room, nanlaki ang mata ko sa nakita, ang ganda at ang laki, ang dami rin mga make-ups. Pinaupo nya ako sa isang swivel chair,hindi naman sya nagsalita at minakeupan nya na ako. Matagal-tagal din nya akong minake-up-an,nang iharap nya ako sa salamin, halos hindi ko nakilala sarili ko, ang ganda ko na! simple lang yung make-up pero mapapa-WOW ka talaga, inayos rin kasi nya buhok ko.
"Let's go?" sabi nya sabay ngiti, ginantihan ko rin sya ng ngiti at nagtungo na kami sa labas, hindi mapigilan ni Gray na mapatayo nang nakita ako. Well.
"Wow. T-Thank you Steve for making her more beautiiful." sabi nya, ngumiti lang si Steve.Pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse nya, parin ako makapaniiwala, ang ganda-ganda ko na! Pero dumoble ang kaba ko nang makita ang harap ng gate, kinuha naman ni Gray ang kamay ko at sabay kaming pumasok, sa ginawa nya medyo naibsan ang kaba ko, alam ko kasi na safe ako sakanya. Lahat ay nakatingin samin. Yung iba naman may nakangiti samin, gumanti ako ng ngiti, hanggang sa nakita ko si Harry na nakaupo lang sa gilid, at mukhang hindi sya masaya.
"Oh! G-Gray! sa wakas pumunta kayo." sabi ni Harry sabay tingin sakin, napangiti lang ako ginantihan naman nya ako ng tingin."Of course, nandito talaga kame, para sa'yo." sabi ni Gray, ang bait na ni Gray simula nung naging kami. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao, minsan.
Nagtaka naman ako sa kinikilos ni Harry, mukha syang balisa na kinakabahan, may mangyayare ba?
"G-Gra-""Gray my son!" sabi nang isang babae mula sa likod namin, sabay naman kaming napatingin sakanya. Mukhang mayaman ang babaeng to, mukhang bata pa kung ito ang nanay nya, at ang ganda. Pero bigla napasok sa isip ko na hindi nga pala ito ang tunay na nanay ni Gray. Lumapit ito at bumeso kay Gray.
"Perfect timing, paparating na sya." sabi nang mama nya, hindi manlang ako pinansin. Bigla akong nalungkot sa sarili ko, kaya naman binitawan ko ang kamay ni Gray at yumuko.
"Mom this is m-""Later, ipapakilala muna kita sa mga bisita ko, let's go?" tanong ng mama nya sabay hila sakin, tumingin naman si Gray sakin at ngumiti lang ako ng pilit sabay senyas na sumama sa kanyang mama, nang mawala sya sa paningin ko, umupo ako sa tabi ni Harry.
"Ok kalang ba?" tanong nya. Tumingin ako sakanya at tumango, kahit hindi naman talaga, mukhang walang interesado ang mama nya sakin, ni hindi nga manlang ako tinignan.
"Sorry, sorry kung napasama kapa dito, i didn't mean it, yung mama lang ni Gray ang nagsabi sakin na papuntahin kita. Sorry, Cleo." sabi nya, bakit parang may-alam sya na hindi ko alam? bakit parang may tinatago si Harry sakin."Sabihin mo nga sakin, bakit ako nandito?" tanong ko.
"Daratin-"
"There she is!" naputol yung sasabihin ni Harry at napatingin kami kung sino yung tinutukoy ng nagsasalita, isang magandang babae, sexy, maputi, mukhang manika sa sobrang ganda, kahit ako ay nabighani sa kanya, pero sino naman to.
"S'ya yung tinutukoy ko, Cleo. Sya si Aubrey Watson, she's the ex of Gray." sabi nya. Halos hindi ako makahinga sa sinabi nya, sya ang ex ni Gray, kung ikukumpara sakin wala pa ako sa talampakan nya, iba-iba sya sakin, she's beautiful sobra!
"Bakit sya nandito? akala ko ba Party mo'to?" tanong ko, naguguluhan ako sa mga nangyayare."Actually, i lied about that, I'ts a Welcome Home Party for Aubrey. Kasi kaya sya bumalik dahil ipapakasal sya kay Gray." hindi ako makahinga sa sinabi nya, ipapakasal si Gray sa babaeng yan? Bakit? Ayoko nang pumunta dito. Tinignan ko si Gray na nakatingin lang kay Aubrey, samantalang si Aubrey ay lumalapit kay Gray, nang makalapit hindi ko napigilan sarili ko sa nakita, biglang hinalikan ni Aubrey si Gray sa harap ng tao, sa harap ko. At mukhang nagustuhan ni Gray yun kaya tumugon sya, yumuko nalang ako sa nakita.
"Uuwi na'ko." sabi ko sabay tayo.
"CLEO!" sabi ni Gray, napatingin naman ako sakanya, tinignan ko ang paligid lahat ay nakatingin sakin. Lumapit yung mama nya kay Gray.
"Gray my son, you need to come here for the arrangement-"
"NO, that girl, is my girlfriend! ayokong ipakasal sa taong iniwan ako minsan." lumapit si Gray sa'kin at hinawakan kamay ko. Tinanggal ko naman yun at naglakad na paalis. Sinundan naman ako ni Harry. Sumakay ako sa kotse nya kahit hindi naman nya ako pinapasakay, ayokong manira ng araw ngayon, napatingin ako sa labas ng bintana, hindi man lang nya ako sinundan. Hindi ko napigilang umiyak. Bakit ang sakit? bakit ang sakit sakit?
BINABASA MO ANG
Seducing, Mr. Gray Smith.
RandomA love at first sight. That's what Cleo Mendoza a high-school students feel, sa isang lalaking mukhang malabong maging sakanya. Pero ibang babae si Cleo, sya yung tipong hindi sumusuko at may isang paninindigan. Would a love bloom in the two of th...