Chapter 3

1.3K 27 0
                                    

        GOONS     

Cleo POV.

Pareho kaming nakatingin sa isa't-isa. Bakit ba ang tagal nyang magsalita?


"Ey. Anong sasabihin mo?" tanong ko sakanya at medyo hinila ko yung damit nya. 

"I want you to join Taekwondo Team." napakunot-noo ako sa sinabi n'ya. Bakit ako sasali sa Taekwondo eh, hindi ko naman hilig yun? 


"pano pag sinabi kong ayoko?" sabi ko,halata naman na nagulat sya sa sinabi ko. 

"I'm not forcing you, kung ayaw mo edi wag." sabi nya sabay alis.

"Teka! oo na sasali nako! pero may isa akong kondisyon!" sigaw ko. Ang akala ko panaman pipilitin nya ako. Iba talaga tong lalaking to!

"What?" tanong nya.

"Mag-sorry ka kay Harry at sa mga teammates nya." sabi ko. Kahit alam kong imposible kailangan, kasi nakasakit rin sya ng tao. Ang poker-face nang mukha nya.

"No." nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"Magso-sorry kalang naman ah! anong problema dun?" tanong ko.

"I said. No." napapikit ako sa narinig, bakit ba ang hirap nito paki-usapan.

"well, kung ayaw mo, Edi hindi ako sasali. " sabay alis. Hah! akala mo ikaw lang may karapatang mag-walk-out ah. Ako rin.

"Fine" sabi nya. Halatang irita sya sa sinabi nya. Lumapit ako sakanya at tinapik yung balikat nya. Nagulat naman ako nang tinanggal nya kamay ko.

"Don't you dare to touch me,magagaya ka kay Harry." sabi nya, bahagya naman akong natawa sa sinabi nya.

"I'm not afraid."sabi ko. Tinignan nya ako ng masama.

[HOSPITAL]

Pagkatapos na pagkatapos ng klase dumiretso ako sa Hospital kasama si Gray. Habang papasok sa loob ng hospital tinignan ko sya, ang sarap nya kasi titigan parang anghel na binaba sa lupa, Tapos ako ang sumalo. Hihi. Lande mo Cleo. Bigla syang tumigil at tumingin sakin.

"Kanina kapa nakatingin, ano bang problema mo?" tanong nya.

"Ang sarap mo kasing titigan." sabi ko.

"Stop starring, tanggalin ko mata mo." sabi nya tsaka naglakad na paalis.

Nang tignan ko paligid. Lahat ng tao nakatingin ng masama sakin. Problema nila?

Sinundan ko na si Gray at nagtungo kami sa room kung nasaan sila Harry. Ako ang unang pumasok.

"Hi!" bati ko. Nagsipag-ngiti naman sila sa sinabi ko. Mukhang um-ok naman na silang lahat. Si Harry lang ang may benda pa yung kamay.

"Anong ginagawa mo dito?" mukhang masayang tanong ni Harry, napabuntong hininga ako at binuksan yung pinto. Habang pumapasok si Gray, ngayon ko lang napansin na ang lakas pala ng dating nya. At sobrang gwapo nya! Grabe.

"At bakit nandito yan?!" Galit na sabi nung isang lalaki.

"Teka. Nandito sya para humingi ng tawad." tumabi ako kay Gray at siniko yung tagiliran nya. Hindi naman sya napatingin sakin at diretso lang ang tingin nya kay Harry.

"I'm sorry." Sabi ni Gray. Napangiti naman ako sa sinabi nya, akala ko pipilitin ko pa sya at para pa akong tanga dito na kakapilit sakanya.

"Since pinsan naman kita, Fine." nanlaki mata ko sa sinabi ni Harry.

Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon