Chapter 12

993 20 0
                                    


CLEO POV.

It's been a week, simula nung naging kami ni Gray. Para kaming mga artista sa campus kung pagpiyestahan yung naging kami, nakarinig rin ako ng negative comment,like hindi raw kami bagay, hindi rin daw kami magtatagal, nakarinig rin ako ng magagandang komento na bagay kami sana magtangal kami. Pero madaming negative, ewanko ba. Ang daming haters sa loveteam namin.

"Sya boyfriend mo?!" tanong ni Celine, yung ka boarding house ko. Ngumiti ako at tumango, inihanda ko na rin yung mga pagkain, ako kasi ang mahilig mag-luto dito, pero hindi culinary kukunin kong kurso balak ko kasing mag-doctor.

"Grabee! ang gwapo nya! bagay na bagay talaga kayo!" sabi sabay kinilig, tumawa lang ako. Pagka-upo ko nakarinig ako ng doorbell sa labas, nagkatinginan kami ni Celine.

"Ako na ang titingin." sabi ko, naglakad ako papuntang pinto. Bigla akong napangiti nang makitang si Gray ang nasa harapan ko, ngumiti sya na para bang pinipilit nya na di ngumiti pero hindi na magawa.

"Good Morining." sabi nya, ngumiti ako at hinalikan sya.

"Good Morning, pasok ka." sabi ko, umayos naman ng upo si Celine at nakatungangang nakatingin kay Gray, gwapo no?

"Eto si Celine, ka board mate ko."sabi ko sakany, tumingin lang si Gray at ngumiti. Hinila nya kamay ko at may binulong.

"Parang artista sa gwapo." sabi nya, hindi ko napansin na may dala pala syang mga bulaklak at chocolates. Inabot nya yun sakin, hindi ko naman napigilang amuyin yun ang bango kasi eh!

Ganito pala feeling kapag inlove at may boyfriend na, para akong batang kahit bigyan ng candy masaya na basta galing sa taong mahal mo. Pinaupo ko sya, ano kaya ang pinunta nya dito.

"Gray, bakit ka nandito?" tanong ko. Kumain sya at tumingin sakin.

"Later. Let's eat?" sabi nya, tumango lang ako sa sinabi nya. At mabilis naman na matapos si Celine, nagtungo kami ni Gray sa labas at umupo sa bench.

"This past few days, i recieve a call. Sinasabi dito na he's been looking for you and gusto ka daw nya makita. He's one of our client." sabi nya, sino naman ang tinutukoy nito?

"Sino? at bakit mo sakin sinasabi to?" tanong ko.

"I'ts about your father." sabi nya, alam nyang mahal na mahal ko ang tatay ko pero pano nya nalaman na ako ang anak nya? matagal-tagal din namin sya hindi nakasama tapos babalik sya ng ganon-ganon lang? Hinawakan ni Gray yung kamay ko.

"I know na mahirap, pero matagal kana nya hinahanap. At ang pamilya mo." sabi nya, bumuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Alam ko, susubukan kong makipagkita sakanya." sabi ko. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

"Are you sure?" tanong nya, ngumiti ako at tumingin sakanya.

"Oo naman, matagal tagal ko syang hindi nakita at kahit iniwan nya kami ni mama, wala naman akong ikagagalit sakanya." sabi ko, hindi ko lang alam ang gagawin ko kung sakaling makita ko sya.

"Ikaw, nasan mga magulang mo?" tanong ko. Narinig ko syang tumawa at inakbayan ako at inilapit nya sakin ang katawan nya.

"Kaya yan ang gusto ko sayo eh, may pag-mamahal ka sa mga magulang mo." sabi nya, hindi manlang nya sinagot yung tanong ko, naramdaman ko rin na dumampi ang malambot nyang labi sa aking noo. Kahit sa mga simpleng ginagawa nya kinikilig na agad ako.

"Gray, hindi mo ba manlang ba sasagutin tanong ko?" tanong ko sakanya, tinignan ko sya at nakita ko syang nakatingin sa mga ulap.

"Adopted child ako, matagal nang namatay mga magulang ko. Sinubukan kong hanapin sila pero sabi nang iba, pareho daw silang namatay sa isang aksidente." sabi ko, nakita ko na bigla syang nalungkot. Kahit ako malulungkot sa sinabi nya ni hindi manlang nya nakasama ang mga magulang nya, sino ba naman ang hindi malulungkot.

"Hoy, Boyfriend kong pogi, wag ka nga sumimangot hindi sayo bagay, dapat sayo nakangiti lang kasi mas lalong nangingibabaw ang kagwapuhan mo kapag nakangiti ka, kaya ngumiti ka nga!" sabi ko sabay hila ng mga pisngi nya. Mukha naman naging masaya sya kasi nakita ko na nakangiti na sya. Tinigil ko na yun at sumandal sa braso nya, hinawakan naman nya kamay ko at ngumiti.

"Thank you, for making me happy." sabi nya. Ngumiti lang ako at kiniss sya sa pisngi.

"Salamat rin dahil tinupad mo isa kong mga wish." sabi ko.

"You know what, lets go somewhere, magbihis ka at may pupuntahan tayo." sabi nya. Hindi naman na agad ako nagtanong kung saan pupunta o what so ever, nagbihis agad ako. Pagbaba ko nakita ko syang naka-abang sakin, grabe! ang gwapo nya talaga, naka-shades pa sya. Hindi ako magsasawang mahalin ang lalaking to araw-araw. 
Sumakay kami sa kotse nya at nag-drive na sya, habang nagdri-drive ay napatingin ako sa kamay nya, hindi na ako nagdalawang isip na hawakan yun. Kinuha ko yun at inamoy-amoy, ang bango. 

Natawa lang sya sa ginawa ko. 

"Bat ang bango-bango mo, nakaka-adik." sabi ko sakanya sabay amoy sa kamay nya,

"Ako ang adik sayo, Mrs. Smith." sabi nya, nabigla ako sa sinabi nya. Bagay na bagay sakin yung sinabi nya, bagay na bagay sakin yung apelyido nya. Cleo Mendoza-Smith. Perfect! 


Nagtungo kami sa mall. Ano naman ang gagawin namin sa Mall? Nainis ako kasi nakatingin samin yung mga babae na nadadaanan namin, nagtaka ako nang mapunta kami sa isang clothing area, mga bilihan ng mga mamahaling damit at gowns. 

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko, umupo kami at tinignan nya ako sa mata, napakunot-noo naman sya sa tanong ko. 

"Don't you remember? may party na gaganapin si Harry, were invited kaya nandito tayo to buy you a dress." sabi nya, nahiya ako, sya pa talaga ang bibili ng damit para sakin.


"Gray, hindi mo na kailangang bumili ng damit sakin, may mga lumang dress naman ako sa boarding house, sayang lang sa pera." sabi ko. 

"Ikaw na nagsabe, luma na ang mga iyon kaya we need to buy a new dress, hayaan mo na ako ok?" sabi nya sabay hawak sa mga kamay ko.  Kahit hindi parin okay sakin, tumango nalang ako. Nagandahan ako sa dress, mukhang pang beach pero hindi naman masyadong showy. Lumabas kami sa area na yun at naglakad-lakad, nabaling yung tingin ko sa batang naglalaro sa playground, naalala ko yung kapatid kong si Kayn. 

Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon