~I'TS OFFICIAL
CLEO POV.
After nila kumanta bumalik naman sila sa kanya-kanyang upuan, pansin ko na hindi tumabi sakin si Gray. Napansin ko rin na medyo naguusap na sila ni Nial. Hindi naman talaga mahirap kaibiganin si Nial sya yung tipo ng taong madaling gumaan ang loob mo. Nanatili lang akong tahimik, pinagmamasdan ang mga kinikilos nila. Nakapagtataka nga kasi parang walang nangyare. Nagsipag-inuman sila, sa sobrang dami nilang nainom halos magwala na sila dito sa loob ng bar. Kami lang ni Rhen ang hindi masyadong uminom.
"Hala, pano na to?" tanong ko sakanya. Pareho kaming napakamot sa mga ulo namin habang tinitignan ang apat na lalaking to, si Madette kasi umuwi agad. Biglang inangat ni Gray yung mukha nya at tumingin sakin. Lasing na lasing sya, nakakita ako nang ngiti sa kanyang labi.
"~ikaw~hik! s-sinabihan na nga kita ng m-mahal kita hindi ka manlang sumagot-hik~!" hindi ko akalaing sasabihin nya yun, napahawak ako sa dibdib ko na kanina pa malakas ang kabog.
"Lasing lang yan, wag ka masyadong magpapadala sa mga sinasabi nila." sabi naman ni Rhen. Tama, chill kalang muna Cleo.
"Ako? L-lashing? h-hindi ako lashing! sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ng pusho ko! eto oh!" sabi nya sabay turo sa kanyang dibdib, ako na sana ang pinakamasayang tao dito sa Earth, kasi sinabihan ako nang taong gusto ko na mahal nya ko. Pero lasing nga lang, pero diba sabi nga ng iba, mas totoo ang sinasabi nang tao kapag lasing? so ibig sabihin totoo tong sinasabi ni Gray?. Nang sulyapan ko sya nakita ko syang nakasubsob na. Si Nial naman ay tulog na tulog. Tumayo si Rhen at isa-isang kinotongan sina Ken at Ryu.
"Tumayo na kayo dyan aalis na tayo! malapit na silang mag-sara!" sabi nya. Naalipungatan naman yung dalawa at parang zombie tumayo.
"Sige na, Cleo ikaw na bahala sa dalawang yan. Hanapan nalang kita ng taxi sa labas para matulungan kang mailabas yang dalawang yan" tumango ako sa sinabi nya. Ilang minuto ay dumating ang driver ng taxi at isinakay si Nial, ako naman ang nagsakay kay Gray sa loob. San ko naman dadalhin ang dalawang ito? Sakit sa ulo!
Sa dulo, sa condo nalang ni Gray ko sila dinala. Eto lang alam kong pwede eh, wala akong magagawa.
Nang buksan ko yung pinto agad ko silang binaba sa sofa. Nalaglag naman si Gray, mukhang hindi sila kasya sa sofa na to. Kinuha ko si Gray at inilagay ko sa kama, bigla nyang hinawakan kamay ko kaya nasama ako sa pagkakalaglag, bigla akong kinabahan nang makitang pumaibabaw sakin si Gray. Dahan-dahan syang umangat papunta sa mukha ko. Mukha syang nasa katinuan. Nagulat ako nang bigla nya akong ngitian at dahan-dahan syang lumapit sakin, napapikit ako sa kaba, nararamdaman ko yung hininga nya na pumapasok sa aking ilong. Ang bango parin kahit uminom sya. Naadik tuloy ako! baka bigla ko syang sunggaban. Hindi! hindi! tumigil ka Cleo! bigla kong minulat mata ko at tinulak sya. Umalis ako sa kama nya at nag-ayos ng damit. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin nya yung polo nya, Anim na pandesal! gabi palang may papandesal na agad sya!
Umalis na ko sa kwarto nya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Siguro kung hindi ko napigilan ang sarili ko wala na ang bataan ko. Buti nalang talaga Cleo kaya mong kontrolin sarili mo. Good girl.
Bumalik ako sa kwarto nya para kumuha ng kumot para kay Nial, kinumutan ko narin si Gray baka lamigin mahirap na baka magkasakit.
Pagkatapos nun, hindi ko na alam kung saan ako natulog. Napagod na ko eh.
KINABUKASAN:
Naalipungatan ako sa sinag ng araw, napatingin ako sa sofa, andun parin si Nial, natutulog. Napatayo ako sa upuan, sa upuan na pala ako nakatulog, medyo masakit sa katawan pero kaya naman. Dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ni Gray, nang buksan ko yung pinto nandun sya tulog rin. Sunod na pinuntahan ko ay ang kanyang kusina, may laman kaya yung fridge nya? binuksan ko, namangha ako sa nakita, kumpleto sa pagkain, may meat, fish,vegetables,fruits at chocolates. Pero parang hindi mga bawas. Kumuha ako ng mga rekados. Nagluto ako ng pangpawala ng hang over, matapos yun ay ginising ko si Nial. Hindi naman ako nahirapang gisingin sya.
"Upo ka muna dun, gisingin ko lang si Gray." Sabi ko sakanya.
"Wow, thank you." Sabi nya.
Tumango ako at nagtungo sa kwarto ni Gray. Dahan dahan kong tinignan itsura nya, ang angelic ng face nya. Niyug-yog ko sya. Ang tagal magising!
"Gray! gising!" sabi ko sakanya. Iminulat naman nya yung isa nyang mata.
"Tumayo kana dyan a-Ah!" napapikit ako nang hilahin nya ko sa kama,
"Gray, kumain na." Sabi ko. Sabay upo, umupo naman sya.
"I dont want to eat." Sabi nya na parang bata yung tono.
"At ano naman ang gusto mo? wag kana nga maarte." Sabi ko.
"You." Nagulat ako sa sagot nya. Tae kang lalaki ka,
"Che! Kumain kana, may hang over ka pa mga talaga." Sai ko sabay hila sakanya.
"I'm not! seryoso nga ko, i think i like you too! Ok?" sabi nya. Hindi ko mapigilang mapatulala sa sinabi nya. Gusto nya rin ako?
"Ganyan kaba magsabi ng gusto rin kita sa isang babae?" tanong ko. Nakapamewang pako, gusto ko sabihn nya ng totoo atnararamdaman ko yung sinsiredad sakanya.
Lumapit sya sakin, nagulat rin ako ng lumuhod sya sa harapan ko. Ngumiti sya at hinawakan kamay ko.
"Cleo Mendoza, i like you-no. I love you." Sabi nya sabay halik sa mga kamay ko, boglang nangjina yung tuhod ko sa ginawa nya, pakiramdam ko nasa isa akong panaginip, isa akong alipin na nahulog sakin ang isang prinsipe. Yumuko ako at inalalayan syang tumayo.
"Sa wakas! mahal na mahal rin kita." Sabi ko sabay halik sa mga labi nya. Ngumiti sya ng matapos ko syang halikan. Hinawakan ko yung kamay nya at sabay na lumabas, napatawa nalang ako nang makitang kumakain na si Nial.
"Good morning, ang tagal nyo kasi eh, kaya yan." Sabi nya, mukha namang masayahing tao si Nial.
"Go on, kumain kana muna, after nyan umuwi kana." Sabi ni Gray, grabe ang sama ah! inayos nya yung butones ng damit nya.
Lumpias ang ilang oras nagtungo kami sa simabahan, naiinis ako kasi pinagtitinginan si Gray ng mga tao. Lalo na yung mga haliparot na babae.
Hinigpitan ko tuloy hawak ko sa kamay nya. Akin lang to eh.
"Bakit hindi ka mapakali dyan?" tanong nya.
"Naiinis kaae ako, kanina kapa pinagtitinginan ng mga babae, hindi mo manlang ba napapansin? " tanong ko.
"Hindi, sayo lang kase ako nakatingin, kaso hindi mo lang din napapansin." Ngayon ko lang nalaman na magaling pala na bumanat si Gray hahaha. Umupo kaminsa dulo, nakahinga ako ng maluwag ng makitang lalaki ang katabi ni Gray, napatingin ako sa mga nasa likuran namin. Puro mga babae, yung iba kinukulbit si Gray. Tinignan ko sila ng masama. Ayun, tumigil naman.
"Dati nananalangin ako na sana mapasakin ka, ngayon nagpapasalamat ako dahil akin kana." Sabi ko, namula naman sya sa sinabi ko, lande.
Nang umabot na sa peace be with you, nagulat ako ng halikan nya ko. Aww, unang official kiss namin sa simbahan pa, sana sa sususnod naman , kasal na.
"Ay, girlfriend nya pala yun, ang cheap." Tinignan ko sila ng masama, nagsipag alisan naman sila.
"Dont mind them. Youre a Diamond for me." Sabi nya.
Note: Graelo love is here naaaa!
BINABASA MO ANG
Seducing, Mr. Gray Smith.
RandomA love at first sight. That's what Cleo Mendoza a high-school students feel, sa isang lalaking mukhang malabong maging sakanya. Pero ibang babae si Cleo, sya yung tipong hindi sumusuko at may isang paninindigan. Would a love bloom in the two of th...