Chapter 9

1K 34 1
                                    

~CHILDHOOD SWEETHEART

CLEO POV.

Sabado ngayon, wala naman akong magawang maayos. Nag-text naman ako kay Rhen, busy daw sya para sa mga projects. Maaga ko naman natapos yun. Naisipan ko nalang muna lumabas at mag-gala. Habang naglalakad may nakita akong grupo ng mga bata na mukhang may pinagtutulungan. Agad ko naman nilapitan yun. 

"Hoy, hoy, anong namgyayare dito? ha!" tanong ko. Nang makakita ng malinaw na tingin nakita ko ang isang bata na puro itlog yung katawan, mukhang binasagan sya ng itlog ng mga kumag na to. 

"Ano naman pake mo? tanda." nanlaki ang mata ko sa siinabi ng batang ito. 

Wala bang galang ang batang to? tinuruan ba to ng magulang nya na gumalang sa mga nakakatanda? Lumapit ako sa bata at inangat ang bag nito. Nagulat ang mga kasama nya sa ginawa ko.

"Alam mo bang pwede kitang ipakulong dahil dyan sa ginawa mo? Ha!." sabi ko sa bata.


Nangingilid na yung luha nya sa sinabi ko, ibinaba ko sya at nakapamewang na tumingin sakanya.

"Eto ang tatandaan nyo, kapag inaway nyo ang batang to, ako ang makakalaban nyo! naiintindihan nyo?" tanong ko, tumango naman sila at nagsipagtakbuhan paalis, napatingin ako sa batang nakaupo at nakayuko. Puro basag na itlog yung damit nya. Nasan ba ang mga magulang nang mga batang iyon? Bakit hinahayaan nila na mabuhay ang mga anak nila sa ganoong paraan? Nilapitan ko yung bata, nakita ko na umiiyak sya.

"Shhhh. Wag kana umiyak, halika ayusin natin damit mo." tumayo sya at kinuha ang isang panyo at inabot sakin. Pinunasan ko sya at inalis ang suot nyang jacket baka sakaling mawala ang masang-sang na amoy dala nang itlog. Pagkatapos ay naglakad kami, pansin ko na hindi nagsasalita ang batang ito. Habang hawak ang kamay nya ay narinig kong kumulo ang tiyan nya, mukhang gutom na ang batang ito.

"Halika, kain muna tayo." sabi ko sakanya. Hinila nya kamay ko pabalik, napatingin naman ako sakanya.

"No, My Kuya is looking for me, he needs to find me." sabi nya, aba! inglishero ang batang ito. May kuya sya pero bakit hinahayaan lang sya sa kalye, base sa suot ng batang to. Mukha syang mayamang nilalang. Mukha syang maayos. Napag-isip isip ko na umupo nalang dun at bumili ng tubig.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya, for the first time nakita ko syang ngumiti. Para kasing ang tipid nito ngumiti. Kung naiipon lang ang pag-simangot, mayaman na tong batang to.

"I'm Kian. How about you, ate?" tanong nya.

"I'm Cleo." sabi ko, nakipag-shake hands sya sakin.

"I like you." nanlaki ang mata ko sa narinig, jusko! pati paba bata magkaka-gusto sakin? alam ko na maganda ako at alam ko rin na hindi nagsisinungaling ang mga bata, kaya hindi ko talaga sila masisise.

"Ah talaga, nak-"

"I like you to be my kuya's girlfriend." sabi nya. Napangiwe naman ako sa sinabi nya, akala ko gusto na ko ng batang ito.

"Wala pa ko sa ganyang pag-iisip." sagot ko naman sa sinabi nya.

"Why? you and my kuya have a lot of similarity i'm very sure that he will like you." sagot nya.

"Hindi naman porket maraming pagkakapareho ay posible nang magkagustuhan ang isa't-isa. Ang bata-bata mo pa ganyan na iniisip mo." sabi ko sabay pisil sa pisngi nya. Napayuko ako nang dumaan sina Marian sa harapan ko, baka kung anong isipin nila kapag nakita nila na may kasama akong bata. Nang tumingin ako sakanila nanlaki ang mata ko nang magtugma ang mata namin ni Marian, Patay! nakita nya ko! Narinig ko ang tunog nang takong nyang papalapit samin.

"OMG, Cleo? What are you doing here?" tanong nya, tumingala ako at tumingin sakanya.

"Wala kana dun." sagot ko sabay irap. Hindi ako gagawa ng bayolente ngayon dahil nasa harap ako ng isang bata.

"Eh, who's this kid? is he your child?" tanong nya, sabay tawa. Nag-apiran pa silang apat.

"hey, bitch." napatingin ako sa nagsalita, yung bata lang naman na nasa tabi ko ang nagsalita.

"Huh?- How dare you!" sabi nya sabay akmang hahatawin ang bata nang may pumigil sakanya. Sa kamay palang kilala ko na, may benda ito. Si Gray!

"Child abuse?" tanong ni Gray. Gulat namang tumingin sakin si Marian. Nang bitawan ni Gray ang kamay nang malditang yun umalis agad sila. Umupo naman si Gray sa tabi nang bata.

"Who are y-"

"Stop talking." naputol ang sasabihin ni Kian. Napa-blee naman si Kian kay Gray na kasalukuyang nakatingin sa malayo, Bakit ba ang tagal ng kuya nito.

"Who is this kid?" tanong ni Gray.

"I'm Kian-"

"I'm not talking to you. I'm talking to her." sabi ni Gray, bakit ba galit na galit sya sa mga bata? parang hindi naging bata, ano sya pinanganak na agad na ganyan? 


"Sya si Kian, nawawala sya and hinahantay sana namin na dumating yung kuya nya." sabi ko. 


"Oh there he is!" sabi ni Kian, napatingin naman kami sa tinuro nya. Magandang motor. Nang makarating yun tumayo naman kami ni Gray, tuwang-tuwa naman na nagtatalon si Kian. Pumarada yung motor sa harap namin, hindi ko naman makita yung mukha ng lalaki kasi naka-helmet. Inayos nya tayo ng motor nya at bumaba ito. Nung tinanggal na nya yung helmet nya napakunot-noo ako, nagkita na ba kami ng lalaking to?

"Oh!" sabi nya sabay turo sakin, nagulat naman ako at napatingin kay Gray na mukhang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan namin.

"Cleo?!" tanong nya sabay yakap sakin, hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ni hindi ko nga matandaan yung lalaking to kung nagkita man kami o ano. Mabilis naman nyang kinalas yung yakap sakin at sabay hawak sa balikat ko, tinignan nya ako sa mata.

"Tama nga! ikaw nga si Cleo, naalala mo ba 'ko?" tanong nya, eto ang ayoko eh, ipinapaalala yung mga taong matagal kong hindi nakita, mahina kasi ako sa pag-aalala ng tao. Pero pamilyar sya sakin.

"H-Hindi eh." sabi ko. Hinawakan naman ni Gray kamay ko sabay hila. Nagulat ako nandito pa pala tong lalaking to? bigla-bigla nalang kasi sumusulpot eh!

"It's me! Nial yung kababata mo? hindi kita masisise na hindi mo ako maalala kasi matagal na yun tsaka madami nang nagbago. Dati sobrang taba ko." sabi nya sabay kamot sa ulo nya. Nanlaki mata ko sa narinig, s-sya si Nial?!

"Naalala na kita!" sabi ko, tinanggal ko yung kamay ko sa kamay ni Gray at niyakap si Nial.

"Kamusta kana? akala ko hindi mo na ako maalala." sabi nya sabay tawa, ibang-iba na sya compared sa Nial na nakilala ko na mataba, lampa, at laging binu-bully.

"Pwede ba yun? eh, kaibigan kita eh!" sabi ko sabay hataw ng braso nya, ang tigas! mukhang taong gym to! hm? may abs kaya to? hahahaha.

"Kuya! you two are perfect each other! ligawan mo na sya." sabi ni Kian. Pareho lang kaming natawa sa sinabi nya.

"Since you find the brother of this kid, we should go." sabi ni Gray na walang reaksyon yung mukha. Tumango ako muntik na ako mapasigaw nang hilain nya yung kamay ko, ang gwapo na ni Nial ah! kumaway ako.

"See you around, Cleo!" sabi nya, ngumiti ako at tumango.



Note: Love triangle na ba dis? Please vote my story! Thank youuuu 




Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon