Chapter 15

915 15 0
                                    

~Mr. Mendoza.


CLEO POV.

Nagulat ako sa isang pamilyar na boses na nagsalita mula sa aming likod. Boses na matagal kong hindi narinig. Nang nilingon ko sya, hindi ako makapaniwala sa nakita, si papa. Tumayo ako at niyakap ito. 

"Pa, na miss kita, sobra." Sabi ko sakanya, ginantihan naman nya ako ng yakap. Yung yakap na halatang na-miss rin ako.

"so, do i my daughter." sabi nya, kinalas ko na pagkakayakap sakanya. Nang tignan ko sya ng maigi, sobrang ibang-iba sya sa mga ordinaryong tatay na nakita ko, may kasama rin syan tatlong maskuladon lalaki. 

"Mr. Mendoza! i d-didn't know that you came?" sabi ng nanay ni Aubrey. Bakit parang naging mabait sila kay papa? teka, ano bang meron kay papa?

"i came to get my daughter." tanong nya. 

"She is your daughter, sir?" gulat na sabi nya kay papa. Tumamgo si papa.

Paglabas namin halos hindi ako makapaniwala sa nakikita, nakasakay kami sa isang mamahaling kotse. Kasama si Gray. 

"Thank you for caring my daughter." Sabi ni papa kay Gray.

"Anything, sir." sabi ni Gray. Anong nangyayare?!

"pa, ano pong meron sainyo?" tanong ko sakanya. Medyo tumawa sya at tumingin sakin, pinisil nya pisngi ko at ngumiti.

"Alam mo bang na-miss kita anak? Sobra, asan na si Kayn?" tanong nya sakin. Ngumiti naman ako, ako lang ba talaga namiss mo pa? O baka naman si mama rin at Kayn.

Sa dulo ay nagtungo kami sa bahay namin. Una akong pumasok, nagtaka naman sila mama kung bakot ang aga ko bumalik. 

"Ma, may kasama po ako." sabi ko sakanya, napakunot noo naman sya sa sinabi ko. 

Pumasok na si papa, halos hindi makapagsalita si mama sa nakita. Para bang gusto nya tong lapitan at yakapin pero nagtaka ako ng biglang naging bago ang ekspresyon ng kanyang mukha, mukhang hindi nya na ito nagustuhan na nandito si papa. 

"Honey, alam kong galit kapa sakin kasi iniwan ko kayo. Pero, nandito ako para balikan kayo." Malungkot na sabe ni papa. 

"Hini ko kailangan ng tulong mo, lumayas ka." nagkatinginan kami ni Gray, pareho kaming lumabas para makapag usap sila ni papa ng maayos. Napatingin ako sa langit. 

"Kailan daw yung prom?" tanong ko sakanya. 

"I dont know, pero mamaya may meeting about dun." sabi nya sakin, nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko. 

"Sasama ako para malaman ko." nagtungo kami sa isang park.

"Wag na, mas maganda kung makasama mo pamilya mo, sasabihin ko nalang sayo kung saan yung meeting." sabi ko sakanya, tumango nalang ako, wala akong magagawa kapag si Gray ang nagsalita. Umupo kami sa isang bench. 

"Anong ,meron kay papa at parang lahat kayo ay ginagalang sya?" tnong ko sakanya. 

"Well, your dad is the most influential person and also the richest person in the world. Dahil sa pinagkatiwalaan sya ng kanyang amo, sya na ang nagmanage ng companya ngayon, until one day namatay ang amo nya at sakanya ipinamana ang lahat ng kayamanan nangako syadito na gagawin nya lahat para sumikat at umunlad ang companya, at yun ang ginawa nya ngayon." Ah, kaya pala parang kilalang kilala ang Mendoza sa school.  

Madami pa akong nalaman tungkol kay papa, kagaya ng isa pala sya sa model ng sikat na buisness magazine, pero bakit hindi ko makita yun? sa dulo ay umuwi narin kami at nagtumgo sa bahay, sa wakas nakita kong magkayakap sina papa at mama. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakita. 

Nang maimpake lahat ng gamit dinala kami ni papa sa binili nyang mansyon, grabe labas plang ang ganda na, at sa pasilyo sobrang linis, kahit lamok madudulas sa kinis ng mga yun. 

"Wow, eto na ba yung bahay natin, ate?" tanong ni Kayn, tumango naman ako, wala si Gray ngayon dahil aatend daw sya sa meeting sa school. Masayang umakyat si Kayn sa loob ng kanyang kwarto. 

Bumaba ako at tinignan ang mga maid na naglilinis, karamihan sa kanila nakangiti sakin. Ginantihan ko rin naman sila ng ngiti, hindi naman kase ako ganong kasungit eh. Lumapit ako para tumulong sa paglilinis ng mga plato.

"Naku ma'am kami na po dyan," sabi nung babae, ngumiti lang ako. 

"Masanay na kayo, hindi kasi talaga ako sanay ng walang ginagawa. " sabi ko. 

"Ma'am, para kayong papa nyo, sobrang masipag, nagugulat nga po kami tuwing gigising kami lagi pong malinis ang kusina at may luto nang pagkain. Pero isa po sya sa pinaka mayamang tao sa mundo ah, " hindi makapaniwalang sabi ya sakin. 

"Naku, Cleo ho, ang pangalan ko hindi 'ma'am'" tumawa lang sila sa sinabi ko. Nang umakyat ako at tinignan ang buong bahay, nakita ko sina papa at mama na nasa sala, sumasayaw. Ngayon ko lang nakitang ganoong masaya si mama at ganon din si papa. Ako na sana ang pinakamasayang dalaga sa mundo, at sana magtuloy-tuloy na.

AUBREY POV.

"WE NEED TO DO SOMETHING PARA MAWALA ANG BABAENG YAN SA BUHAY KO!" sigaw ko, kailangan walang choice si Gray na piliin kundi ako. 

"Nagiisip ako ng paraan! pwede ba? wag mo ako sigawan!?" sabi ni Mom. But i can't help myself. 

Dumating si dad, nakita kong nakangiti sya. 

"Don't worry, my men can handle her. Seat tight." napangiti ako sa sinabi nya, kagit kailan hindi talaga ako pinahiya ni papa. Alam ko lahat ng ginagawa nya, perfect.

CLEO POV.

"Ma, labas lang po ako ah." sabi ko kay mama. Umango naman sya. Lumabas ako para libutin tong buong mansyon, nakaramdaman ako ng bored kaya lumabas ako at tumigil sa isang fastfood, kumain ako ng siomai,fishball,at kwek-kwek. Baka kasi hindi ko na to makain sa bahay, naglakad-lakad ako sa isang eskenita. Nang makarating may biglang humarang sa harapan ko na van, binaba ko yung mga pasalubong ko at hinanda ang katawan ko. Alam kong may mga balak sakin ang mga to, maya-maya ay may lumabas na limang naglalakihang lalaki at hindi ako nakakilos ng bigla bila akong takpan sa ilong, unti-unti akong nawalan mg malay. Kung anong mang nangyayare sakin, god, please guide me. 

GRAY POV.

Napahinto ako, bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam kung bakit? napatingin ako sa phone ko at nakita si Cleo. Kinabahan ako kaya kinuha ko yung phone ko at diniall yung number nya. But she's not answering it. 

"Hey, anong problema?"tanong ni Ken. 

"She's not answering it." sabi ko sakanya,

"Baka naman busy, diba nga sabi mo kasama nya pamilya nya, wag ka nga OA." sabi nya, hes right. Tumingin ulit ako sa nagsasalita sa harapan. I know she will all right. I hope so. 

Seducing, Mr. Gray Smith.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon