Chapter 5

1.1K 39 0
                                    

□ HAROLD's POV □

Nakarating na ako sa bahay nila Tita. Sinalubong naman ako ng isa sa mga katulong nila para pagbuksan ng kanilang gate. Nagpark ako sa garahe nila at pinapasok ako sa loob ng bahay nila Tita Amerie.

Pagkapasok ko palang sa bahay nila Tita Amerie ay sinalubong na agad ni Tito Garry. Umupo kami sa sofa sa sala nila. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano.

May narinig akong bumusina baka sina mommy na 'yun. Napatingin naman ako kay tito dahil sa kanyang tanong.

"Harold, may girlfriend ka na ba?" Gusto kong matawa dahil sa tanong ni tito. Sa gwapo ko ba namang ito walang girlfriend? Tch. Sayang pag ganon. Tsaka hindi alam ng parents ko na isa akong playboy isang cassanova sa school namin.

"Wala po." Sagot ko. Totoo naman kasi kakabreak lang namin ng girlfriend ko kaninang umaga lang. Kaya nga galing ako sa mall para makapaglibang. Haha. Ang pinakamatagal na naging relasyon ko ay 10 days lang haha at ang pinakamabilis naman eh 1 hour lang. Haha ang bilis eh no?

Napatingin naman ako sa isang kwarto kung saan nakarinig ako ng tunog ng pagsara ng pinto nito. Mayat maya ay may dala dala juice ang yaya nila tito. Kinuha ko ang isang baso at uminom ako ng kaunti. Habang umiinom ako tinawagan naman ni tito ang anak niya ata? Haha hindi ko alam.

Malay ko lang ba kasi kong katulong nila or... haha basta 'diko alam. Basta ang sinabi lang ni tito;

"Llory! Halika dito sa sala may ipapakilala ako sayo dali!"

Hmm. Sino kaya yung Llory na 'yun? Sana babae atsaka maganda. Sabagay hindi naman imposibleng pangalan ng pet nila 'yun tsaka kung pangalan 'yun ng isa sa mga alaga nilang aso or what eh hindi naman niya 'yun maiintindihan.Pero infairness ha maganda ang pangalan niya so dapat maganda rin siya.

------

Please don't forget to vote, comment and follow!😊😗

And try to read my other story;

• The Photographer [ ONE SHOT ]

Hoping you'll like it! Follow me and I'll follow you back😉

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon