Chapter 32

440 15 0
                                    

Unknown's POV

Hindi sana ako papasok ngayong first day of school dahil may lagnat ako. Pero  kailangan eh, kinuha ko ang jacket ko at lumabas na sa aking condo. Buti nalang at malapit lang ang school na pagtatransferan ko daw.

Nang makababa na ako from thirty sixth floor to first floor. Medyo natagalan pa ako sa elavator dagdag oras pa. Pumunta ako sa garahe ng hotel namin, oo namin 'coz we own this hotel. Pinaandar ko na ang kotse ko at pinaharurot ito papunta sa school na pagtatransferan ko which is VAU or Villanueva Academy and University.

Buti nalang at hindi ako na traffic. Pagkapark ko ng kotse ko ay isinuot ko ang aking grey na hoodie at kinuha ang bag ko. Pumasok ako sa school.

Hinanap ko agad ang room at inalam ang section ko. Nahanap ko naman ito agad. Pagkalapag ng pagkalapag ko ng aking bag ay sakto naman na tumunog yung bell. Kahit nahihirapan ako sa pagbaba ng hagdan dahil nahihilo ako ay kinaya ko parin.

Katulad nung nasaktan ako, kahit nahihirapan na ako, pinilit ko paring mahalin ka. Kahit ako ay nasasaktan na.

Uyy, nakahugot si ako ah. Sumunod nalang ako sa mga estudyanteng papunta sa kung saan. Magsesearch sana ako about sa school na ito kaso wala ako sa mood. Nang makarating ako gym ay hinanap ko yung line ng section namin.

Dahil isang line lang ang line per section at sa harap ang mga lalake ay pumunta ako doon. May nabangga akong babae dahil muntik na akong matumba. Magsosorry sana ako kaso nagsimula ng tumugtug ang national anthem which is lupang hinirang. Kaya nagmadali akong pumunta sa boys line.

Pagkatapos ng flag ceremony

"Attention to all students and teachers, in this school year, we have one hundred five students from different schools. So please teachers, assist them and students be nice to them. Ok, you may now proceed to your classes. And before i forgot, all transferees maiiwan dito." Sabi ng matandang lalake na sa tingin ko ay siya ang head teacher or maybe principal of this school.

Nagsialiaan na ang mga ka schoolmates ko at naiwan kaming mga transferees. Sinabi lang naman nila ang sections, rooms at nagpakilala ang mga teachers. Pagkatapos nun ay magkakasama kami ng mga ka section ko patungo sa aming room with our teacher.

------------
Please don't forget to vote and comment 😍😘

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon