Chapter 16

794 26 0
                                    

♡ Mallory's POV ♡

Habang busy akong nag aayos ng sarili ko ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am may naghihintay po sayo sa labas." Sabi ng isa naming katulong. 'Who would that be?' I thought. Wala naman akong inimbitahan na pupunta sa bahay. Haist.

"Sino daw po 'yun manang?" I asked to one of our maids. Marami kasing maids dito sa bahay namin or i should say mansion for me but for the maids daw, our house is a palace ika ng mga maids namin kaya para akong prinsesa sa bahay.

"Basta hinihintay ka daw po sa labas. Oh sige ma'am aalis na po ako may gagawin pa po akong trabaho." Pagpapaalam ng maid namin. Tch. Sino naman kaya 'yun? Haist yaan ko na nga.

Tinapos ko na ang pag aayos ko at muli kong chineck ang sarili ko sa salamin. I'm wearing my cream colored off shoulder dress. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na ng hagdan. Dumiretso na akong lumabas ng bahay.

Nakita ko si Harold nanakasandal sa pulang kotse niya at nakasuot ng shades at may kung anong kinakalikot sa phone niya.

Anong ginagawa naman niya dito sa harap ng bahay namin? Tch. I rolled my eyes at nilagpasan ko siya. Dumiretso nalang ako sa kotse namin.

Actually marunong naman talaga akong magdrive kaso tinatamad ako and I'm tired. Sana nga bukas nalang ako magmall at bumili eh pero na-i-schedule ko na so.

Sasakay na sana ako ng magsalita si Harold pero hindi ako lumingon. Tinitignan ko lang siya thru rear view mirror sa kotse. Napatingin nalang ako sa ibang direksiyon ng makita ko siyang nakatingin sakin.

"Doon ka nalang sa kotse ko sumakay para sabay tayong pumunta sa mall." Pago-offer niya. Tsk. Humarap ako sakanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"And why would I?" Sabi ko. He just smirked and shows his killer smile este smile lang pala. Kase kung killer smile ang tawag sa ngiti niyang yan, edi sana kanina pa ako patay diba? Tsaka hindi naman ako tatablan niyan.

"Beacause i said so." He said still smirking. Sino naman diya para sundin ko? Tsaka ayoko ngang sumakay sa kotse niya. As in no way.

"Thanks but no thanks." I flashed my sweet yet fake smile at inirapan siya. Tsk. Mas safe ako sa kotse namin no. Baka kung anong gawin niya pa sakin kung sasakay ako sa kotse niya.

Pagkasakay ng pagkasakay ko ay pinaandar na ni kuyang driver namin papunta sa mall. May narinig akong bumusina na kotse sa likuran namin. Hindi ko na lang 'yun pinansin.

Maya't maya pa ay sunod sunod na ang kanyang pagbusina kaya naman na irita ako dahil maingay.

Napalingon ako sa likod at nakita kong si Harold yun at kumindat pa! Napanganga ako. Inaasar ba ako ng lalakeng 'to?

Aish. Hindi siya ganon ka importante para pagtuonan ko ng pansin. Nakarating na kami sa mall at pinark na ni kuyang driver ang kotse namin sa parking lot. Bumaba na ako at sumunod naman sa akin si kuya para magbit bit ng mga bibilhin ko.

Pumasok ako isang pabilihan ng damit at pumili ng mga damit na bibilhin ko.

------------

Please don't forget to vote and comment😍😘

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon