Chapter 36

415 13 0
                                    

♡Mallory's POV♡

Nakatitig lang ako sa mukha nito. Joshua Vhann Palma. Hmm, sounds familiar eh?

Ang amo ng mukha niya. May makapal na kilay, may singkit siyang mata, matangos na ilong, perfect shaped pinkish na kissable lips. In short GWAPO!

Napaiwas ako ng tingin nang gumalaw siya.

"Lily." Aniya habang nakapikit. Sinapo ko ang noo niya to check his temperature. Medyo bumaba na ang temperature niya. Itinaas ko ang kumot niya hanggang sa leeg niya. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Baka nananaginip siya.

"Lily please, don't leave me." Sabi niya ulit at naramdaman ko ang kamay niya na mas hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. May tumulong luha mula sa mata niya. Pinunasan ko naman ito.

"I won't." Sabi ko kaya napangiti naman siya pero nakapikit parin ang mata niya.

Naramdaman kong medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya binawi ko ang kamay ko sakanya.

Napamulat siya ng kanyang mga mata at diretso ang tingin sakin.

"Teka lang." Ani ko. Akmang tatayo na sana ako ng higitin niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Please, dito ka muna. Huwag mo'kong iwan."

"Babalik din naman agad ako eh."

Hindi siya sumagot bagkus may tumulong luha sa mata niya. Nataranta naman ako. Ba't siya umiiyak? At napapikit naman siya ng mariin.

"Dito lang ako. Hindi kita iiwan." Saka ko siya yinakap. Ang init ng katawan niya.

Kinuha ang bimpo sa beside table ng clinic. Isinawsaw ko ito sa maligamgam na tubig na nakalagay sa maliit na palanggana at piniga ito.

Pinunas ko ito sa noo niya. Ramdam ko ang panginginig, niya sinabi ko na kanina sa nurse yung aircon para mabawasan ang lamig dito.

Hinawakan na naman niya ang kamay ko. Ok lang, malambot naman ang kamay niya. Tsaka ang init kaya masarap hawakan.

Napansin kong gumalaw ang kortina sa kabila kaya napatingin ako rito. Baka yung nurse 'yon.

Itinuon ko nalang ang pansin ko kay Joshua na nasa harapan ko. Nakahiga sa kama, nakapikit ang kanyang mga mata pero hindi naman natutulog. Napailing nalang ako't napabuntong hininga.

Ipinikit ko ang mata ko't hinalikan siya sa kanyang noo.

~•~

UNKNOWN'S POV

Sumunod ako sa pagdala ng classmate kong lalake papunta sa clinic dala dala ang iPhone ko. Nagpahuli ako para hindi nila ako mapansin.

Nang makarating kami sa clinic ay naghanap agad ako ng matataguan ko. Pumunta ako sa likod ng kortina at doon pumwesto. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Sinyales na lumabas na sila.

Medyo sumilip ako sa kabila kung saan nila inilagay si Joshua. Nakita ko sina Mallory, Harold at si Joshua na nakahiga sa kama na natutulog. Napansin ko ang kamay nila Joshua at Mallory na magkahawak.

Inopen ko ang cellphone ko at pinindot ang camera. Palihim ko silang kinunan ng litrato.

I smirked. May naisip akong plano. I'm so genius talaga.

-------

Please don't forget to follow, vote and leave a comment. Kamsa~

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon