Chapter 46

299 8 0
                                    

HAROLD's POV

Sinikmuraan ko siya ngunit nakabawi   din naman agad siya dahil nasuntok niya ang panga ko. Medyo napalayo siya dahil sa pagkasuntok ko sa tiyan niya.

Lumapit ako sa kanya at susuntukin ko sana siya ngunit nakailag siya. Pero nakalimutan niya atang dalawa ang kamao ko kaya nasuntok ko siya sa tagiliran niya.

Hinila ko siya sa kwelyo ng kanyang uniporme at saka muli ko siyang sinuntok at dahilan para pumutok ang gilid ng kanyang labi.

Tinalikuran ko na siya at tumungo kung saan naka park ang kotse ko. May napansin akong babae na naglalakad mag isa.

Napagtanto kong si Mallory iyon dahil sa bag niya. Nang makarating ako sa kotse ko ay dali dali akong sumakay sa loob.

Instart ko ang makina nito at nagdrive. Nakita ko si Mallory sa malapit sa gate. Mabuti nalang at naabutan ko siya.

Ba't mag isa lang siya?

Akala ko ba kasama niya ang kuya niya't nakauwi na.

Aish!

Mabuti nalang at nandito pa ako, baka kung ano ng nangyari sakanya kapag wala ako.

Bumusina ako dahilan para mapalingon siya. Napatakip siya sa kanyang mata dahil nasilaw sa ilaw ng kotse ko. Pinatay ko ito at saka lumabas ng kotse.

Nang makita niya ako ay tumalikod siya't muling naglakad. Hinabol ko siya't hinila ang kanyang braso upang maiharap sa akin.

Nang maiharap ko siya sa akin ay nakita kong masama ang tingin niya sa akin. At nakataas pa ang isang kilay niya.

Ano na naman bang ginawa ko sakanya?

Walang sabi sabi at hinila ko siya sa pala pulsohan niya't tumungo sa kotse  ko.

Binuksan ko ang pintuan ng passenger's seat saka ko siya hinila sa harap, binitawan ko ang kamay niya't tinuro ang loob ng kotse ko.

"Pasok." Seryoso at maotoridad kong sabi. Pero hindi ko siya tinignan.

"Oh bakit? Anong gagawin ko sa kotse mo? Anong meron? Tsaka ba't naman ako papasok? Baka kung ano pang gawin mo" Aniya.

Argh! Napahilamos ako ng mukha.
Napakunot ang aking noo nang mapakacross arm pa siya.

"Pumasok ka na kasi!" Napsigaw pa ako dahil sa kulit niya. Ang slow niya. Tsk.

Napagilid ang kanyang labi. Tumingin mo na siya sa labas ng school saka siya pumasok sa loob ng kotse ko't umayos ng upo. Buti naman at sumakay na siya. Pinanood ko siyang mag seatbelt hindi ko namalayan nakatitig ako sa kanyang mukha. Sa kilay niya, sa mata niya na parang galaxy, sa cute na ilong niya hanggang sa napatingin ako sa lips niya, napaisip ako may first kiss na kaya siya? sana wala pa dahil sinisigurado kong ako ang mauuna napangiti ako sa naisip ko.

"Ano pang tinitingin tingin at nginingiti-ngiti mo diyan?! Tara na!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin. Ang lakas pa naman kala mo naman sobrang layo ko sa sobrang lakas ng sigaw niya.  Isinara ko ang pinto ng kotse ko't pumunta sa driver's seat. Gayun pa man, hindi maalis ang ngiti sa labi ko ng dahil sa naisip ko kanina.

-------

Please don't forget to vote, comment and leave a comment. Kamsa~

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon