Chapter 38

389 17 0
                                    

JOSHUA's POV

"Hindi nga kasi kaya ko na ang sarili ko." Pagpupumilit ko.

"Hindi pa nga kasi. Ang taas taas pa ng lagnat mo eh." Sabi naman ni Mallory.

"Pero sir, hindi ka pa po pwedeng lumabas kailangan mo pa pong magpahinga." Sabi naman ng nurse.

"Eh nakapag pahinga naman na ako eh. Tsaka kaya ko na ang sarili ko, i don't need your help Miss Nurse. Si Mallory lang ang kailangan ko." Ani ko.

"Haist. Ang kulit mo Josh." Mallory.

"Naaalala mo na ako Lily?"

"Eh?"

Narinig kong umubo ng peke si Miss Nurse kaya naman napatingin amo sa kanya at tinignan ko siya ng masama. Medyo wala ako sa mood kaya masungit ako.

Tatayo na sana ako nang muli akong pigilan ni Mallory at si Miss Nurse. Aish. Naiirita na ako kay Miss Nurse ah.

" Di ba sabi ko na sayo kanina na I don't need your help. Si Mallory ang kailangan ko. Si Lily lang." Ang kulit din ng nurse na to eh no. Tsk.

"Aish! Sige na nga bahala ka sir. Ingat po kayo Miss Mallory." Pagpapaalam nito samin saka nagwalk out.

"Lily ka ng Lily eh si mama't papa lang ang tumatawag sakin niyan." Rinig kong bulong ni Mallory.

"Ikaw nga kasi si Lily. Nag ka amnesia kaba?" Tanong ko.

"Hindi nga kasi. Tsaka mas lalong hindi ako nagka amnesia." Sabi niya ng nakacross arms pa.

Bakit, sina mama at papa mo lang ba ang pwedeng tumawag sayo ng ganon? Hindi ba pwedeng tawagin din kita ng ganon?

"Lika na nga, punta na tayo sa classroom." Aniya at naunang naglakad kesa sakin.

"Teka hintayin mo ako." Pinilit kong maglakad kahit nahihirapan ako dahil masakit ang ulo ko. Nahihilo ako't parang umiikot ang paligid.

Buti nalang at nakakapit ako sa kama, kung hindi edi sana natumba na ako. Napapikit ako ng mariin. Narinig ko ang mga yapag ng sapatos ni Mallory na papalapit sa akin hanggang sa maramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko.

"Sabi ko kasi sayo na dumito ka muna eh ang kulit mo talaga." Aniya na parang pinapagalitan ang ten years old na bata.

"Eh ayaw ko na nga kasing mag stay dito sa clinic, ang boring kasi dito tsaka hindi ako makatulog." Aniko.

"Tsk. Fine." Sabi niya.

Inaakbay niya ang braso ko sa balikat niya at hinawakan ang wrist ko at bewang ko. Saka kamin naglakad palabas.

Napansin kong napatigil siya pero naglakad din naman siyang muli. Napaangat ang tingin ko dahil sa nakakarinding tawanan ng mga malalanding babae. Tsk. Pero agad din namang napababa ang tingin ko dahil nakakunot ang noo ni Harold na nakatingin sa amin. Hindi sa natatakot ako sakanya. Pakialam ko ba sakanya. Tch. So what kung playboy siya. Basta hindi ko hahayaang mapasama si Mallory sa mga katulad niyang magloloko at hinding hindi ko rin hahayaang maidagdag siya sa isa sa mga babaeng naging kalandian ng Harold nayan.

Dulo't ng kahiluan at sakit ng ulo ko ay napatid ko ang sarili kong paa. Kaya ang kinalabasan na out of balance ako at dahil nga nakakapit sa akin si Mallory ay napasama siya sa pagtumba ko.

Nasa ibabaw ko siya at hindi ko inaasahan na sa pagbagsak naming dalawa sa sahig ay maglalapat ang aming mga labi.

--------
Please don't forget to vote, follow and leave a comment kamsa~ 😘💖

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon