Chapter 37

392 17 0
                                    

HAROLD's POV□

Nang makarating ako sa room ay naabutan ko ang mga classmates kong nakatayo. Lumapit ako sakanila. At nakita kong iba na ang aming guro. Second period na pala.

"Buti naman at nandito kana Harold, asan na si Mallory?" Si Teacher.

"Nandon parin po si Mallory, binabantayan niya po si Joshua." Sabi ko. Tumango tango nalang si ma'am.

"Nag go groupings kasi ako by three. Para ito sa performance niyo sa Music. Since tatlo kayo nalang kayo nila Joshua, Mallory at ikaw, kayo nalang magakakagrupo." Saad ni ma'am na nakangiti. "Pakisabi nalang sa kanilang dalawa ok? Thanks." Dugtong pa nito saka tinapik ang balikat ko. Tumango nalang ako't nginitian siya. Nginitian din niya ako pabalik. Saka ako tinalikuran ni ma'am.

"Students, you will be performing on Wednesday this week." Sabi ni ma'am sa harapan.

"Ahh ma'am pwede po bang magsasayaw ako tapos yung mga kasama ko magtutugtog?" Tanong ng isa kong babaeng kaklase sa guro namin.

Nginitian siya nito't saka tumango. "Yes Ms. Crissostomo basta ang importante makapagperform kayo. Kung sino ang hindi makakapagperform sa Wednesday no grade for this first grading. Good bye students. You can have your break now." Pagkasabi ni ma'am 'yon ay sakto namang tumunog ang buzzer sinyales na break time na.

Lumabas na si ma'am sa aming room. Pati ang mga kaklase ko ay nagsilabasan nadin. May mga classmates akong hindi lumabas bagkus dumito nalang sa loob.

Hindi pa ako nakakatayo sa upuan ko ay may lumapit sa aking tatlong mga babae. Hinila ako ng isa para tumayo kaya tumayo naman ako.

"Hi handsome, I'm Louise by the way." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay tatanggapin ko sana ito kaso naagaw naman agad ng isa ang kamay ko. Napangiti ako't hinilakan ko ang likod ng palad nito. Napatili naman ang dalawang kasamahan niya. Siya naman ay ngiting ngiti na parang sasabog na.

"I'm Hermine." Pagpapakilala niya.

"Nice name." Puri ko. "Can i call you mine for short?" I asked.

"Sure! I'd love to!" Sabi niya habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. I showed my killer smile to them kaya naman grabe ang mga tili nila akala mo naipit eh.

Inagaw naman ng isang babae ang kamay ko't hinawakan ito ng mahigpit saka ako hinigit palapit sakanya pero imbis na ako ang mahila niya eh siya naman ang nahila, mas malakas ako eh.

Yinakap niya ako sa bewang. Saka pinatong ang ulo niya sa dibdib ko't inamoy ito. I heard she murmured the word "mabango". I chuckled.

"How 'bout you, what's your name?" Tanong ko naman sa kanya.

"Jasmine" She said.

"Ok. Nice to meet you all girls. Louise, Hermine and Jasmine." I said and smiled at them.

"Punta na tayo sa Cafeteria." Pagyayaya naman ni Louise.

"Sige/Ok." Sagot naman ni Hermine at Jasmine. Samantalang ako, ngiti at tangi lang isinagot ko sakanya. Kinuha ni Louise ang kaliwang braso ko tsaka inakbay yon sakanya.

Nagtatawanan ang mga kasama ko at hindi ko alam kung bakit. Habang ako naman ay nakangiti lamang. Pero agad namang napawi ang ngiti ko ng nakasalubong namin sina Joshua at Mallory.

Nakaakbay si Joshua kay Mallory. Si Mallory naman ay inaalalayan si Joshua sa paglakad.

Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ako tinignan ni Mallory. Nang malagpasan namin ang isa't isa ay diretso lang kami sa paglakad. Hindi ko namalayan na lumingon pala ako kina Mallory.

And worst, sana napigilan ko nalang ang sarili kong lumingon.

-------
Please don't forget to vote and leave a comment thank you!😘

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon