Pintura

90 2 0
                                    


Binubuo ng mga nagsisiglahang kulay. Mga kulay na nagbibigay buhay sa mga larawang puno ng kalungkutan. Kulay pula, asul, dilaw, berde,at itim. Sila ang mga kulay na nagsilbing alalaala sa mga alaalang sabay nating binuo ng may kasiyahan at pagmamahal.

Pula. Maaring kasiyahan, kalagakan, o katapangan ngunit maaari rin itong maging kulay ng dugo na dumanak mula sa pusong sinaktan at dinurog. Nagsimula man tayo sa pagmamahalang puno ng kasiyahn at pag-ibig, ay tinapos mo naman sa pag wasak ng puso ko. Pulang sumisimbolo sa katapangang ipinakita ko sayo upang maipaglaban ko ang ating pagmamahalan ngunit ikaw mismo na inaakala kong kasa-kasama ko ay naunang bumitaw sa kamay kong mahigpit na nakakapit para sayo. Para lamang hindi tayo magkalayo.

Asul. Kulay na bumubuo sa aking masayang langit at ating pagmamahalan na may katapat at pagtitiwala. Sinimulan nating dalawa sa pangakong katapatan sa bawat isa, ngunit sa huli ay ikaw na mismo ang nagtago sa mga bagay na nararapat ko lamang na malaman. Katapatan na iaalay mo lamang para sa akin ang iyong pag-ibig na buo. Pagmamahalan nating nabuo sa pagtitiwala, ngunit ikaw mismo ang gumiba sa pagtitiwalang matagal nating binuo upang maging pundasyon ng ating pagsasama at pagmamahalan. Pinangako mong katapatan para sa akin, sa huli ay sa iba mo inialay ang iyong tapat na pagmamahal at pagtitiwala ng buong puso at walang pagdududa.

Dilaw. Kulay na alam nating nagpapakita ng kasiglahan at kasiyahan. Masigla, masaya, puno ng kagalakan, sa simula.. Sa huli ang kasiglahan at kasabikan mo para sa pagmamahal ko ay unti-unting nawala. Nakahanap ka na ng iba. Ibang puso at pagmamahal na pupuno sa iyong kasiyahan at kasiglahan. Kung dati- rati ay masigla at masaya ka sa t'wing tayo'y nagkikita, ngayon.. Paunti-unti, nagiging matalamlay ka at walang ganang sumalubong sa aking pagdating  sapagka't alam mo sa puso mo na may ibang tao ka nang hinihintay sa pagdating upang maialay mo ng buong-buo at punong puno ng kasiglahan ang iyong pagmamahal. Hindi para sa akin kundi para sa kanya.


Berde o luntian. Kulay ng masisigla at buhay na buhay na mga halamang pumapaligid sa iyo. Kulay na hinihiling ko na sana at mayroon ako upang ang iyong pagmamahal para sa akin ay magkaroon ng buhay. Hindi para sa kanya, kundi para sa akin. Umaasa ako na balang araw ay mapapasaakin rin ang kulay berde upang makulayan ko ang larawan at alaala natin na pinapaligiran ng mga halamang sumasabay sa saliw ng hangin. Pinapangarap ko na sana ay muling mabigyang buhay ang iyong paibig para sa akin.

Ngunit tanging itim lamang ang kulay na iyong itinira sa akin. Itim na nangangahulugang lungkot, paghihinagpis, paghihirap, sakit at kamatayan. Sabay tayong nagkulay sa larawang nagsilbi nating alaala ngunit nagsimula lamang ako sa kulay na itim. Puno ng kalungkutan ang larawang aking iginuhit. Ngunit ng ika'y dumating ay dala mo ang mga kulay na nagbigay buhay sa larawang aking iginuhit. Mag-isa ko man itong iginuhit ay hindi ko ito inalinta gayong kasama naman kita sa pagbibigay buhay rito. Ngunit kalauna'y nawalan ka nang sigla, napagod kana sa pagbibigay buhay sa larawan. Napagod ka sapagka't natagpuan mo sa iba ang pagmamahal na iyong pinapangarap. Sa iba mo natagpuan ang tunay mong kasiyahan. Sa iba hindi sa akin. Ako na syang kasama mo sa pagkukulay sa larawan nating dalawa. Ako na umaasa sayo na syang nagbibigay buhay sa araw-araw ko.

Sa huli ay umalis ka lamang at iniwan mo akong ang tanging mayroon ako ay kulay itim. Muli kahit masakit tanggapin ay pinilit kong punan ang mga bahaging hindi mo natapos dahil sa iyong kapaguran. Napunan ko ito, ngunit alam kong ito ay hindi sapat upang muling maibalik ang sigla mo at pagmamahal para sa akin. Napunan ko ito ngunit puno lamang ito ng kulay itim. Unti-unti ay tuluyan ng nilamon ng itim ang larawang iniinggatan ko, dahil nakita kita na masaya at maykagalakan sa iyong mga mata sa t'wing siya'y kasama mo.

Masakit man tanggapin ay pinilit kong magsumikap upang hindi masira ang natitira nating alaala. Natapos ko man itong kulayan ay puno parin ito sakit at paghihinagpis. Dahil napagod na ako, napagod na akong umasa na balang araw ay babalik ka sa akin na dala ang mga makukulay na pangkulay at sabay nating aaayusin at babaguhin ang aking larawan. Mga bagay na sa imahinasyon ko lamang makakamit, dahil wala nang pag-asa pa at may siya na sa buhay mo at wala nang ako.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon