ISA, DALAWA, TATLO, APAT, LIMA, ANIM, PITO, WALO, SIYAM at SAMPU..
Bumalik ako ng ika SIYAM dahil sa yong mga kasinunghalingan..Mga pangako mong ako lamang at wala ng iba pa.
Sa ika WALO, iniwan mo akong talo..Sa gitna ng laban ko para lamang mapasaiyo.
Ika PITO, hinayaan mong lumuha ako..Hindi mo pinakinggan ang mga daing ko ng dahil sa sakit na ikaw mismo ang may hatid.
Ika ANIM, iniwan mo ako sa dilim..Nagiisa at walang kasama na tanging mga tawa mo na kasama ang iba ang syang tanging naririnig.
Ika LIMA, hindi man lang kita nadama..Ng mga panahong pagod na ako, hindi ako sumuko kahit paunti-unti na akong nilalamon ng mga sakit na dulot mo.
Ika APAT, hindi ka naging tapat..Mas pinili mong itago sa akin ang katotohanang may iba kana at hindi na ako ang hanap mo.
Ika TATLO, hindi ako ang ipinaglaban mo..Dahil mas pinili mo ang sumama sa iba kahit ako ang araw araw na kasama mo sa hirap.
Ika DALAWA, ikay kumaliwa..Habang akoy nandirito, umiiyak at nagmamakaawang balikan mo ako.
ika huli at ISA, iniwan mo akong mag isa..
Nagbingi bingihan ka sa mga tawag ko. Mas pinili mong talikuran ako at sumama sa iba kahit ako ang walang ginawa kundi mahalin ka ng lubusan.Pinilit kitang abutin, sundan at makapiling ngunit ikaw na mismo ang naging dahilan ang unti - unting paglayo ko sa iyo.
Mahal kita, pero sadyang mga kamalian mo ang naghihiwalay sa ating dalawa.Sa bawat pagsubok kong humakbang muli.. panibagong sakit ang yong hatid.Sa mga salitang iyong binibitawan parang nais ko na lamang na muli kang hagkan at ang yong mga kamalian.. ngunit sa kabila ni yaon sakit ang patuloy na naghihiwalay sa ating dalawa.
Sa yong mga kasinunghalingan.. patuloy mo lamang akong sinasaktan. Aanhin ko pa ang mga pangako mong kaligayan sa piling mo kung ang simpleng katapat ay hindi mo maibigay. Ang simpleng katotohanan na nararapat sa akin.. hindi mo sinabi.. nasaan ang yong pagmamahal?
Hindi lamang puro ito kaligayahan.. may sakit na hatid ngunit lahat ng ito ay kayang pawiin ang sakit na tanging pagmamahal mo lamang ang may hatid.
Sa sampung hakbang ko paatras.. ay dahilan ng yong mga kasingnunghalingan na patuloy na naghiwalay sa ating dalawa.
Sampung hakbang palayo sa iyo ang tanging hatid ng yong pagmamahal.