Sandali

10 1 0
                                    


  

Sandali lang, sandali lang Mahal kahit kaunting panahon pa.. para sa ating dalawa.

Hindi madaling maiwan, lalo kung ang taong lubos mong minahal ang syang mangiiwan.  Kahit sandaling panahanon nalang, kaunting araw pa.. hayaan mong sulitin ko ang panahong kasama pa kita, dahil alam kong mawawala ka na sa akin.

Kaunting oras pa, pagbigyan mo na akong patuloy na pagmasdan ang yong kagandahan, dahil alam ko na sa susunod na mga oras.. iba na ang makasusubaybay sa mga ngiti mong iyan. 

 Kahit ilang minuto pa sana.. wag mo naman itong ipagadamot sa akin. Sa nalalabing minutong kapiling kita.. damang dama ko na lumalayo kana. 

 Kahit limang segundo pa mahal, ibigay mo na sa akin ito dahil alam ko na sa pagtalikod mo.. iba na ang hanap mo. Wala ka nang paki alam sa akin. Itatapon mo na lahat ng ating ala-ala. 

 Mahal pwede bang kahit sandali pa? Nais ko lamang damhin ang init ng yong yakap.. ang tamis ng yong mga halik. Pwede ba? Kahit sandali lang.. ako muna ang pagtuunan mo ng yong pansin.. sa akin mo muna ibuhos ang yong pagmamahal, maaari ba? 

 Kahit sandali nalang Mahal, kahit segundo nalang ang natitira sa ating dalawa, ipagdadamot ko pa ito sa iba dahil matapos ng mga sandaling ito, ako na mismo ang tatapos ating dalawa.

 Kahit sa sandaling ito, sa huling pagkakataon.. maari ko bang marinig na mahal mo ako?  

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon