" Hi."
Sa simpleng kamustahan nagsimula ang ating pagmamahalan. Nauwi sa sumbatan at sakitan. Kay sakit hindi ba? Na sa hinaba-haba ng ating pinagsamahan mauuwi lamang pala sa iyakan. Mga pusong parehong tinuruan kung paano magmahal ngunit hindi hinayaang magsama sa walang hanggan.
Isa lamang tayo sa libu-libong pusong pinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Hinayaang magtagpo pero hindi hinayaan mag-isa.
Tinuruan lamang tayo sa ibang paraan. Hinayaan tayong sa unang pagbukas ng ating mga puso ay sakit ang madama upang tayo'y maging matatag. Hindi kaligayahan kundi lungkot at sakit.
Ang inakala mong kasa-kasama mo ay pahiram lamang pala. Mga ngiti sa iyong mga labi, kaligayahan at pati narin ikaw ay lahat panandalian lamang.
Pahiram. Isang leksyong magtuturo sa puso kung paano lumaban.