Marupok

15 1 0
                                    


  MARUPOK


Akala ba ninyo na madaling maging marupok? Na sa isang ngiti lamang niya hulog kana. Na kahit anong galit mo nalulusaw pag siya na ang kaharap. Mahirap, napakahirap dahil kahit may mahal syang iba, kahit nasasaktan ka, mahal mo parin sya. Patatawarin mo parin sya kahit ilang beses ka na niyang sinaktan at pinaluha.


Mahirap maging marupok. Kailangan martyr ka. Kahit nakangiti ka sa harap nila unti-unti ka namang namamatay sa loob mo, na walang ibang nakakaalam kundi ikaw lang.


Alam ba ninyo yon? Hindi diba, kasi hindi mo alam kung gaano ba kahirap na magkaroon ng puso na hindi mo kayang kontrolin. Kahit anong pilit mong sabihin na tapos 'tama na' patuloy parin syang nagmamahal sayo na di alintana ang sakit na nadadama.


Gustong-gusto kong sabihin sayo na pwede bang layuan mo nalang ako? Dahil hindi na kaya ng puso ko na paulit-ulit na nasasaktan.


Gusto kong maging matibay, para sa muli nating pagkikita hindi na ako masasaktan o mahuhulog man.


Alam mo ba ang gusto ko? Pangarap ko magkaroon ng halaga. Pangarap ko na balang araw may taong magpaparamdam sa akin ng halaga ko.


Na mayroon ba akong halaga, halaga na sa muling kong pagmamahak may taong alam kong para sa akin na. Na handa akong saluhin kahit paulit ulit akong mahulog. Na handa akong ituring na kaniyang prinsesa. Na mamahalin, iingatan at higit sa lahat hindi sasaktan.


Ginawa ko to para sa iyo. Ginawa ko ito kasi minsan na akong naging ganito. Minsan ko nang naramdaman lahat ng nararamdaman mo ngayon. Gusto kitang tulungang maging matibay. Gusto kong mabuksan ang mga mata mo sa ganda ng buhay, gusto kitang maging masaya dahil alam ko na bawat ngiti mo ay may sakit ka na nadadama. Hindi sayo nararapat ang sakit na mayroon ka ngayon. Dadamayan kita/namin hanggang sa tuluyan kanang maging matibay at sumaya. Walang imposible sa mundo. Hindi natin alam na sa susunod na mga araw ikaw na pala ang lubos na sasaya.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon