Ako nalang Mahal

8 1 0
                                    


   AKO NALANG MAHAL..

 Ako nalang mahal.. hayaan mong ako na ang tumapos sa atin dalawa. Mahal na mahal kita ngunit di ko kayang makita kang nahihirapan ng dahil sa akin.

 Patawarin mo sana ako aking mahal sapagkat hindi kita kayang ipaglaban.. pano ba ako lalaban kung ang taong aking pinaglalaban ay syang aking nasasaktan. 

 Mahal kita, masakit man sa akin na bitiwan ka, kung eto man ang natatanging paraan para maprotektahan kita sa sakin. 

Alam kong balang araw mapapagod ka rin... at pipiliin mong iwan ako. Bakit ko pa ito patatagalin kung sa bawat araw na dumarating mas dumodoble ang mga sakit na dulot ko sa iyo.

 Mahal na mahal kita. Ikaw ang natatanging laman ng aking puso. Sa iyong paglisan tandaan mong parati kitang babantayan ako ang iyong magsisilbing proteksyon nang sa ganon maging panatag ako. 

 Hayaan mo na ako mahal, maaari ba? 

Sanay patawarin mo ako. 

Ako nalang Mahal ang tatapos sa ating dalawa.  

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon