Mahal kita, mahal ka nya pero mahal mo sya para saan pa ang pagmamahal ko kung para na kayo sa isat-isa.
Simulan natin ang istorya nating dalawa kung saan Ikaw at ako lang walang sya, walang iba. Naaalala ko pano'n kung paano mo ako nilapitan sa kabila ng mga taong nanakit sa akin.
Minahal mo ako kung ano ako. Minahal mo ako sa kabila ng mga taong walang ibang ginawa kundi saktan ako.
Ang saya-saya nating dalawa, akala ko ikaw na ang hinahangad ko, ngunit nagkamali ako nang makilala mo sya. Sya na ginawa mong mundo samantalang ako, ako na nandirito kahit kaunting pagmamahal lang hindi mo pa maibigay.
Ikaw na inakala kong para sa akin ngunit binigo ako ng tadhana ng sinabi mong mahal mo sya. Hindi na ako, Kundi sya.
Sa pagmulat ng aking lumuluhang mga mata hawak ko ang pluma, nasa harap ko ang papel Kung saan nakasulat ang pangalan ninyong dalawa.
Ako pala ang may akda ng istorya ninyong dalawa.
Ako ang iyong PLUMA, ang sumulat ng istorya ng pagmamahalan ninyong dalawa.
Kahit na pinilit kong hanapin ang sagot sa tanong ko, alam kong walang ibang makasasagot nito, kundi ikaw.
Dahil sa aming dalawa sya ang pinili mo kahit na sinabi mong ako lang at wala ng iba.