Chapter 1

78 14 2
                                    

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 

“The hardest part is loving you in my dreams and waking up alone.”

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 

Entry 1

Dear Diary, 

I already considered him as my soul mate.

Ione :)

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

June 11, 2014

PINIPILIT kong i-shift ang attention ko kay Amasai Cruz, ka-Delta ko sa Citizenship Advancement Training o CAT. Hindi na si Asher Bautista ang pinapakitaan ko nitong atensyong binibigay ko kay Amasai. Si Asher ay ka-Delta ko din tapos sabi nila crush raw ako ni Asher pero hindi ako naniniwala.

 “Pwede na kayong umuwi. Tapos na ang meeting.” Sabi ng Corps Commander namin.

 Kung kalian naman umuulan, saka pa kami dinismiss! Buti na lang Girl Scout ako, laging handa! Kaya tadah! May payong ako!

 “Sai, sukob ka na.” Uulitin ko. Sinasadya kong magpakasweet kay Amasai habang naglalakad kami sa oval kasi I know na he’s there and I was hoping na makikita niya kami. Choir member kasi siya. Oy ha! Kwayr na ang pronunciation ko nyan.

So yun nga, yung room na pinagpapraktisan ng choir sa school namin ay katabi lang ng HQ namin.

 “Uuwi ka na?” tanong ni Amasai sa akin.

 “Pupunta pa akong Red Panda.” simpleng sagot ko.

 “Anong gagawin mo sa RP?”

“Makikipagmeet kami kay Ate Amelia.”

 “Sinong Amelia?”

 “Iyong mentor naming sa Science Investogatory Project.”

Bilang cream of the crop daw ang section namin, required kaming seryosohin ang mga researches na ginagawa naming para sa SIP. Hindi kami pwedeng gumawa ng mga simpleng projects gaya ng dishwashing liquid mula sa lemon o gumawa ng biodiesel gamit ang bacteriang Staphylococcus aureus at Eschirichia colli. Alam ko kasi iyon ang gagawin sana naming research dati pero parehong na-reject ang dalawang ito.

Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon