Simula

125 15 2
                                    

"Please. Don't be in love with someone else."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

FIRST day of class na. Ayoko talaga dito sa klase ko. Cream of the crop daw ito. Nagtake din ako ng dalawang exams—isang entance at isang DOST exam--- para lang makasali ako sa klaseng ito. Okay. Hindi naman entirely ayoko rito. Ayoko lang sa mga kaklase ko. They’re all rich spoiled brats! Matalino lang ako pero mahirap talaga kami.

 

Nagtitinda lang ng prutas ang mga nanay ko sa palengke. Ang papa ko naman ay nagsasaka sa bukid. Mabuti na lang at amin talaga ang lupang sinasaka namin. Siguro kung ibebenta ni papa ang labing-apat na ektaryang lupa namin, baka milyonaryo na kami. Pero ayaw niya. Sabagay, ang lupa never magde-depreciate yan. So hindi na lang namin pinipilit si Papa.

 

So ito na. Papasok na ako sa classroom. Kanina pa kasi ako dito sa labas. Nahihiya talaga akong pumasok sa loob. Hindi pa kami naka-uniform so iyong mga kaklase ko, lahat branded ang suot. Ako lang ang mukhang basahan dito.

 

Ayoko na sana talagang pumasok kaso iyong classmate kong nasa malapit sa bintana ng classroom namin, ang sama na ng tingin sa akin. Akala ata miyembro ako ng gang na sinasabi nilang uso raw sa school na ito.

 

Since huli akong pumasok, sa likod na talaga ako nakaupo. Lalaki ang katabi ko. Grabe! Tao ba ito? Bakit poker face? Mukhang bato! Natatakot man akong tumabi sa kanya, tumabi na rin ako.

 

Hindi nagtagal, lumapit na sa akin ang mga kaklase ko para makipagkilala. Mababait rin naman pala sila.

 

“Hoy Blaze! Pansinin mo naman si Ione! Magkatabi kayo pero parang hindi kayo magkakilala!”

 

Awkward akong napangiti. So Blaze pala ang pangalan nitong lalaking bato na katabi ko. Hindi bagay sa kanya ang pangalan niya. Ang cold kasi niya samantalang ang hot ng pangalan niya. Or cool ba dapat ang right term?

Ah, whatever!

 

“Tss.” Iyon lang ang sinagot nito sa kaklase nilang si Caia.

 

Aba! Kung maka-tss naman ang lalaking ito! Akala mo kung sinong gwapo!

 

Pero aaminin ko, gwapo talaga siya. Sobrang singkit ng mga mata niya! Tapos ang puti puti niya! Mas maputi pa ata ito sa akin eh. At ang mukha niya, ang kinis kinis! Parang magsa-slide siguro ang lamok kapag pumatong sa mukha niya. Matangos din ang ilong niya. Kapansin pansin ang mole sa ilalim ng mata niya, sa may gilid ng ilong niya. Sobrang neat niya.

 

Dumating na iyong teacher namin. Nagpakilala kaming lahat. Tapos may activity na lalapit ka sa classmate mo at iinterview mo siya. Mamimili ka lang ng questions na nandun sa blackboard.

 

“Hi! Ako nga pala si Ione Jael Keating. Uhm, pwede ka bang mainterview?” tanong ko sa babaeng nasa harap ko.

Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon