♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
“The only time goodbye is painful is when you know you will never say hello again.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Entry 3:
Dear Diary,
Aish, sabi ko madaming maganda.. Sabi niya wala naman eh. Ikaw lang. Wah! Anong nangyayari? Wah! Tama na Ione! Aasa ka sa pag-ooverthinking!
Ione
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Okay guys, ang next part ng ating research paper ay ang Duncan’s multiple range test. May schedule nang nakaready para sa appointments niyo kay Mr. Calvo, ang siyang magka-conduct ng DMRT sa mga research papers niyo. For today’s schedule, sabay na pupunta ang grupo nina Hayden.. nandito na ba si Blaze?”
Lihim akong napatawa. Nanigurado na talaga si Ate Lia kung hindi na late na naman si Blaze Gabriel Hayden, ang latest parati sa tuwing imi-meet namin siya.
“Yosh!” pa-cool na sagot ni Blaze sa kanya.
Nanigas na naman ako. Nasa likod ko siya.. Na naman.
May mali talaga eh.
Umaakto talaga siyang parang hindi kami nag-iwasan noong mga nakaraang buwan.
Siguro hindi maiintindihan ng iba kung bakit ang laki ng hang up ko sa iwasang naganap noong mga nakaraang buwan. Pero kasi.. Parang hindi tama na bumalik na lang kami sa dati naming samahan na parang walang nangyari. At wala man lang paliwanag?