Chapter 4

49 12 0
                                    

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 

I wanted to punch him and understand him at the same time.

-          Shannon A. Thompson, Take Me Tomorrow

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Entry 4:

Dear Diary,

Naligo sila sa dagat!

Ione

------------------------------------------------------------------------------------

MAYROON kami ngayong Youth for Environment in Schools’ Organization Activity. YES-O is a students’ organization with voluntary membership, that is held every year in every school here in the Philippines with the accordance to the corporation code of the Philippines (Batas Pambansa Blg. 68).

Bilang isang miyembro ng YES-O, responsibilidad naming alamin at isapuso ang batas at ang bilang nito. Papunta kami ngayon ng Calaguas, Camarines Norte, specifically at Tinaga Island in Vinzons, Camarines Norte.

Lilinisan namin ang napakagandang dagat na ito. The beauty of the beach makes me feel like it hides pretty little secrets. Magtatanim din kami ng mga mangrove. Sa paglipas ng panahon kasi, parami na ng parami ang nakakadiskubre sa karagatan ng islang ito.

Ang mga mahihilig sa dagat ay agad-agad napapamahal sa islang ito. Pagkatapos naming linisin ang karagatan at makapagtanim ng mga mangroves ay nagpahinga na kami. Ang ilan ay nasa mga cottages sa tabing-dagat. Ako naman, napili kong umupo sa buhangin at titigan ang magandang karagatan.

Casual lang ang outfit ko ngayon. Pants and shirt, tsinelas tapos naka-braid yung buhok ko. Required kaming mag-casual look lang ngayon.

Nilabas ko na rin ang Sudoku book puzzle sa bag ko at tinapos ang pagsagot sa mga puzzles na di ko pa nasasagutan. Hindi naman ako nag-iisa sa pag-upo sa buhanginan. Kasi katabi ko si Blaze. Nakakainis lang kasi nung tumabi siya sa akin, tumabi din sa kanya si Lois, schoolmate namin.

Classmates kaming tatlo from our freshmen years to our junior years. Nitong nagsenior na kami, nagkaroon ng reshuffling sa aming tatlong sections na ‘cream of the crop’ kuno. Masyado na daw kasi kaming pasaway.

Kaming tatlong sections kasi yung tipong all for one, one for all. Pag may mag-ayang magcut class, all one hundred fifty of us will do just that. So yun nga, nung seniors na kami, ni-reshuffle kami. At si Lois ay napunta sa ibang section.

Nang maalala kong hindi pa sinasauli sa akin ni Blaze ang aking autograph ay binalingan ko siya.

“Tapusin mo na ang pagsign sa autograph ko.”

Naiinis pa rin ako kasi kasami namin si Lois and I simply don’t like her! Hindi ko alam kung bakit ayoko sa kanya. And I can feel that the feeling is mutual.

“Mamaya na. Excited ka naman masyadong malaman ang mga bagay-bagay sa akin.” Nakangising tukso niya sa akin.

“Hala! Ang hangin! Nilamig ako bigla.” At pagkasabi ko dun, agad niyang hinubad ang suot niyang polo shirt at ipinatong sa balikat ko.

Naramdaman ko tuloy agad ang pag-iinit ng pisngi ko. I tried to cover the lower part of my face to hide the heat that I am feeling.

“Kinilig ka naman agad?” nanunukso pa ring tanong niya.

“Tse! Exhibitionist ka talaga!” hinampas ko nga pabalik sa braso niya iyong polo niya. Libre chansing na rin iyon. Hihi. Tsaka ayokong may ibang nakakakita ng katawan niya. Shiz! Nagiging possessive na ako.

“Attention everyone! Settle down yourselves because we are about to go home!” Ito ang sinabi ng professor namin ng magawa niyang lipunin kaming lahat. Tinago ko agad ang aking Sudoku sa aking backpack.

“Bakit nga pala ang laki niyang bag mo?” tanong sa akin ni Blaze.

“Ah, w-wala lang.” Ang totoo niyan, nagdala ako ng mga extrang damit. Panty, bra, t-shirt, at shorts. Nahihiya lang akong sabihin sa kanya kasi baka tuksuhin niya ako. Akala ko kasi allowed kaming maligo sa dagat. Pero since papauwi na kami at wala man lang sinabi ang professor namin na maligo na kami, so I guess hindi nga kami maliligo.

Hay, nag-expect pa naman ako. Nakakalungkot naman.

“All of you can have your last chance na magpaalam sa karagatan na ating inalagaan sa araw na ito. You may send your messages to the wind. C’mon, move! Pili na kayo kung saang lugar niyo gustong pumuwesto.”

Ito ang sunod na sinabi ng professor namin. Pumunta agad ako sa sa nakita kong maliit na bench kanina doon sa may gilid ng dagat. Mayroon doong nakahanay na mga kahoy kung saan may apakan ng paa at may upuan ka pa.

Kailangan mo nga lang mag-ingat sa pag-upo roon. Kailangang humawak ng maigi sa inuupuan mo kasi walang nakasuporta sa likod mo kapag umupo ka doon.

Kahit medyo risky, nagpunta pa rin ako doon. Inalis ko na lang yung tsinelas ko para mas makagrip ng maigi yung mga paa ko sa kahoy. Agad na akong umupo at nagpadala ng mensahe ko sa hangin.

Hi Mr. Ocean.. I wanna tell you a secret. Uh, I love him. Still. After all these time, I still do. I have never loved another. And I don’t think I can ever do. I love him with all that I am. And all I hope to be.

“Hey.”

Nanatili akong nakaupo ng marinig ko ang boses niya. Pero naramdaman kong umusog siya palapit sakin at hinila ang bewang ko palapit sa kanya. Parang naging natural na lang ang lahat na hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

Nanatili lang kami sa ganoong ayos hanggang sa narinig namin ang sunod na instruction ng aming professor.

“YES-O officers, please follow me. Everyone else, please now proceed to your respective vehicles.” And since hindi naman ako officer kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa parking lot ng mga sasakyan.

Nang makaupo na ako sa loob ng Grandia ay tumabi sa akin si Noah.

“Patabi ha?” nakangiting tanong niya sa akin.

“Hindi ba susundin kung anong pagkakaupo kanina papunta rito?” tanong ko rin sa kanya.

“Hindi na. Kasi nga diba, mauuna na sa pag-uwi ang mga members. Ang mga officers, maiiwan pa kasama iyong professor natin.”

“Ganun ba? Akala ko kasi magmi-meeting lang sila dun at hintayin lang sila dito sa sasakyan. Mauuna pala talaga tayong umuwi?”

“Oo. Kaya wag ka ng umasa na magkakatabi pa rin kayo sa pag-uwi ni Blaze ngayong uwian. Maiiwan talaga ang mga officers.”

Namula naman ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Talagang kilalang-kilala ako ni Noah. YES-O President kasi si Blaze. At kanina nga, nung papunta kami dito sa Tinaga Island ay magkatabi kami.

Mabilis lang ang biyahe namin pabalik. Sabay na kaming nagpunta ni Noah ng RP. May part pa kasi ng study namin ang kailangan naming tapusin.

Gabi na nang magkagulo ang mga kaklase kong nasa RP rin sa pagdating ng mga YES-O officers na naiwan kanina. At kaya pala pinagkakaguluhan sila ay dahil naligo sila sa dagat!

Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon