Chapter 5

44 12 0
                                    

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Isn’t it sad you get hurt so much, you can finally say “I’m used to it.”

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Entry 5:

Dear Diary,

Nag-ghost hunting kami kanina. Kakanta pa sana si Circe ng Jerusalem para mas maka-attract ng multo. Totoo kaya ang paniniwalang iyan?

Ione

 ------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

“Naligo talaga kayo?” nagkakamot sa noong tanong ko kay Blaze.

“Oo, inggit ka ano? Halatang-halata sa mga mata mo eh.” Nakangising sagot niya sa akin.

Naiiyak ako sa inis!

“Bakit hindi mo sinabing maliligo pala kayo? Nagdala ako ng damit!”

“Hindi ko din alam na maliligo pala. Wala nga akong dalang damit eh. Pero okay lang, at least kahit wala akong damit, nakaligo ako. Eh, ikaw? May dala ngang damit, hindi naman nakaligo.” Pang-iinis pa niya sa akin.

Kaya pala parang wala namang nagbago sa suot niya kanina at ngayon.

“Nakakatawa yang si Blaze! Walang damit pero naligo pa rin!” tawa ng tawang kwento sa amin ni Kace. Siya ang makulit na Vice-President ng YES-O. Magaling siya sa English subject. At ang hot ng nanay niya!

“Anong ginawa niya?” nakangiting tanong naman ni Noah.

“Ayun, basa ang brief niyan ngayon!”

“Yuck ka Blaze! Kadiri ka talaga!” lumayo ako sa kanya.

“Alis na tayo.” Si Circe.

“Saan tayo?” tanong naman sa kanya ni Maddox, ang secretary ng YES-O. Napatingala ako sa kanya nung nagtanong siya. Ang tangkad kasi niya!

“Punta tayong school.”

“Anong meron dun?” si Jett, ang tahimik na treasurer ng YES-O. Gusto ko siya kasi ang galing-galing niyang magdrawing! At iyong mga nido-draw niya, binibigay niya sa akin. Confident din siya sa sarili niya. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang naging inferior sa iba.

Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon