Chapter 2

67 14 0
                                    

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

“I keep on wondering if you’ll ever come back.”

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 

Entry 2:

Dear Diary,

Hmm, gusto kong umasa na nagselos siya pero ayokong umasa ng sobra kasi sobrang nasasaktan pa ang puso ko.

Ione ♥

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na naman kami sa RP. Part 2 na ng research paper namin ang tinatapos naming lahat ngayon.

Medyo papetiks petiks na kaming lahat since edit na lang naman ang ginagawa namin sa mga soft copies ng Methodology of the Study. Para kasi mapatunayan ang mga research studies namin, nagpapa-conduct talaga kami sa mga schools na updated ang research department.

Kaya naman sa Methodology proper ay editing na lamang kami mula sa mga soft copies ng results na pinapadala nila sa amin.

Nakita kong nagkumpul-kumpol ang aming boys department sa isang bahagi ng RP. Tapos na ata sa paglalaro ng DOTA ang mga boys.

Ito kasi ang hobby nila bago gumawa ng paper. Pampa-active umano ng mga brain cells nila. Catalyst, sabi pa nila. Hmmf! If I know..

Since wala pang nagsi-seryoso sa paggawa ng paper, nire-replyan ko na lang din muna ang mga texts sa akin ni Amasai. Fina-flood na kasi ako ng isang ito.

Amasai: Psst!

Amasai: Magreply ka naman!

Amasai: Kapag di ka nagreply, pupuntahan kita jan sa RP!

Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon