12:03, nandito na ako sa Jollibee, nakapwesto sa may bintana at naghihintay na dumating si Sir.
Habang naghihintay ay sina-simulate ko sa isip ko ang mga posibleng magiging flow ng pag uusap namin, yung mga parts na medyo unconvincing dapat maisipan ko na agad ng counteroffer. I'm not here for the salary, ayos naman yung sweldo ko sa company ko. I'm willing to work kahit nga libre pa. That's my ultimate weapon as long as papayag sya na every Saturday lang at sa grade 12 STEM ako magtuturo. Sana lang indi nya busisain masyado on why I'm willing to go that far. Well, there are few stories I could think of if ever man na itanong nya.
He's late.
Umorder na kaya ako ng pagkain? 1 hour lang ang lunch break sa company namin eh. Hindi naman siguro choosy si Sir, sya na nga ililibre ko eh ---
At last, nakita ko na sa labas ang nostalgic na mukha ng principal ko noon. There are some quite good memories that flashed back on the back on my mind. Gusto ko sanang makipagkwentuhan kay Sir but after checking my watch, it's already 12:22. Di dapat ako magpadala sa pace ni Sir, iwasan ko na ang kamustahan at diretsuhin ko na sya.
Nung nakita ko na syang nakapasok sa establishment, I immediately called his attention. Napansin nya naman agad ako at agad na lumapit sakin.
"Sir, long time no see po"
"Kamusta? Sensya na trapik eh"
"Okay lang po, kumain na po ba kayo? Ano pong gusto nyo? It's my treat"
"Iba na talaga, Yung dating estudyante lang, ngayon nanlilibre na ng principal. Okay lang sakin ang kahit ano. I'm more interested on why you'd want to meet."
Buti na lang maikli ang queue, mabilis akong nakaorder at medyo gutom na din ako eh. We then started eating. While eating, I subtly started talking about my idea.
"Hindi na po ako nakakabisita sa school. Nakakamiss din yung school." At patawa kong sinabi na "Balak ko nga po sana magturo sa MCHS eh."
"Ohh! Ayos yan" mabilis na sagot ni Sir.
"Pero yung balak ko, Sir, eh parang part time lang po - every Saturday."
"Walang problema. Actually, in need din talaga kami sa mga teachers ngayon. And minsan lang dumating yung pagkakataon that someone of your caliber would be willing to teach. Swerte ng mga tuturuan mo."
"Yun nga po. Anong section po ba ang tuturuan ko if ever?"
"Basta related sa Math. Wala pa akong idea eh. Siguro sa Senior High ka magtuturo"
"Oo nga no. May Senior high na nga pala. Kelangan ko pa po bang mag-demo?"
"No need. Kung pwede nga magstart ka na this Saturday eh"
As if tinutulungan talaga ako ng Diyos na matanggap sa pagtuturo. Di ko na pala kailangan mag isip ng mga arguments, who would have thought that our conversation would flow smoothly according to my plan. Hindi nga lang namin napag usapan ang time schedule at salary, but who cares. Madali naman itext yun. Ang mahalaga eh nai-imagine ko na ang mukha ni Alisha aka "Psychic girl" na gulat na gulat dahil ang magiging teacher nya is none other than me. You can never one up me, lady. hahahaha
Yun lang, malamang male-late na ako makabalik sa company, tagal kumain ni Sir eh. hays.
Di ko maexplain pero sa ngayon, lahat ng ginagawa ko doesn't make sense. Di ko alam kung bakit ako pumasok sa pagtuturo, di ko alam kung bakit hanggang ngayon eh patuloy ang pagtext ko sa kanya gabi gabi, di ko alam kung ano ang driving force sa mga ginagawa ko ngayon. Pero, I must admit, excited na ako sa Saturday. But then again, di ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Seriously?!
RomanceArthur Mendez is so stupid that he doesn't know what romance is. So he tried to write a wattpad story to share with you his journey in experiencing romance first hand. (SERIOUSLY?! may lalake pa bang ganyan?!) #KidlatAwards2018