Chapter 5: My Ideal

36 5 7
                                    

September 1, Friday, Nandito na ako sa Company pero hindi parin ako maka get over sa nalaman ko tungkol kay Alisha. Hindi ko na din magawang itext sya these past few days. And iniisip ko pa kung paano ko sya haharapin bukas, dahil Sabado na naman bukas. Magtuturo ulit ako sa MCHS. Nagsisisi tuloy ako na ginawa ko pa yung planong iyon.

Sana hindi na lang ulit siya pumasok para maging madali na lang ang lahat.

Hindi naman sa nandidiri ako o ano, ha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sana lang naiintindihan nyo ako. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi naman nakakabawas ng pagka babae kung virgin pa sya o hindi eh. I think it's more on the question of morality. Yun na nga yon!

Tsaka ano bang pakialam ko sa kanya? Hindi ko naman sya kaano ano. Wala naman akong gusto sa kanya. Ang bata pa nya talaga kasi. 

Pero hindi na sya vir---

Hays. Sino bang kinukumbinsi ko? Mabuti pa na magfocus na lang ako sa trabaho. Dapat ibigay ko ang atensyon ko sa mga taong nasa harap ko. Tulad netong kapeng nasa table ko ngayon. Dapat magpasalamat ako sa taong nanlibre sakin ngayon ng kape. Actually, hindi lang ngayon, parang araw araw ata nya akong nililibre ng kape ah. And hindi pa ata ako nakapagpasalamat ni minsan.

Let me introduce you to her. Yes, "her" kasi babae siya.

Ang pangalan ng babaeng nanlilibre sakin ng kape ay Jaimee Alcaraz. Kasama ko sya sa Engineering department. Naturally wavy ang buhok na red ombre, maputi, sexy, ang ganda ng ngipin nya, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata. Sa totoo lang, dyosa ang turing sa kanya dito, bihira ka lang kasi makakakita ng sobrang gandang babae na engineer, halos lahat ng ganyan eh stewardess o kaya artista or model. Mga 10 times na mas maganda si Jaimee kesa kay Shiena. (that is, kung naaalala nyo pa si Sheena. hahaha)

Tapus ang bait pa nya, kita naman sa panlilibre nya sakin ng kape. She's the very description of an ideal girl. At ang maganda pa dito eh magkatabi lang kami ng cubicle. Of course maraming naiinggit sakin, mapalad daw akong nilalang dahil nakakalapit ako sa dyosa. hehehe

Well, noong unang beses kong pumasok dito sa Qwerty Unlimited, wala akong interest sa mga romance romance na yan. So siguro sayang lang sakin ang opportunity na ibinigay ng kapalaran. Hindi ko nga alam baka may boyfriend na sya ngayon eh.

Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat para makipagkilala. (Ang tagal na naming workmates eh hindi ko pa talaga sya kilala) Sabi ko nga dapat akong magfocus sa mga taong nasa harap ko. Well, technically speaking, nasa kaliwa ko sya. 

Okay, kahit hindi ako magaling mag initiate ng small talk, let me try. Inobserbahan ko muna sya, baka makaabala lang ako eh, pero mukha namang wala syang ginagawa, nakatingin lang sya sa smartphone nya eh. Let's do this!

"Ano...salamat sa kape ha"

Nakatingin lang sya sakin na parang nagulat at nagsalita "First time mo mag thank you sakin ah"

Tinatandaan nya ata yung mga beses na nilibre nya ako ng kape versus sa mga times na nagpasalamat ako. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil parang napahiya ako. Buti na lang sya ulit ang nagsalita.

"Birthday month mo na ah, 21 days na lang. Ako naman ilibre mo ng kape sa birthday mo ha. May plano ka na sa birthday mo? May date kayo ng gf mo?"

Parang naghihintay lang sya na mag-initiate ako, dahil sunod sunod ang mga tanong nya. Baka interesado sakin 'to ah. Pero saglit kong naalala si Alisha dahil kung malapit na ang birthday ko, mas malapit ang sa kanya.

"Wala akong plano, tsaka wala din akong girlfriend. Counted na bang plano yung ililibre kita ng kape sa birthday ko?"

Bigla syang tumawa ng malakas pero maganda at elegante parin ang tawa nya. "Pwede naman siguro, I'll look forward to it, ha. Pero hindi kape sa vendo ang ililibre mo sakin, dapat Starbucks."

"Teka, parang unfair naman ata, 3-in-1 lang tong nililibre mo sakin ah. bakit sayo ---"

"Aba? Maraming beses naman kita nilibre, so fair na din kung iaadd natin yun." Patawang sinabi nya.

"Aba? parang ang saya mo ngayon ah"

"Talaga ba? Hahahaha. Oo nga no. May narinig lang kasi akong nakakatuwa."

"Ano?"

"Hahahaha. Wag mo ibahin ang topic. September 22, ililibre mo ako sa Starbucks after work, deal?"

"Baka kasi ---"

"Wala ng baka baka" Mabilis na sagot nya. "Wala din naman akong boyfriend kaya qwits lang" she smiles as if she's implying something.

I'm not the type who assumes on the uptake. I've been like this since forever. If you want me, then tell me - ganyan ang mentality ko. Parang ang kapal ng mukha ko dahil dyosa pa mismo yung parang gumagawa ng move sakin. Well, it's not my intention, but who knows. Magrereklamo pa ba ako kung ang tulad na ni Jaimee yung magiging lifetime partner ko? Para akong nagtampo sa bigas nyan.

Well, it's not bad for our first conversation. Nakakatanggal ng stress. Unique trait nga siguro ng mga magaganda yung makatanggal ng stress. Parang nawala ang mga alalahanin ko sa buhay, not that marami akong problema o ano. It's just very elating to chat with her.

But then again, it's too early to call it "love".

And now, Sabado na, this sounds stupid because I don't know how to face a girl, a girl who's younger than me. I'm being childish over something that must not affect me in any way. I'm matured, and a professional. Ako nagsimula nito, kaya dapat panindigan ko ang pagtuturo.

Bahala na nga...

Pagpasok ko sa classroom, hindi ko maipaliwag kung paano pero sa dami ng tao sa loob eh mukha agad ni Alisha yung nakita ko. Siguro kasi nasa bandang kanto sya nakapwesto at dun madalas napapaling ang line of sight ko.

Nakita ko syang nakatingin sakin, our eyes met. Lalo tuloy akong nawala sa concentration. Paano ako magtuturo nyan? Hays, dapat ayusin ko 'to eh. Dapat ko syang kausapin. Di ba ganun naman ang mga teachers, para silang second parent ng mga estudyante nila. Kung may problema ang isang estudyante, dapat tulungan ng teacher. Oo, dapat kong kausapin ng masinsinan si Alisha. Pagsabihan kung kinakailangan.

"Alisha, pwede ba tayong mag-usap?"

The whole class stares at me.

Damn.

Sa itsura ng buong klase I realized na parang mali ang ginawa ko ah. I called out her name in front of the whole class. And out of nowhere pa! Talagang magtataka ang buong klase nun.

Ano bang ginagawa ko? Wrong move yun, Arthur...

"Sige po, Sir. Pupunta na lang po ako sa office pagkatapos ng klase." sagot ni Alisha. 

One thing I could say to her, that she's really perceptive. She knows how to handle things with care. Just when I don't know what to do, she will come up with an answer that can kill any doubts. Napaka-sensitive nya sa pag iisip ng iba.

After class, ay nag usap na kami ni Alisha. Agad syang nagsalita at sinabing "Niligtas kita dun, Sir Arthur" na may halong sarcasm.

"Oo na, wala lang ako sa sarili ko kaya natawag kita. Sorry."

"Oo nga eh, kaya may utang ka sakin. Dapat mo akong regaluhan sa birthday ko."

"Kelangan pa ba nun? malaki ka na. Tsaka kelangan muna natin mag usap tungkol sayo."

"Sa birthday ko na sasabihin lahat. Wag na po ngayon, please?"

Mukhang wala naman akong magagawa kaya sumang ayon na lang ako sa gusto nya.

"Wag mo kalimutan yung gift ha. First time kong makakatanggap ng gift if ever."









Seriously?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon