Isang bagay ang hindi ko maintindihan sa mga love stories, romantic movies or kahit mga anime - paanong yung mga characters eh nagkakaroon ng time sa mga dates, sweet moments considering may work or studies sila?! As if wala silang trabahong inaalagaan, walang assignments or projects at exams na sunod sunod.
Malaki talaga ang difference ng fiction sa real life. Kahit gaano ka kagaling, mahihirapan ka parin maghanap ng oras para ipasok ang love na yan. Consider me as an example, may work ako from Monday to Friday sa Qwerty Unlimited, Sabado naman eh nagtuturo ako sa MCHS, Linggo naman eh nasa church ako. Parang Linggo na nga lang ang pahinga ko eh.
Kahit gustuhin mo makipagdate, masyado ka ng pagod sa work. Kung gusto mo naman makipag usap or kahit text lang, magsusuffer naman ang sleeping habits mo. What's more eh lalabo pa mata mo sa kaka cellphone. Hays. At higit sa lahat, kulang na kulang ang sweldo mo para makipagdate----
"Uy! Anong iniisip mo dyan?" sabi ni Mi. That's when my train of thought was interrupted by the woman beside me.
"Art, ang aga aga tunganga mode ka na agad ah, isusumbong kita kay Sir eh." pabirong sabi ni Mi (sana nga nagbibiro lang sya). By the way, kung nalilito kayo kung sino si Mi at kung sino si Art - ako din nalilito kung bakit. Di ko maipaliwanag ng maayos pero Art ang tawag sakin ni Jaimee, at Mi naman ang naging tawag ko sa kanya.
"Ano ba kasing iniisip mo? Excited ka na, kasi bukas na ang birthday mo?" dagdag nya.
"Iniisip ko lang kung kelan at paano mo akong tinawag na Art"
"Sorry, feeling close ba? Ayaw mo ba?" malungkot na tanong ni Mi.
Tumawa ako para mapanatag ang loob nya, "Kasi sa tagal na nating magkatrabaho, parang ngayon lang tayo naging close. Parang kelan lang, nag-uusap tayo kung anong plano sa birthday ko, tapus bigla bigla, bukas birthday ko na pala. Ang bilis ng araw."
"Ikaw kasi eh! Ang bagal mo, kung noon pa lang eh kinausap mo na ako edi sana best friends na tayo ngayon. Kung hindi ko pa ibibigay number ko, hinding hindi mo kukunin eh, no?"
"Hindi mo kaya kusang ibinigay, hiningi ko kaya." sabi ko ng may kumpiyansa.
"Wag ka nga, tandang tanda ko pa, parang last - last week lang yun eh - Monday, nag-iwan ako ng sticky note sa monitor mo, number ko yon. Di ka na nahiya, ikaw tong lalake eh" pagalit na sinabi nya.
Tumawa ulit ako "Oo nga no, sorry naman. Pero parang sobrang close natin, no? Kelan lang halos di tayo nag uusap, tapus ngayon, parang magboyfriend-girlfriend na tayo."
Bigla syang natahimik. Narealize ko tuloy na napaka insensitive ng sinabi ko. Hays. Minsan talaga hindi ako nag iisip. Naging awkward tuloy bigla ang atmosphere. Di ko naman sinasabi na maging kami na talaga, dahil kahit ako nalilito. Normal lang ba na maging ganito kaclose sa isang babae? Araw araw ko syang nakikita sa work, pagkauwi ko, kachat ko sya. Panatag ako sa kanya, feeling ko sya ang girl version ko, kaya tuloy nakakapagcomment ako ng mga bagay na hindi ko pinag iisipan dahil panatag ako sa kanya. Siguro nga ganun lang talaga kapag magkaibigan - no more, no less.
"Basta magde-date tayo sa birthday mo ha" she said out of nowhere. Medyo assuming, pero baka excited talaga sya sa birthday ko.
"Opo" mahabang bigkas ko.
Tumahimik sya saglit at sinabing "Meron bang magkaibigan na nagde-date?"
Di ko alam kung bakit nya tinanong yon. What is she implying? Na ang nagde-date lang eh mga in a relationship? Lalo akong naguluhan dahil para akong natunaw nung sinabi nya yon. Napakaganda nya talaga. Kulang ang vocabulary ko to compliment her right now. Parang pinipigilan ko lang ang sarili ko na magkagusto sa kanya. At hindi ko alam kung bakit. She's just way too perfect, hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanungin kung deserve ko ba ang babaeng ito if ever.
BINABASA MO ANG
Seriously?!
RomanceArthur Mendez is so stupid that he doesn't know what romance is. So he tried to write a wattpad story to share with you his journey in experiencing romance first hand. (SERIOUSLY?! may lalake pa bang ganyan?!) #KidlatAwards2018