5:27 PM sa relo ko, pero sobang dilim na sa labas, right after work, I find my self eating Nova(junkfood 'yan kung di nyo alam) dito sa Seven Eleven na lagi kong tinatambayan dahil nakakatamad sa apartment ko. Simply put, nag aaksaya ako ng oras dito. Malapit sa simbahan at mga eskwelahan. So it's always entertaining for me to see different kinds of people as I observe them. I like the idea na para lang akong spectator sa napakagulong mundong ito. Para akong non-existent entity that can't affect anything nor anyone.
Oops!!
Ako nga pala ang main character dito, kayo nga pala ang spectators. hahaha. But seriously, nakakatuwang marinig yung mga kwentuhan ng mga taong nagpupunta dito, kung ano yung mga binibili nila at gaano sila katagal dito. I've overheard too many stories, far too many! More than what I could remember, actually. And I'm gracious enough to share to you one of the stories na hindi ko makalimutan. Please bear with me.
The story goes like this, 'yun nga one time na tumambay ako sa Seven Eleven, merong lalaking nakaporma na pumasok, long sleeves na red ata ung suot nya nun, I don't really remember. Meron syang dalang malaking teddy bear na halos nasa 5 feet ang taas. Obvious na meron syang popormahan. The interesting part eh kung sino yung popormahan nya? 'Yun ung tumatakbo sa isip ko nun. Well, malamang halos lahat ng tao sa Seven Eleven kaparehas ko ng iniisip. Ang swerte siguro ng nililigawan nya. And the interesting part sa kwento eh yung cashier pala yung nililigawan nya! Sheena ang pangalan ng cashier dito, salamat sa nametag at nalaman ko ang pangalan nya. Well, to be honest, may itsura naman si Sheena. At ngayon nga tinitignan ko sya eh. Bakit kaya hindi sinagot ni Sheena yung lalakeng nagbigay ng mamahaling teddy bear? Laughtrip talaga kaming lahat nung sinabi ni Sheena na wala daw pag-asa yung lalake eh.
And then this came cross to my mind...Eh kung si Sheena na lang kaya ung ligawan ko? Ano sa tingin nyo? Disente naman tignan si Sheena, maamo ang mukha, sexy. Hindi naman siguro mahalaga kahit cashier lang sya, at least marangal ang trabaho. And engineer naman ako, tingin ko naman magiging maayos ang buhay namin kung sya nung mapapangasawa ko. Maba-busted din kaya ako?
"Kuya pwede ko po bang makuha yung number nyo?"
While I'm lost at thoughts, nagulat na lang ako. Meron nang babaeng nakatayo sa harapan ko! At hinihingi pa ang number ko!
Binaling ko yung atensyon ko sa kanya,mabaha ang buhok na halos tumatakip na sa tenga, nakasalamin sya, may braces din, mukhang nerd. Hindi ko masyadong ma-assess yung height nya kasi nakaupo ako, pero sa tingin ko nasa 4'8" ung height nya. At ang pinakatumawag ng atensyon ko ay yung suot nya. Naka uniform sya tulad ng uniform kung saan ako nakagraduate ng highschool, sa Marcelo Contreras High School.
Sumulyap ako sa paligid, sa bandang kanan ko, mga 5 meters ang layo sa amin, may nakita akong tatlong babae na kaparehas nya ng uniform. Halatang nagpipigil ng tawa. Malamang napagtripan lang nila itong babaeng nasa harapan ko, or at most, binubully nila itong babaeng 'to. Hays, uso parin ba ang bullying sa panahon ngayon?
"Taga MCHS ka, no?"
"Opo."
Para hindi sya mapahiya at baka lalo lang syang ibully ng mga kasama nya eh kinuha ko na ung inaabot nyang phone para itype ko ung number ko. Nagpatuloy ako sa small talk namin habang nagttype ako ng pekeng cellphone number. (madali lang naman mag imbento ng number, as you could guess, yung tinype kong number eh yung number na binigay ko sa inyo. hehe)
"Nagtuturo parin ba si Mrs. Caisip?"
"English teacher po namin sya ngayon."
"Ah, okay pala eh. Uhmmm. Gusto mo ng ice cream?"
Medyo nakakapagtaka din ang babaeng 'to. Hindi man lang sya nagulat nung banggitin ko yung pangalan ni Ma'am Caisip. Ano yun? Na-deduce na nya agad na sa MCHS din ako nag-aral? Eh pwede din namang kakilala ko lang yung teacher nila. But to safely conclude, wala lang siguro talagang pakialam itong babaeng 'to sa akin o sa ginagawa ng mga classmates(I just assumed na classmates nya yun) nya sa kanya.
Tumayo ako, kumuha ng apat na cornetto sa freezer, wala akong pake sa flavor, nagpunta kay Sheena at binarayan ko ung ice creams. Pagkatapos ilagay sa plastic ay ngumiti si Sheena, syempre ngumiti din ako at nagpasalamat. Lumakad ako pabalik sa babae at iniabot ko yung cellphone nya tsaka yung binili kong ice creams.
"Bigyan mo din yung mga classmates mo ha. Sasakit ang tiyan mo kapag ikaw lahat ang kumain nyan"
Natulala yung babae. Kahit thank you lang eh wala akong narinig sa kanya. Siguro nabaitan sya sa'kin kaya speechless sya, o kaya nagtataka sya kung paano ko nalaman na kasama nya yung mga classmates nya. Either way, at least sigurado ako na nagulo ko ang isip nya.
Napansin kaya ako ni Sheena? 'Yun yung tumatakbo sa isip ko habang naglalakad ako palabas ng Seven Eleven. Siguro, this is the first time na nakipag interact ako sa ibang tao sa Seven Eleven bukod syempre kapag magbabayad ako sa cashier.
Nakahiga ako sa kama habang paulit ulit na ini-scroll ang cellphone. Talagang wala akong magawa dito sa apartment ko. Di pa naman ako inaantok, hindi rin ako mahilig manuod ng TV dahil wala namang kwenta ang mga palabas. Hays, 8:27 na pala. Pilitin ko na lang kaya na matulog?
Teka, parang gusto ko ng ice cream.
Biglang pumasok sa isip ko ung babae kanina sa Seven Eleven. How about I try talking to her, baka depressed na yun kasi binubully sya sa school.
Of course, 0% chance na itext o tawagan nya ako dahil fake yung number na binigay ko at feeling ko hindi nya rin naman ise-save yun dahil nga pinagtripan lang sya.
But not for me! Alam ko ang number nya. Paalala ko sa inyo, never hand your phones to a stranger. Nalaman ko tuloy ang number nya dahil pinahawak nya sakin yung phone nya. Eto ang trick, press Settings, then Sim Cards and Mobile Networks, masusulyapan mo na agad yung phone number nya dun, at ang kailangan mo na lang ay matalas na memorya, buti na lang meron ako nun. Buti na lang ginawa ko yun, meron na akong magagawa para maalis ang boredom na sumapi sakin. hahahaha
_______________
7-22 8:33 PM
How are you?
____________________________________________________
Ok lang po. Salamat po sa ice cream_____________________________________
Isa lang ang masasabi ko.....
...She truly is perceptive.
BINABASA MO ANG
Seriously?!
RomanceArthur Mendez is so stupid that he doesn't know what romance is. So he tried to write a wattpad story to share with you his journey in experiencing romance first hand. (SERIOUSLY?! may lalake pa bang ganyan?!) #KidlatAwards2018