Things are going smoothly sa aming dalawa ni Alisha. She's not a high maintenance kind of girl. Gustong gusto sya ng parents ko...o mas tamang sabihin na kahit sino pang babaeng ipakilala ko sa parents ko, sure akong matutuwa sila. Nakakatuwa lang isipin na mag iisang buwan na kami ni Alisha. Wala masyadong dates, walang drama, purong kwentuhan at usapan lang.
I don't hate this kind of relationship. Hindi naman karera ang boyfriend/girlfriend relationship. Marami akong natutunan ngayon. Marami akong bagay na naunawaan kay Alisha. At para bigyan kayo ng example, alam nyo bang gumagawa pala sya ng mga tula? Syempre hindi nyo alam yun, ako nga ngayon ngayon ko lang nalaman na sumusulat pala sya ng tula eh, edi lalo naman kayo. hahahaha
Pero ang nakakalungkot dito eh yung mga theme ng tula nya, damang dama ko ang hirap na dinadanas nya. At sa tula na lang nya ibinabaling ang sakit na nararamdaman nya. Isa sa mga linya na naaalala ko eh:
Can't you see that I'm drowning?!
Can you at least pretend that you're mourning?
Oh! This world is so suffocating!
Please allow me to give up on living
But if there 's still a glimpse of hope,
I'll cling unto you no matter how long!
I just hope that it's not too late,
Looking at me inside this crate.
Hindi ko na naaalala yung ibang mga linya pero pinipigil ko lang ang luha ko nung pinabasa nya sakin yung ilan sa mga tula nya. I guess, I've been close enough to her for her to share her poems to me.
Pakiramdam ko she's so fragile, yet she's trying to be strong. Good thing wala naman nagiging problema samin, I'm matured, she's understanding at ang maganda pa dito eh walang mga students or parents na nagrereklamo sa relationship namin ni Alisha. I can continue on teaching at MCHS. Every Saturday is a new feeling, unti unti kong nakikita ang pagbabago ni Alisha. She's not mingling with her previous bully friends. She's slowly adapting with her surroundings. I can feel that she really is trying to hold on to that hope that she has newly found.
Pero malamang itatanong nyo sakin kung kamusta naman kami ni Jaimee. First of all, hindi ako yung tinatawag nilang f*ckboy ha (noong panahon ko, two-timer lang ang tawag sa ganun, ngayon bulgar na masyado ang tawag). Unti unti kong iniiwasan si Jaimee, and wala naman kaming relationship to begin with. Jaimee's really sensitive to this kind of things. Alam nya kapag iniiwasan sya, pero obvious din na nalilito sya kung bakit ako umiiwas sa kanya.
Hindi ko magawang sabihin sa kanya na may girlfriend na ako, dahil...dahil...Hindi ko alam kung bakit, pero basta, natatakot siguro ako na sabihin sa kanya na may girlfriend na ako. Kahit ngayon na katabi ko sya, hindi ko magawang mag-start ng conversation sa kanya.
Nakatingin sakin si Jaimee ngayon, alam ko na nakatingin sakin si Jaimee ngayon! Ayoko lang tumingin sa kanya dahil magtatama ang mga mata namin, pero ramdam na ramdam ko na nakatingin siya ngayon!
"Arthur, lunch out ka?" sabi ni Jaimee.
Si Jaimee na mismo ang nagsalita, mula sa 'Art', bumalik sa 'Arthur' ang tawag nya sakin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Bakit?" simpleng sagot ko.
"May bibilhin ako sa mall, baka lang pwede mo ako samahan, sa labas na din tayo kumain kung sakali." mahinang salita nya.
Naging napakabait sakin ni Jaimee, isa sya sa mga taong naging totoo sakin, naiinis ako kung bakit ko sya dapat iwasan, she holds a special place in my heart. Dapat nga nagpapasalamat ako sa kanya dahil hinayaan nyang maging close kami at a certain level eh. Respeto na lang din na samahan ko sya ngayon.
BINABASA MO ANG
Seriously?!
RomanceArthur Mendez is so stupid that he doesn't know what romance is. So he tried to write a wattpad story to share with you his journey in experiencing romance first hand. (SERIOUSLY?! may lalake pa bang ganyan?!) #KidlatAwards2018