Chapter 13: Seriously?!

54 5 5
                                    

I feel exhausted. Based on Beta's deductions, na kela Mama lang si Alisha. I feel like I've wasted my precious time visiting her stepmother. And I knew well how important to talk to Alisha right now.

Kaya nung makahanap ako ng opportunity to leave, nagmadali akong nagpaalam at nagpasalamat sa lunch. And drove back home.

And noong malapit na ako sa bahay nila Mama, I texted mom and told her not to hide Alisha from me.

And just when I was able to see my parent's house, nakita ko si Alisha na palabas ng gate.

AT LAST! NAKITA KO NA SYA!

Napansin ni Alisha ang kotse ko. She didn't even tried to escape. Lumapit sya sa kotse ko at binuksan ko naman ang pinto. Sumakay sya, and the atmosphere started to be awkward.

"Loko talaga si Mama, kaka-text ko lang na wag ka itago sakin akin eh. Malamang sinabi nya na magtago ko muna sa ibang lugar, no?"

Hindi nagsasalita si Alisha.

"Saan mo balak pumunta? Siguro magpapalipas ka ng oras sa mall, no?"

Tahimik parin sya.

"Alam mo bang galing ako sa inyo? Nagpunta na din ako sa school sa kakahanap sayo, talaga yang si Mama, pinagod pa ako, ang mahal kaya ng gas ngayon."

Ayaw nya magsalita. Nakayuko lang sya.

Then I gave up on talking too. Binuksan ko na lang ang radyo then drove the car to wherever.

Malapit na mag 7 PM. Malamang gutom na si Alisha, ako din nagugutom na. Kaya nag drive-thru na lang ako sa Mcdo and then after some time nagpark ako kung saan.

Walang exchange of dialogues na naganap. Parehas kaming tahimik na kumakain. I can't seem to find an opening to talk about what happened to us.

At sa gulat ko, biglang nagsalita si Alisha.

"Sorry." mahinhin nyang salita.

"Ano ka ba? Ako dapat ang magsabi nyan?!

"I was stupid, ako dapat ang number one na umiintindi sayo, ako ang boyfriend mo, tapus ako pa tong may gana na saktan ka. I admit, I felt frustration because of the fact that you're not virgin, but that's only due to my childishness! You still deserved to be loved.

"Please let me apologize properly. I'm willing to make it work, Alisha. I can love you. Please, let me love you again. It's your soul I want to love, not your body. Although ngayon ngayon ko lang narealize ang katotohanan na yon! Sorry na please?"

"Hindi na kita boyfriend. Nakipagbreak ka na sakin." sagot ni Alisha

"Then let me court you, again!" sabi ko.

"Nakalimutan mo na? You never courted me in the first place!" sigaw ni Alisha.

Natahimik ako.

Alisha started to burst in tears and yelled "Ako lang ang nagpumilit sa relationship na to! I thought that everything will be alright. Inisip ko na okay lang na mainlove sayo! I'm tired of my past! I even used you to cover up my dusgusting past! Naiinis ako sa sarili ko! I don't deserve to be happy. I'm crooked! I even used your kindness to sympathize with my status!-----"

I can't take anything anymore. Kaya bigla kong niyakap si Alisha para tumigil na sya sa mga sinasabi nya. And I whispered in her ear "Sorry"

She then started to cry even louder. Parang bata na umiiyak. She's letting it all out. Hindi ako bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Sigaw sya ng sigaw ng sorry habang umiiyak. Hindi ko na rin tuloy mapigilan at umiyak na din ako.

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya, kaso nasagi ko ang coke kaya tumapon ito sa sahig ng kotse.

Napatigil kaming dalawa. Tumingin sa natapon na coke. Tumingin sa isa't isa at sabay na tumawa.

"Walangya! Coke lang pala magpapatigil sa pag iyak natin" sabi ko habang punupunasan ang luha ko.

"Oo nga. Nahimasmasan tuloy ako, Salamat sa Coke" sabi ni Alisha.

"So ano? Is everything okay between us?" tanong ko.

Tumango lang si Alisha.

"Normal lang naman na mag-away ang magbf/gf, di ba? Yung mga mag asawa nga nag aaway din, tayo pa kaya?" sabi ko.

"Hindi na tayo magbf/gf" sabi ni Alisha.

Naguluhan ako at sinabing "Akala ko okay na tayo?"

Tumingin sya sakin at sinabing "Oo nga, okay na tayo. Pero it doesn't mean na balik na tayo sa dati." sabi ni Alisha.

Medyo nainis ako at nagtanong "Bakit? Anong problema?"

"Natouch talaga ako nung sinabi mong minamahal mo ang soul ko and hindi yung body, pero yun din ang problema ko, I want you to love even my body as it is. I know that you're sincere but it feels like we're running away from the root problem. Will you ever be able to love even my body? It's still a part of me, Arthur." sabi ni Alisha.

Hindi ako makasagot.

"Don't get me wrong Arthur. My feelings for you haven't changed yet, but I want to make it more challenging for us. This all started with a single piece of bond paper that you gave me. Feeling ko tuloy we've jumped over too many steps. How much of it was real? How much of it was only due to binding to what the paper said? I want to make it right. I will not force myself to you. I know na hindi ako kasing ganda, kasing perpekto ng ibang babae dyan, malamang marami kang kilala na mas deserving pa kesa sakin, that's why I've decided to give up and let you decide on your own."

May binunot si Alisha sa bulsa nya --- yung bond paper na regalo ko sa kanya. Pinakita nya sakin ang nakasulat sa bond paper:

Sana maging boyfriend ni Alisha Villegas si Arthur Mendez

At sabay na pinupit ang bond paper sa harapan ko.

I don't know what to feel. I don't know what her action means. I was silent.

"Wala na ang magic bond paper!" sabi ni Alisha at sabay itinapon sa labas ng bintana ang punit punit na piraso ng bond paper.

Hindi parin ako makapagsalita.

"So ngayon, ako na lang si Alisha na estudyante ni Sir Arthur Mendez. Sir, salamat po sa lahat." pangiting sinabi ni Alisha.

"Pero pano na tayo?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko alam." mabilis nyang sagot "Pero sana matawag ulit kitang 'baby' sa future, matawag ko ulit na 'mama' yung nanay mo, at sana magawa mo akong mahalin in my wholeness at hindi na tayo nakadepende sa kung ano ang nakasaulat sa papel na wala namang powers to grant wishes in the first place.

I love you, Arthur. Bye"

...

...

...

Days passed, hindi kami nag uusap o kahit text man lang, nagpaalam na din ako kay Sir Newton na magreresign na ako sa pagtuturo, but out of courtesy, may ni-refer akong tao na papalit sakin, she's as capable as me --- si Jaimee! Pinakauna nya daw na ambition ang pagtuturo eh so she's more than enthusiastic nang malaman nya na pwede syang magturo even just for Saturdays.

So as for me, balik ako sa dati kong gawi --- tambay sa 7/11. But I didn't give up on love! I'm going back to the start!

...

...

...

_____________________

12-16 11:11 PM

Uhmmm. Pwede bang manligaw?

_____________________

PARA KANINO BA ITONG TEXT MESSAGE KO? ANO BA TONG GINAGAWA KO? NABABALIW NA BA AKO?

SERIOUSLY?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seriously?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon