When I started this, I never thought that this kind of things would happen. And to think na ang mismong babae pa talaga ang magco-confess sa akin? This is my first time to be confessed at, and this is quite far from what I imagined. Hindi ko mintindihan, it never once crossed my mind that Alisha would have feelings for me - feelings too strong that she directly said it to me through written words.
Pero sino ba kasing tanga ang maniniwala na may magic talaga yung bond paper na yon?! Imbento ko lang naman yun - na kahit anong isulat nya dun eh magkakatotoo. Akala ko nagkakaintindihan na kami - na comedy skit ko lang yon. I feel like I was being psychologized. Let me explain to you why.
First, ako yung nagbigay ng bond paper as a gift, it has no supernatural powers to grant any kind of wish whatsoever, kinuha ko lang talaga yun sa office namin, and kung may powers man yon edi sana hindi na lang naging love story ito, sana sci-fi na lang o action story na lang to. And hindi ko ireregalo ang ganong bond paper, ako mismo ang gagamit nun. But another thing is, ako mismo ng nagsabi na kahit anong isulat nya dun eh magkakatotoo. I never denied nor clarified anything to her, hindi ko nilinaw na joke lang yon kasi nga akala ko nagkakaintindihan na kami. And perhaps nagkaintindihan nga kami, but she went and seize the opportunity. Her wish is completely within my hands, nasa akin na lang kung iga-grant ko o hindi ang wish nya. Kung igrant ko ang wish nya, walang problema since nagco-coincide naman yun sa gusto kong mangyari na ma-experience ang romance, pero kung hindi ko iga-grant ang wish nya, lalabas akong sinungaling, at kung ngayon ko pa iexplain na comedy skit lang yung regarding sa bond paper, ako ang magmumukhang katawa tawa. Pero pwede ko namang sabihin na hanggng kahapon lang ang effectiveness ng powers ng bond paper, or nawalan na ng powers kasi tiniklop nya. But what ever the case, may paraan para maiwasan ko ang nakasulat sa bond paper. And I believe she realized it too.
Kung kayo ang nasa posisyon ko, ano ang gagawin nyo?
Hay, basta naiinis ako dahil it feels like my carelessness came back to bite me. Kaya bibitinin ko na lang kayo, hindi ko muna sasabihin kung ano ang naging desisyon ko, either way, mahuhulaan nyo din naman. Puro kayo team Alisha eh, no?
Halos abutin na kami ng madaling araw sa park, and it would be bad kung pauwiin ko pa si Alisha sa Quezon City, since may pasok din naman kinabukasan, so I decided to take her home. O teka, bago nyo ako husgahan, let me clarify it - hindi sa apartment ko ha, sa bahay ng parents ko. Since ang kaisa isa kong kapatid eh nasa dorm ngayon, walang kasama ang parents ko, I've texted them, pero malamang mahimbing na tulog nila. Anyways, may susi naman ako, so dumiretso kami doon.
And when we got there, I saw that there are still lights in our home - gising pa pala sila. Malamang narinig ni mama ang tunog ng kotse ko kaya agad syang lumabas. Siguro hinihintay talaga nila kami.
Pagkatapos kong i-park ang kotse, naghihintay si mama sa may terrace, nakapamewang, at malalim ang tingin kay Alisha. Mukhang gigisahin ni mama si Alisha kaya kelangan ko na mag isip ng sasabihin bago pa umandar ang bibig nun.
"Hala?! 12:17 na pala? Bakit hindi pa kayo natutulog, ma? May pasok pa ako mamaya." sabi ko.
Hindi ako pinansin ni mama at tinanong si Alisha "Anong pangalan mo, iha?"
"Alisha Villegas po" bigkas nya na tila natatakot.
"Ano ka ng anak ko?" mabusising tanong nya.
"Ma, inaantok na kami, hindi mo ba muna kami papasukin man lang sa loob?"
"Wag ka magulo, kausap ko si Alisha." malakas na bigkas ni mama.
"Girlfriend po." mahinang bigkas ni Alisha.
"Sigurado ka?" pag uulit na tanong ni mama.
"Kanina lang po kami naging magboyfriend-girlfriend" sabi ni Alisha.
Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko, pero as you can see, based sa mga sinabi ni Alisha, mahuhulaan nyo na kung anong naging desisyon ko regarding dun sa bond paper. Hays, ngayon pa lang parang gusto ko na magsisi sa desisyon ko. Bakit ba kasi sa dinami dami ng araw eh parang ngayon pa naging bad mood si mama?
Biglang nagsalita si mama "Hay nako Arthur, birthday na birthday mo, ano bang pinaggagagawa mo? bakit mo dinala dito ang girlfriend mo? Mukha bang motel tong bahay namin?"
Napatingin ako kay Alisha, malamang napapahiya sya dahil sa kung paano magsalita si mama ngayon.
"Ma, tapus na birthday ko, Sabado na ngayon, madaling araw na, kanina pa ako inaantok, dalawang araw na akong puyat. Tsaka hindi naman ako matutulog dito eh, si Alisha lang, dun ako sa apartment ko matutulog." paglilinaw ko.
"Oo na, umalis ka na, bago pa uminit ang ulo ko sayo. Kami na rin maghahatid sa manugang namin sa school."
"Sinong manugang?" tanong ko.
"Sino pa ba? Edi sya" pangiting itinuro ni mama si Alisha.
Hindi ko talaga maintindihan si mama, kanina lang ang sama ng timpla nya, ngayon naman parang excited sya.
"Dito kayo sa bahay dumiretso pagkatapos ng klase, ha." pag uutos ni mama.
"Bakit?" tanong ko.
"Ano pa? Magse-celebrate tayo, kasi may manugang na ako." patawang sabi ni mama.
Masyado na akong inaantok para patulan pa ang mga banat ni mama, gusto ko na talaga umuwi sa apartment ko.
Pero ngayon ko lang nakita ang matapang na side ni Alisha, sa school, lagi syang binu-bully pero sa harap ni mama, parang pinipilit nyang maging matapang.
"Sir----Arthur, mag ingat ka, ha" sabi ni Alisha.
Hindi ako sanay sa nakikita ko, siguradong pagod na si Alisha, pero ang kinang parin ng mga mata nya. Parang ibang Alisha ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ng mabuti pero iba ang aura ni Alisha - o baka inaantok lang talaga ako. But whatever the case, I think Alisha's changed for the better.
Siguro tama nga ang naging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Seriously?!
RomanceArthur Mendez is so stupid that he doesn't know what romance is. So he tried to write a wattpad story to share with you his journey in experiencing romance first hand. (SERIOUSLY?! may lalake pa bang ganyan?!) #KidlatAwards2018